24

12 1 0
                                    

Masasamang tingin ang binigay sakin ng mga groupmate ko. Nginisihan ko sila. 

"Alam mo bang muntikan na kaming bumagsak sa semi finals dahil hindi ka dumating? "

Seryosong tanong ni Caster habang nakapamaywang pa.

"Hindi ko alam.  Wala kasi ako dito "

Akmang sasabunutan niya ako ng kinalma siya ni Valentine. 
Pew!  Akala ko makakalbo niya ako. 

Oo na.  Kasalanan ko na.  Inuna ko pa kasi ang paglalandi bago ang pag- aaral.  Paano naman kasi,  nakakalasing ang mga halik ni Ken. 

Biglang nagsibalikan sa isipan ko ang pangyayari kanina. 

Ken was above me, sweating and moving.  Damn! Ipinilig ko ang ulo ko para maalis ang alaalang iyon. 

"Bakit ka kasi nalate?  Hindi ka man lang nagtext "

Ani ng isa sa mga kagroup ko.

"Pumunta kasi akong ospital kasama si Ken. Binisita namin ang mommy niya. Tapos ayon natagalan kami dahil sa ano"

Lahat ng tingin ay nakatuon sa akin na para bang napakaimportante ng bawat sasabihin ko.

"Natagalan kami dahil sa traffic.  "

Nakayuko kong sabi.  Oo na.  Ang sinungaling ko na.  Nakonsensya pa ako e. 

"Mabuti na lang at pumayag si Prof na sa susunod na lang tayo magrereport. I copy mo na lang sa flash drive ko ang power point para sure.  "

Ani Caster sabay bigay ng flash drive niya sa akin.

"Bakit pala parang matter of life and death ito para sayo, Caster? Muntik mo pa akong kalbuhin kanina "

Humugot ng hininga ang bakla bago ako sagutin. 

"Nasa Brazil ang bago kong boylet kaya kailangan ko ng pera papunta doon.  Dapat akong makapagtapos ng pag- aaral kaya kung pwedi lang huwag mo akong idamay kung ayaw mong grumaduate "

Aniya at umalis. 

Anong trip ng baklang 'to? Ilang katol ang hinithit noon?

Nagkibit balikat na lamang ako at pumasok na sa susunod kong klase.

"Magkasama kayo ni Ken? "

Bulong ni Valentine.

Nilingon ko siya.

"Oo. Bakit?"

"Hindi niya ba kasama si Zion? "

Nagtaas ako ng kilay dahil sa tanong niya.  Akala ko ba ay ayaw na niya kay Zion?  Ba't niya hinahanap?

Tumikhim siya at umayos ng upo. 

"Naiwan kasi niya ang libro niya kanina sa isa naming subject.  Ibibigay ko sana.  Walang malisya a! "

Depensa niya. 

"Hindi e.  Baka nasa Dancing Room. "

Tumango na lang siya at nagsimulang magreview para sa quiz namin.

"Nandito ba si Ken? "

Aning bagong pasok na si Divine.  Nakataas ang kilay nito at nakacross arms pa. 

"Hindi kami lost and found section.  Kaya 'wag mo kaming tanungin tungkol sa mga taong nawawala"

Si Valentine na ang sumagot.  Halatang naiinis siya kay Divine dahil nakataas din ang kilay nito. 

Akmang magsasalita sana si Divine ng banggain siya ni Caster mula sa likod.

"Bakit ang daming babaeng naka double- u na bangs ang humaharang sa daanan ko. Nakakaleche a."

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon