Epilogue

10 0 0
                                    

KEN'S POV

Someone said to me that love grows.  That there is no such thing as love at the first sight. 

I guess that someone is wrong because the moment I laid my eyes on this girl my heart started to triple its beat. 

Noong una ay hindi ko pinansin ang nararamdaman kong iyon.  Akala ko simpleng nagandahan lang ako sa kanya. Akala ko gusto ko lang siya.  Pero kalaunan hindi lang mukha niya ang nagustuhan ko. Nagising na lang ako isang araw na ang tawa niya ang pinakamagandang musika na narinig ko.  Naging paborito ko ang tawa niya. 

Oo, noon wala akong plano sa buhay ko. Kung anong gagawin ko sa future.  Pero noong nakilala ko siya, I started planning my future with her. 

Natawa pa ako sa sarili ko noon. Parang ang sigurado ko na na magpapakasal kaming dalawa e hindi ko nga siyang makuhang lapitan.  Nag eenjoy na akong mahalin siya sa malayo.  Sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti parang ang liwanag ng mundo ko.  Nakakahawa ang ngiti niya na napapangiti rin ako. 

"Alam mo, Ken. Alam ko ang tawag sa ngiti na 'yan" Minsang sabi ni Jin.  Kaibigan ko.  Kumunot ang noo ko. 

"Ngiting in love "

Tama nga siya.  Na in love ako sa babaeng kahit minsan ay hindi ko nakausap. 

Pero noong biglang pumorma na sa kanya sina Zion at Harem ay nangamba ako. Paano kung sagutin niya?  Paano kung mas gusto niya ang isa sa dalawa kaysa sa akin.  Ano bang laban ko sa dalawang iyon e heartthrob ng campus ang mga  iyon.

I'm was the most lucky man noong nalamang kong mahal niya rin pala ako. That this love is not just one sided. 

Akala ko okay na ang lahat. Akala ko...

"Leave that girl o papaalisin ko siya sa school.  You know that I am capable of doing anything, Ken.  You'll marry Divine whether you like it or not.  "

Ani daddy na nagpaguho ng mundo ko.

Dinagdagan pa ng mental records ni Chandria.  Bigla akong nag alinlangan.

Oo, ang duwag ko.  I was so coward for accepting her flaws,  her pains, her scars.  At iyon ang bagay na pinagsisisihan ko.

I keep in touch sa mga barkada para may mapagtanungan tungkol sa kanya. 

Ang dali niyang naka move on.  Ilang linggo lang nakaya niyang ngumiti ulit. Habang ako, miserable. I can't last a day without thinking of her.  Ang kanyang mga ngiti, ang kanyang mga mata, ang kanyang tawa, the way her hair dance, the way our lips touch. Damn!  It's making me crazy ! Iniisip ko palang na umiiyak siya ay naiiyak na rin ako. 

Naudlot ang pagpapakasal namin ni Divine dahil sa hindi malamang dahilan.  Nagalit ang daddy niya.  Makalipas ang ilang buwan ay inatake sa puso si Daddy.  Ipinaman niya sa akin ang isang kompanya niya.  Furniture and appliances ang product ng kompanyang iyon.  Habang ang ibang negosyo at ari arian ni Daddy ay napunta sa mga kapatid ko.  Nalaman din na may relasyon pala sina Divine at ang isa sa mga bodyguard ng daddy niya. 

Hanggang sa isang araw ay nakita ko siya, ulit. Si Chandria.  Sa kompanya ko.

This time tinatak ko na sa isipan ko na ibabalik ko siya sa akin.  By hook or by crook. 

Nanghina ako ng nalamang kong may boyfriend na pala siya.  Tangina! Huli na ba ako?  Hindi na ba kami pwedi?

Sinubukan kong tanggapin sa sarili ko na hindi nga kami pwedi. Na imposibleng maibalik ang dati pero sa tuwing hinihila ko ang sarili ko papalayo sa kanya I always end up being on her side.  Begging for her forgiveness.  Pilit kung pinagsisiksikan ang sarili ko sa kanya to the extent na kaya kong tapusin ang buhay ko para lang malaman kung mahalaga pa ba ako sa kanya. 

Pigil hininga ako habang nakatingin sa kanya habang naglalakad siya sa aisle.  Habang kinakanta ang kantang Born for you ay unti unti siyang naglalakad papalapit sa akin. 

Ang ganda niyang tignan sa kulay puting wedding gown.

Nakangiti siya na para bang ang saya saya niya sa mga oras na ito. 

May mas gaganda pa ba sa kanya?  Sa palagay ko ay wala na.

"Brad,  huwag kang umiyak. " Tukso ni Silver sa likod ko.  Natawa ako sa sinabi niya.  Para na nga akong iiyak sa tuwa ngayon. 

Ng tuluyan na siyang makalapit at kumapit siya sa aking braso. 

"Your so beautiful "

Aniko.  Kinurot niya ako at ngumiti. 

"Bolero" Aniya at sabay kaming naglakad papunta sa harap ng paring kakasal sa amin. 

"Thank you,  for existing "

Aniya bago magsalita ang pari.

Napangiti ako.  Ang sarap sa pakiramdam na may nagpapasalamat na nabuhay ka sa mundong ito.  Na kahit sa dinami dami ng mga maling bagay na nagawa mo may natutuwang nabuhay ka.  Na kaya pa ring mahalin despite ng mga flaws na meron ka. 

"I love you " aniko. 

Tumikhim ang pari kaya bigla kaming tumayo ng maayos habang pilit na pinipigilan ang tuluyang pagtawa. 

Ang babaeng akala ko noon ay imposibleng maging akin,  nandito siya sa gilid ko, sa harap ng altar.  We're saying our vows. Our vows that we will be together forever. Until our hair turns to white.  Until our skins get wrinkle.  We will be together in happiness and pain. 

Our past makes our relationship stronger. Our pains makes us who we are.  We need our scars.

I need my scars, that makes me Ken Axel Salvador.  And Chandria's scars makes her Chandria Evangelista, the woman I love.  The woman I want to spend my forever with. 

This day is just the beginning for us.  This day is the first day of our forever. This day is the start that I will turn her illusions into reality.

"By the power vested upon me,  I may now announce you,  Mr. and Mrs.  Ken Axel Salvador. "

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon