Chapter 8

14 1 2
                                    

Silver Francisco in multimedia :)

~*~

Nagulat ako ng lumabas ako sa bahay ay nakatayo sa labas ng gate ang magkaibigang Harem at Zion.  Matalim na tingin ang binabato ng dalawa sa Isa't isa.

Kahapon ay nag-aaway sila kung sino ang maghahatid sa akin sa bahay. Ang resulta ay mag-isa akong umuwi.

"Sabay ka na sa akin, Chan"

Sabay nilang sabi. Napangiwi ako. Don't tell me mag-aaway na naman sila kung kanino ako sasama.

"Hindi niyo kailangang mag-away para lang sa paghatid sa akin. At isa pa, kaya kung pumasok mag-isa. "

Tumahimik na lamang sila.

Pumara ako ng taxi at sumakay say front seat. Nagsi-unahan din ang dalawa sa pagsakay sa back seat. Mga isip bata talaga.

"Hoy! Babae! 'di mo naman kami ininform na nagkaroon ka na pala ng dalawang hot na bodyguard!"

Salubong sa akin ni Caster pagkadating ko skwelahan. Mula sa dalawang gwapong nasa likod ko ay nilipat niya ang paningin niya sa akin. Binigyan niya ako ng isang ngiting aso. Tinaasan ko siya ng kilay. Sa  gilid niya ay si Valentine na sinusuri ng tingin ang dalawang lalake sa likod ko.

"Chan, sabay na tayong maglunch"
Masiglang aya ni Zion.

"Sure! Pwedi talaga Zion! Sabay kayo sa amin. Gusto mo ding samama,  Harem?"

Ani ng bakla na may malapad na ngiti. Excited na makasabay ang dalawa sa pananghalian.

"Sige ba"

Nagpaalam na ang dalawa at sabay kaming tatlo na pumasok sa classroom.

"Valentine, okay ka Lang?"

Nilingon ako ni Valentine at nginitian.

Parang ang tahimik niya kasi ngayon.

"Bakla, hindi ba ay may ipapakita ka sa akin?"

Binaling niya ang atensyon niya Kay Caster.

"Ay! Ito girl. Halika!"

Sabi niya at nilahad ang bukana ng bag niya.

Sumilip doon si Valentine at may lumabas na kulay green na ahas.

Tumili si Valentine at hindi magkanda ugaga sa pagtatalon habang si Caster at ako naman ay tawa ng tawa.

Paano kasi ay laruang ahas iyon.

Nakatikim kami ni Caster ng tag-iisang batok.

Ang kaninang halos palengke sa ingay na classroom ay biglang tumahimik ng pumasok si Ken.

Sukbit ang bag nito at nakabukas ang white polo nito. Sa loob ay isang puting t shirt at may suot ding siyang dogtag. He keeps on reminding me of Theo. My heart aches a little remembering Theo.

Ng makalapit ng tuluyan si Ken ay naka agaw pansin agad ang band aid na nakalapat sa pisngi nito. Putok din ang labi niya. Did he get into fight?

"Ken! Anong nangyari sa maganda mong mukha?"

Tanong chismosang si Caster at umupo pa talaga siya sa desk ni Ken.

"May pinatay lang akong baklang pakialamero. Binutas ko yung gilid niya. Tapos ng pauwi na ako ay nahulog ako say hagdan namin."

Bad trip na sabi ni Ken.

Napangiwi si Caster.

Tumahimik na lamang siya at bumalik sa upuan niya.

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon