Twenty Nine

8.5K 269 55
                                    

Attacked

JENESIS' POV

Tumigil ako sa pagtakbo dahil inamoy amoy ko ang paligid. Sobrang layo ko na kina Jase or baka naman may iba silang direksyon na tinahak.

Sinubukan kong hanapin yung scent ng mga tagablack venom pack dito sa lugar na to. Nasa tabi ako ng kalsada at buti nalang late na kaya wala na mashadong dumadaan na kotse.

Natuwa ako nang makaamoy ako ng isang fresh na scent.

Oh, fuck. It's Leo's scent!

Agad kong sinundan yung amoy niya, naabot sa woods yung kanyang amoy. Buti nalang at maliwanag ang buwan. But, wolves can see clearly at night.

Tumigil ako sa pagtakbo at inangat ang ulo ko, I twitched my ear, trying to sense danger pero wala kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Di nagtagal ay nakarating na rin ako sa isang unfamiliar place. Dahan dahan akong lumapit sa higanteng gate ng mansion na ito.

Ibarra residence.

Nakarating na rin ako. Pinikit ko ang mga mata ko at hinanda ang sarili ko.

Dumilat ako at tumahol ng sobrang lakas. Agad kong inatake ang gate ng mansion ni Lukas. Mas malakas ako sa gate na ito kaya madali ko itong napatumba.

Naglakad ako papunta sa harap ng mansion at nilabas ang matatalas kong ngipin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong lumabas si Lukas, Michelle at Leo. Nagsilabasan rin ang mga miyembro ng pack niya. May ilang nagshift at naglakad papunta sa diresyon ko.

Leo crossed his arm, ngumisi siya sakin. "Hello, Jen. Happy to see me?"

I growled at him. Hindi ko siya makakamindlink dahil hindi siya kabilang sa pack namin. Natutunan ko kina Wade na makakamindlink ko lang yung mga lobong nasa pack namin.

"You do realized na malaking pagkakamali ang ginawa mo diba?" Lukas smirked. "mag-isa kang sumugod dito sa teritoryo ko. Naisip mo din bang madali ka lang naming mapapatumba?"

That's what you think, asshole.

Tumahol ako bago sinugod yung isang lobo na nasa daanan ko.

Ginawa ko yung mga tinuro sakin nina Wade at Melissa. Umikot ako at inatake siya sa likod. Kinagat ko ng sobrang lakas yung lobong yun.

The wolf whimpered before attacking me. Kinagat niya ako sa tagiliran and I whimpered. Nilabanan ko yung sakit at inatake siya ulit. This time, sobrang lakas na ng pagkagat ko sa kanya kaya napatay ko na siya.

Umatras ako nung bumalik na sa human form yung lobong nakalaban ko.

Lukas growled. "Alisin niyo yan!" Galit niyang sabi sa mga tauhan niya. "nandito ka sa teritoryo ko at pinatay ang tauhan ko! Magbabayad ka, Jenesis!"

Tumalon siya at biglang nagshift. Ipinakita niya ang ngipin niya bago binaba ang kanyang ulo. Binaba ko rin ang ulo at tenga ko.

He growled before running towards me. Tumakbo din ako papunta sa kanya, tumalon siya kaya naghanda ako. Aatakihin ko na sana siya nang may lobong tumalon mula sa likuran ko at inatake si Lukas.

Tumilapon sa kanyang mga tauhan si Lukas. Inangat nung lobo yung ulo niya at tumahol.

Omygod, it's Jase!

Liningon ko ang likuran ko at nakitang nagsidatingan na ang mga lobo mula sa pack namin. Lumapit sakin si Melissa at Selena.

"Luna, are you okay?" Melissa asked.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon