Forty Two

6.8K 206 24
                                    

Toy Store

JENESIS' POV

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko. “What?” I said.

“You're going back to the mansion with me. Dun kayo nakatira kaya babalik kayo dun.” Sabi niya.

Nag-init naman ang dugo ko. “No, kailangan namin, ko, ng space. Hayaan mo muna kami, please? Bumalik ka na dun kay Dawn. Tutal, dun ka naman masaya.”

Well, I think that triggered something inside him. Binaba niya si Pierre at sinabihan sina Theo at Wade na umalis na muna kasama si Pierre.

Nang makaalis sila ay naglakad siya papunta sakin, hindi ko alam kung bat ako kinakabahan. Napaatras naman ako habang naglalakad siya palapit sakin.

“Sobra akong nag-aalala sa inyo ni Pierre, Jen. Mas nag-aalala din ako sayo dahil buntis ka.” Sabi niya.

I frowned. “Sure ka ba diyan sa mga pinagsasabi mo? O sinasabi mo lang yan dahil naguguilty ka? Sino pa ba ang asawa mo, Jasen? Ako o si Dawn?”

He clenched his jaw.

“Jenesis--..”

“Tama na, Jase. Tama na,” Sabi ko habang nakataas ang kamay ko, signalling him to stop talking. “bumalik ka na sa mansion, bisitahin mo nalang si Pierre bukas.” Sabi ko.

Nag-iwas siya ng tingin at sumimangot. He sighed, tumalikod na siya at lumabas sa bahay ko.

*****

“Mama, wake up!”

“Nako, talaga. Palibhasa kasi anak yan ni Luna kaya hindi niya kayang magalit diyan kapag nagising.” Rinig kong sabi ni Wade.

“Huy, alam mo ba noon! Ginising ko si Luna noon dahil magjojogging tayong lahat, bigla ba namang magshift nang magising ko. Huhuhu, kala ko madedeads nako nun.” Theo said.

“Sana nga nadeads ka nalang.” Tumawa si Wade.

“Aba, pu--..pasalamat ka may bata rito.” Inis na sabi ni Theo.

“Oh, edi thank you.” Pang-aasar ni Wade.

“Tito Theo and Tito Wade, can you wake my her up? Papa is waiting already.” Sabi ni Pierre.

Agad namang bumukas ang mga mata ko at napaupo sa kama. “What?!”

“Asus, yun lang naman pala ang makakagising sa kanya eh.” Tumawa si Theo kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Goodmorning, Luna! Nasa sala na si Alpha Jase, hinihintay kayo ni Pierre. Pinaliguan at binihisan niya na rin si Pierre.” Sabi naman ni Wade.

Napatingin naman ako kay Pierre na nakabihis ng ng shirt at shorts, nakamedyas na rin siya.

“Bakit? Anong meron?” Naguguluhan kong tanong habang bumabangon at kinukuha ang tuwalya ko.

Humalik na muna sa pisngi ko si Pierre at binati ako ng goodmorning.

“Ilalabas ata kayo ni Fafa Jasen eh ” Sabi ni Theo sabay nguso. “sasama sana ako kaso sapak lang ang nakuha ko.”

“What time is it?” I asked.

“It's morning, Mama!” Nakangiting sabi ni Pierre.

Natawa naman ako sa cuteness niya. “Yes, baby. I know.”

“7:26 AM na, Jen. Kanina pang 6:30 si Jase dito.” Sabi ni Wade.

“Bat ang aga? Hindi ba pwedeng mamaya niya nalang kami ilabas?” I rolled my eyes.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon