Twenty Five

9.5K 263 41
                                    

Surprise

JENESIS' POV

"Bhe, paabot nung sandwich na pinagawa ko kay Melissa." Sabi ko kay Selena bago sinubo yung hawak kong apple.

"Eto na po, Luna." Sabi niya sabay abot nung sandwich.

Nandito kami sa sala, nanunuod kami ng movie. Xmen yung pinanuod namin, Xmen marathon. I love Xmen, I'm a fan.

8 pm na ng gabi, yung mga lalaki ay inutusan kong bumili ng makakain at maiinom sa 7/11. Kasama ko lamang si Red, Selena at Melissa. Kasama namin si Aubrey kanina pero inaantok na siya kaya natulog na.

"Tanginang palabas naman to, wala akong maintindihan!" Reklamo ni Red.

"Shunga, pano mo maiintindihan kung basa ka nang basa diyan sa libro na hawak mo." Umirap si Selena matapos nginuso yung librong binabasa ni Red.

"Maganda kasi eh." Umirap si Red bago sinara yung libro at nagfocus na sa movie.

Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto at nagsipasok sina Wade, Theo at Jase. May hawak silang paperbag na naglalaman ng mga pagkain.

Nabuhay naman ang aming mga kaluluwa. "Yay!" We shouted.

Umupo si Jase sa tabi ko at kumuha ng pagkain mula sa paperbag. Sumimangot ako nang makitang vege salad ang binili niya para sakin.

"What the hell, Jasen?" Iritado kong sabi.

"What? This is food." Sabi niya bago pinatong yung paperbag sa coffeetable at binuksan yung salad.

"I don't want that! Gusto mong kumain ng damo ang mapapangasawa mo?!"

Humalakhak silang lahat.

Tumayo si Red at kumuha ng chichirya mula sa paperbag na dala ni Theo. "Sa kwarto na ako, magbabasa pa ako." Sabi niya sabay angat nung libro niya.

Tumango kami sa kanya at naggoodnight na. Humarap ulit ako kay Jase at sinamaan ng tingin.

"I hate you." I said.

He chuckled. "You love me." Kumindat siya sakin bago ako sinubuan.

Masarap naman pala pero shempre hindi ko pinahalata sa kanya na masarap pala yun.

"You're watching Xmen? Naks!" Ngumisi si Wade bago tinuon ang atensyon sa tv.

"Sshh! Anh ingay ng punyetang to!" Sabi ni Theo sabay irap.

Nang maubos ko na ang salad, nilagay niya sa coffeetable yung lalagyan. Tinaas niya ng konte yung shirt niyang suot ko at hinimas ang tiyan ko. Lumapit siya don at hinalik halikan.

Natawa ako ng mahina. Ang cute niya kasing tingnan.

"I'm so excited to see you, kid." He smiled.

Binaba niya na yung shirt ko at hinalikan ako sa noo sabay akbay. Yinakap ko siya ng patagilid.

Sana ganito nalang parati. Walang away, walang gulo. Happy lang.

The next day..

Papunta na kami sa bahay namin sa South, dapat hindi ako sasama ngayon dahil baka raw mapagod ako pero pinilit ko si Jase at sabi ko kapag hindi ako kasama, magagalit ako ng isang buwan sa kanya.

Nakasakay kami sa bagong bili na van ni Tito. Si Theo ang nagmamaneho habang si Selena naman ay nasa shotgun seat, holding hands pa silang dalawa. Si Wade at Melissa naman ay nasa likuran namin kasama ang ibang warriors na natutulog.

4 am pa ng umaga, sabi kasi ni Jase, mas magandang bumyahe ng madaling araw. Tahimik at wala mashadong kotse.

"You should sleep." Mahina niyang sabi sakin bago niya sinandal yung ulo ko sa balikat niya.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon