Prologue

57 3 0
                                    

Author's Note: Kung hindi mo pa nababasa ang Book 1 nito which is The Boy and The tree ay iyon muna ang basahin niyo para alam mo ang history ni Chandria. Just search it in My works. Pero kung sadyang makulit ang lahi mo aba'y pwedi mo ng simulan ang pagbabasa.

P.S. Unedited po ito kaya't mag-expect kayo ng maling spelling, maling grammar. Hindi po ako si Nobody kaya hindi ako perfect. Charot! Sige na. Basahin mo na.

Sana mag-enjoy ka :)

You're My Illusion

Prologue

Malikot ang imahinasyon ng tao. Maaring matakot ka sa resulta ng imahinasyon mo. Matawa, mandiri o 'di kaya'y masaktan.

Minsan akong umibig sa ilusyon ko.

Nabaliw nga ako gaya ng sabi ng iba.

Mula sa pagkakalunod ay unti-unti kong iniahon ko ang sarili ko.

Ayaw kong makulong sa pagiging ilusyonada.

I'm ready to face the reality.

Pero lahat yata ng desisyon kong pagbabago ay nagiba ng makita ko siya. Ulit?.

Nakikita ko na naman ang ngiti niya.
Naamoy ko na naman siya.
Naaninag ko na naman ang kulay brown niya mga mata.
At sa bawat pagdampi ng balat niya sa balat ko ay umiindak na naman ang puso ko.

How can I ever forget him if he's still haunting me?

"Hoy! Ken Axel! bakit mo kinain 'yan? akin 'yan! Gago ka!"

Nagtatawanan sila ng mga kaibigan niya. Nakikita siya nila. Nahahawakan din at naririnig.

Totoo siya!

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon