36

7 0 0
                                    

Ng makaalis si Franco ay tinawagan ko si Ferlin. 

"Babalik din naman siya. "

Ani ko sa tawag habang palabas na ng airport. 

"Alam ko.  I just wanted you to get back together. Wala na bang pag- asa, Ate Chan? "

May lungkot akong nahihimigan sa boses niya.  Napangiti din ako ng mapakla. 

"I'm sorry.  I just can't "

Bumuntong hininga siya sa kabilang linya. 

"Well,  I guess hindi na kita mapipilit pa. Bye, ate.  I'll hung up na "

"Okay.  Bye"

I never thought na suportado pala ni Ferlin ang relasyon namin ni Franco. She must be a good sister.

"Shit "

Mahinang mura ko ng makitang late na akong ng thirty minutes sa trabaho.

Agad akong pumara ng taxi.

"ano?!  Break na kayo ni Franco?! "

Reina and April freak out ng kinuwento ko sa kanilang wala na kami ni Franco.  Napansin kasi nilang hindi na ako hinahatid at sinusundo ni Franco. 

Marahan akong tumango sa kanila. 

Bumuntong hininga si Reina na para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. 

"Salamat naman kung ganoon "

I glared at her.  Oo nga pala!  May crush siya kay Franco. 

"But we're still friends."

"Ang cool." usal ni April.

"Ang hirap kasing maging kaibigan lang ang taong mahal mo.  Bibihira lang ang mga mag ex na nagiging friends pa rin. Ang hirap kasing tanggapin na ang taong minahal mo ng lubusan ay hindi naman pala itinadhana sayo.  "

Tinusok ni April ang siomai na kinakain niya. 

Napaisip tuloy ako,  sino kaya ang itinadhana para sa akin?  Anong itsura niya?  Anong ugali niya? Nasaan siya?  If I just can google it. 

"Uy!  Tapos na ang lunch break.  Balik na tayo sa trabaho "

Tinuro pa ni Reina ang wall clock ng cafeteria. 

Tinapos ni April ang pagkain ng siomai at sabay na kaming tatlo na bumalik sa aming trabaho.

Naging busy ako sa trabaho nitong mga nakaraang araw.  Bukod sa ayaw kong magluksa sa pagkamatay ni mommy Janine dahil alam kong ayaw niyang umiyak ako, ay ayaw ko ding bigyan ng oras ang sarili kong mabakante.  Sa tuwing may spare time ako ay palaging pumapasok sa  isipan ko ko si Ken.  Yes,  Ken Axel Salvador.  Ewan. Simula noong hinalikan niya ulit ako ay palagi na siyang sumasagi sa isipan ko.  Galit ako. Galit ako hindi kay Ken kundi sa sarili ko. Kasi hinahayaan ko naman ang sarili kong guluhin niya ang tahimik kong buhay.  Galit ako sa sarili ko kasi nahuhulog na naman ako.  Nahuhulog na naman ako sa mapang akit niyang ngiti. Sa brown niyang mga mata. The way his hair was being push back. Kung gaano kabagay sa kanya ang business suit na soot niya.  Every bit of him.  Even his flaws. 

Pababa na ako ng building gamit ang elevator ng dala ang mga papeles na sa bahay ko gagawin. Sabi ko nga,  I want myself to be busy kaya kahit sa bahay ay trabaho ang ginagawa ko hanggang sa antukin ako.

"Chandria "

Napasinghap ako ng marinig kong tinawag niya ako.  Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino siya.  Everything in him ay memorize ko na.  His voice,  his back, the way his hair falls down in his face. Ang pagkamot niya sa kanang kilay niya.  Ang square niyang ngiti kapag natatawa siyang totoo.  The way he walks. I memorize every bit of him that every time I close my eyes he'll appear. 

Tumigil ako sa hinatayan ng taxi at agad kong naramdaman ang presensya niya sa gilid ko. 

"Chandria, can we talk.  Please?  "

Bumuntong hininga ako at hinarap siya.

"Look, I'm sorry kung naghiwalay kayo ng boyfriend mo. It was not my intention.  I just really wanted to kissed you that time that I can't control myself.  "

Hinawakan niya ang magkabilang siko ko.  Gusto kong umatras mula sa kanya pero huli na ang lahat para gawin ko iyon. He hold my arms tightly. 

Humugot siya ng malalim na hininga at mariing pumikit  na para bang nahihirapan siyang humagilap ng mga salitang sasabihin sa akin. 

"I'm sorry." aniya at niyakap ako. Binaon niya ang kanyang ulo sa aking leeg.  I can feel his warm heavy breath.  Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa mga papeles.  Iyon ang nakapigatan sa aming dalawa.  But we're enough that it can take my breath away. 

"Ken "

Napakalas siya ng may nagsalita sa mula sa aking likuran.

"Divine!  What are you doing here?  "

Aniya at nilagpasan ako.  Isang Divine lang naman pala ang katapat niya at nilalagpasan na niya ako.  Si Divine yan e.  Ang babaeng minsan niyang minahal o baka mahal niya pa rin hanggang ngayon. 

Purang may bunyal na tumama sa puso ko ng tumakbo si Divine  mula sa kinatatayuan niya at sinugod ng yakap si Ken. 

"Don't leave me. Don't leave me again "

Nahihimigan ko ang sakit sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. 

"Sshh. Bawal sayo ang mastress diba?  Stop crying.  "

Pag aalo ni Ken sa kanya at hinagod ang likod ni Divine. 

Isang mapaklang ngiti ang kumawala sa aking mga labi at umiwas ng tingin. 

"Go back to Harold.  He can take care of you "

Kumalas si Divine at umiling ng ilang beses.  Who's Harold, by the way? 

"No.  Ayaw ko sa kanya.  He's not as rich as you.  He's not as handsome as you.  It'll be embarrassing if siya ang ipapakilala ko kina dad-"

"But he loves you."

Pagpuputol ni Ken sa sinabi niya. 

"He loves you, Divine.  And I'm sure you love him too.  You're just afraid of the consequences.  You're just afraid of the pain you might get if you will fight for him.  Besides,  He's the father of your baby "

Nag uunahan na sa pagbaba ang mga luha ni Divine.  Sa bawat pagpahid niya ay may bago na namang malalaglag.

"Alam kong ako ang ineexpect ng parents mo na papakasalan mo.  But, let's get over with the past.  Fight for your love. Mahirap na puno ng pagsisisi ang bawat araw mo. Fight for your love cause I'm fighting for mine "
Nilingon ako ni Ken. Tinaasan ko siya ng kilay. Matipid siyang ngumiti at binalik ang tingin niya kay Divine. 

"Fight for your baby "

Ani Ken at tinapunan ang ng tingin ang tiyan ni Divine.

Ngayon ko lang natitigan ng mabuti ang katawan ni Divine at ngayon ko lang din napansin na medyo may lumubo ang tiyan niya. 

Ghad!  There's a baby in there!

Pinahid ni Divine ang mga luha niya at sunod sunod na tinanguan si Ken.  Ngumiti lalo si Ken na para bang nakuha niya ang bagay na gusto niya.

"Thank you and I'm sorry "

Ani Divine.  Tinignan niya ako at ngitian.  Bagay na never niyang ginagawa. Napataas ako ng kilay.  Napailing si Ken. 

Nilapitan ako ni Divine. 

"Take care of him.  I know you love him more than I could.  "

Aniya at niyakap ako.  Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya. 

"Don't ever let him go "

Bulong niya sa akin. 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon