Chapter 2

27 1 0
                                    

Chandria Evangelista in multimedia :)

Enjoy reading :)

You're My Illusion

Chapter 2

Pwedi mo bang maimagine ang mukha ng isang tao bago mo pa siya makita?

Iyon bang, minsan ay dumaan ang mukha niya sa imahinasyon mo kahit hindi mo pa siya nakikita?

Parang nawalan ako ng hininga habang nakatingin sa lalaking nasa pinto.

"Mr. Salvador. Unang araw ng klase pero late ka"

Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Prof.

Isang half smile ay binigay ng lalaki kay Prof.

Salvador? kung ganoon hindi siya si Theo?

"Ganoon talaga kapag gwapo. Nagpapalate. "

Sagot niya kay prof at biglang hinagis ang bag niya sa bakanteng upuan sa harap ko. Habang siya ay andoon pa rin sa pinto. Muntik pang matamaan ang lalaking kaklase namin. Mabuti na lang at yumuko ito kaya hindi siya natamaan.

"Bakla, 'wag kang ngumanga. Ang baho ng bunganga mo. Ano ba? Nagmumog ka ba ng tae?"

Rinig kong mahinang daing ni Valentine sa likod.

"Tiisin mo na lang."

Sabat ni Caster. Baliw talaga ang dalawang 'to.

Umupo iyong lalaki kung saan niya tinapon ang bag niya.

Agad agad na lumipat sa magkabilang tabi ko ang dalawang nasa likod kanina since bakante ang upuan.

"Omg! Ken! Ken! Hoy! Ken Axel!"

Mahinang pagtawag ni Caster sa lalaking nasa harapan namin ngayon.

Lumingon din naman ito.

"Bakit?"

Kahit sa malapitan ay kamukha niya talaga si Theo. Para silang pinaphoto copy.

"Lollipop ka ba?"

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong ni Caster habang si Valentine naman ay pigil sa pagtawa.

"Gago! 'wag mo akong pagtripan!"

Galit na usal ni Ken. Napangiwi ang bakla.

"Sabihin mo na lang ' Bakit?'. Sige na"

Pagpupumilit niya kay Ken

"Bakit?"

Wala sa sariling sagot ni Ken.

"Gusto kasi kitang dilaan eh. Ellll~"

Sagot ng bakla at dumila pa talaga. Habang kami ni Valentine ay tahimik na napatawa sa ginawa ni Caster.

Jeskeng baklang ito. Nakakadiri.

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon