Twenty Two

10.2K 267 93
                                    

Warning: Walang kwenta.

Sneaky

JENESIS' POV

"Ang tagal naman magising ni Alpha. Three pm na oh!" Sabi ni Theo habang kumakain kami ng meryenda.

Kumakain ako ng chicken sandwich na hinanda ni Melissa para samin pero si Wade, chichirya yung kinakain.

"Hayaan niyo na, pagod eh. Pinagod ni Luna," Humalakhak si Theo kaya binatukan ko. "aray naman eh! Joke lang, Luna." Ngumuso siya.

"Wag kang ngumuso, balian kita ng buto eh." Umirap ako.

"Sige, Luna. Wala akong angal diyan." Natatawang sabi ni Selena kaya nagpacute si Theo sa kanya.

"Theo, ano ba! Nakakawalang gana yung pagpapacute mo!" Iritadong sabi ni Wade.

"Edi wag niyo kong tingnan! Sinabi ko bang tingnan niyo ko?! Si Selena lang yung required na tumingin sakin, tukmols!" Umirap si Theo bago siniksik ang mukha niya sa leeg ni Selena.

"Yuck, pda." Tumawa si Melissa.

"Tayo din gusto mo?" Ngumisi si Wade. "pda sa kama, you like?" Kumindat si Wade kay Melissa.

Tinapon ni Melissa yung pamunas ng kamay sa mukha ni Wade. "Ew ka." Umirap si Melissa.

"Lumayas na nga kayo dito sa kitchen, dun na muna kayo sa sala. Magliligpit lang ako." Sabi ko sabay tayo.

"Gusto mo ng tulong, Luna?" Theo.

"No, thanks. Magkakalat ka lang din." I joked.

"Sakit nun ha." Ngumuso ulit siya kaya pinitik ni Wade yung nguso niya.

Pinalayas ko na yung apat at nagsimulang magligpit. Letsugas, daming kalat na iniwan tong si Melissa habang gumagawa ng sandwich.

Tinapon ko na sa mga basura yung mga kalat at naghugas ng baso, plato at butterknife.

Napatalon ako sa gulat nang may yumakap sakin ng patalikod.

"Hey, baby." Mahina niyang sabi bago ako hinalik halikan sa leeg.

Napangiti ako. "How's your sleep?"

"It was good," Sabi niya bago siniksik ang mukha niya sa leeg ko. "baby, I'm hungry."

"Okay, anong gusto mo?" Tanong ko habang hinuhugasan yung baso.

"You." He chuckled.

"Bastos mo," Tumawa ako. "ano nga gusto mong kainin?"

"Ikaw nga."

"Jasen Chase, isa." Banta ko habang pinapatuyo yung mga hinugasan ko.

"Kahit ano basta ikaw yung magluluto." Sabi niya habang nakayakap pa rin sakin.

"Okay," Kilig yun ah. "kalas nga muna, ilalagay ko muna to sa lalagyan ng mga pinggan." Sabi ko sabay angat sa mga hinugasan ko.

"No." Parang bata niyang sabi.

"Jase naman eh, di ako makalakad ng maayos dahil nasa likod kita."

"That's your problem, not mine." He laughed.

"You asshole." I rolled my eyes before trying my best to walk.

Sa wakas ay nakarating ako sa lalagyan ng mga plato, nilagay ko yung mga hinugasan ko don bago pinunasan yung kamay ko sa shirt niya. Hindi naman siya nagreklamo, nako subukan niya lang.

Hinarap ko siya at pinulupot ang mga kamay ko sa leeg niya at nag-iwan ng mga halik sa pisngi at panga niya.

"Are you teasing me, baby?" Mahina at sexy niyang sabi.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon