33

29 3 5
                                    

Naghihintay na ako ng taxi pauwi ng makatanggap ako ng text galing kay Franco.  Nasa Singapore kasi siya para sa isang meeting sa Singaporian na magiinvest sa companyang pinagtatrabahuan niya. Dalawang araw na siya doon at dalawang araw na din akong nagtataxi pauwi.  Nakakapanibago.

Ingat sa pag uwi,  Baby. Apat na araw pa ako dito.  I miss you.

Nagtipa ako ng replay sa kanya ng may tumigil na sasakyan na itim sa harap ko.  Pagkababa ng bintana noon ay agad kong nasilayan ang nakangiting Ken.

"Alone again?  Hatid na kita "

Aniya.  At binuksan ang pinto sa front seat para makapasok ako.

Naging casual ang turingan namin sa isa't isa matapos niyang maospital.

Nakatanggap ako ng text galing sa kanya ng gabing iyon.  Humihingi siya ng paumanhin dahil sa ginawa niya.  Sinabi niya rin na handa na daw siyang ilet go ako. Bukod daw sa ayaw na niyang masira ang relasyon namin ni Franco ay gusto niya ring sumaya ako.  At hindi daw ako sasaya sa piling niya kundi kay Franco. 

May isang sulok sa aking isipan na nadisappoint sa sinabi niya pero masaya din naman ako na sa wakas ay malaya na kami sa mapait na nakaraan. 

"Hindi na.  Salamat na lang "

Nawala ang ngiting kanina pa sumisilay sa labi niya.

"Mag ingat ka kung ganoon "

Aniya at pinaharurot na palayo ang sasakyan niya.  Sinundan ko ng tingin ang sasakyan niya hanggang sa kinain na ito ng distansya.

Minsan gumagawa tayo ng invisible wall sa pagitan ng isang tao hindi dahil ayaw natin sa taong iyon kundi dahil sobrang gusto natin sila at takot tayong baka masaktan nila tayo. 

Agad akong sumakay ng taxi para makauwi.

Tahimik ang bahay pagkapasok ko.  Binuksan ko ang ilaw.

Bakit kaya wala pa si Cheryl dito? 

Dumiretso ako sa kwarto para makapag bihis. 

Matapos kong magbihis ay tumunog ang cellphone ko. 

Agad kong sinagot ang tawag ni mommy Shane. 

"My? Nasa bahay na po ako"

Salubong ko sa kanya pero isang hikbi ang iginawad niya sa akin.  Bigla akong natigilan dahil sa sunod sunod niyang paghikbi. 

"My?  Ano pong nangyayari?  Bakit po kayo umiiyak?  May masakit po ba sa inyo?  Asan ka po?

Sunod sunod kong tanong habang tinatahak ang daan pababa.  Halos liparin ko na ang distansya mula kwarto hanggang labas ng bahay.

"Si Janine.  Ang mommy Janine mo "

She said between her sobs. Bigla akong inatake ng kaba.  Anong nangyari? 

Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong nag abang ng taxi. 

"Pupunta na ako diyan, my. "

Ani ko at pinatay ang tawag.  Isa isang nagsilaglagan ang butil ng mga luha ko.  Dalawang minuto na akong naghihintay ng taxi pero wala kahit ni isa ang dumaan.

Sa sobrang pagmamadali at pag aalala ko ay tumakbo na lang ako palabas ng village. 

Hindi pa ako nakakalayo ng may tumigil na itim na sasakyan sa aking harapan. 

Bumukas ang front seat nito kaya agad akong sumakay. 

"St.  Joseph Hospital,Ken "

Agad na pinaharurot ni Ken ang kotse patungo sa ospital.

Oh god!  Please lang.  Sana hindi nangyayari itong iniisip ko.  Sana maabutan ko pa si mommy Janine.  Lord, not now, please. 

Naging mabilis ang byahe at agad akong bumaba ng sasakyan.

Tumakbo ako patungong kwarto ni mommy Janine. 

Sumalubong sa akin ang nag iiyakang mommy Shane na niyayakap ni Tito Vince at si Cheryl sa gilid na na humahagulgol ng iyak. 

Napatingin ako sa kamang hinihigaan ni mommy Janine.  Nakatupi na ang kumot doon at nakapatong na sa puting unan. The bed was fixed. Walang kahit anong gusot akong nakikita sa bed sheet.

"My,  si mommy Janine? "

Isang iling ang sagot ni mommy Shane. 

"Wala na siya,  Chan "

Ani Tito Vince sa mangiyak ngiyak na tuno. 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. 

"Saan po siya pumunta? "

Kahit alam ko na ang nangyayari hindi ko matanggap ng lubusan.  Hindi kayang i absorb ng sistema ko ang nangyayari.

Walang may sumagot sa akin.  Tanging paghikbi ang maririnig sa loob ng kwarto. 

"I'm sorry "

Ani mommy at niyakap ako. 

Doon mas lalo akong naiyak. 

Sa pagkawala ni mommy Janine ay parang may isang parti din sa akin ang nawala. 

Si mommy Janine iyong nasa tabi ko sa oras na walang tumatanggap sa akin.  Si mommy Janine iyong nandyan palagi para sa akin. 

I never said 'thank you' to her.  I always forgot saying how I love her.  I never did. Now, I can't say it anymore.  Ever.  I won't be able to feel her warm hugs. 

Ni hindi pumasok sa isipan kong mawawala siya.  Mawawala siya sa mundong ito. Na any time pwedi na siyang bawiin.  All I've been thinking was my pain, myself.  Ni hindi ko binigyan ng pagkakataon na magkaroon kami ng quality time ni mommy Janine.  Ni hindi ko siya naayang mag picnic. Ni hindi ko siya naisama sa pagmomall.  Ang daming oras kong isinayang.

Nowadays, teenagers are busy growing up that they forget their parents are growing old.

Palaging nasa huli ang pagsisisi.

Inayos nina mommy Shane ang bangkay ni mommy Janine.  Ipapacrimate iyon gaya ng request ni mommy Janine noong buhay pa siya.

Nakaupo lang ako doon sa kwartong iyon.  Nakaupo ako sa kamang hinigaan ni mommy Janine.

Biglang bumukas ang kwarto at pumasok si Ken.  Ngayon lang rumehistro sa isipan ko na siya pala iyong nasakyan ko kanina.  Siya pala ang kasama kong pumunta dito.  I was preoccupied. 

Tumigil siya sa harap ko. May dala siyang pink na tsinelas. Umupo siya at sinuot sa aking paa ang tsinelas na dala niya.  Ngayon ko lang din napagtanto na nakapaa lang pala ako. 

Pagkatapos isuot sa akin ang tsinelas ay umupo siya sa tabi ko. 

"Alam kong masakit ang maiwan. Pero alam mo kung ano mas masakit.  Ang iwan ang taong mahal mo.  Na wala kang choice kundi ang iwan siya.  Masakit. Nakakatakot na baka 'pag iniwan mo siya ay makakalimutan ka na sa paglipas ng panahon.  Pero kung tunay kang minahal ng taong iyon ay hindi ka maalis sa puso't isip niya.  Palagi kang nakatatak doon.  I know tita Janine will be remembered.  She's a good person.  A good mother. Masaya siyang aalis kasi alam niyang nagawa niya ng tama ang mission niya.  Ang mapalaki ka ng tama.  You make her proud. "

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa pag iyak.

Dinala ni Ken ang ulo ko sa dibdib niya ay niyakap ako. 

Hinagod niya ang likod ko.

"everything will be fine, Chan. "

Naibsan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. 

The thing about Ken's hug is that it can make me feel like I'm home.  Like I'm safe.



You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon