23

12 2 0
                                    

Tahimik kaming nakaupo ni Ken doon habang tinitigan ang mommy niya.

Kaya pala ang gwapo ni Ken may pinagmanahan. 

"She has a lung cancer.  "

Panimula niya.

"actually si Divine ang bumalita sa akin tungkol dito.  Noong nakita natin siya sa park.  Kaya ako umalis agad.  Wala na kasi akong contact kay mommy. Divine's mom is  my mom's best friend.  Iyon ang dahilan kung bakit kami nagkakilala. Maliit pa lang ako, bumibisita ako kay mommy.  Ayon, nakikipaglaro sa akin si Divine.  Bagay na hindi ginagawa ng mga kapatid ko kay Dr. Delvero.  Hanggang sa naging close kami "

"pero pinagbawalan na akong bumisita kay mommy kasi napapalibutan na siya ng mga paparazzi. Bawat galaw niya ay binabantayan. But that doesn't cease the bond between me and Divine.  Siya naman ang bumisita sa akin sa mansyon ni Dr. Delvero.  Hanggang sa naging kami. She became my strength. My light. I became so dependent to her.  I couldn't last a day without seeing her. As she's the air I need to breathe. "

"Isang araw nakita ko sila Kuya Kenzo at Divine.  Passionately kissing each other.  Nasaktan ako.  Kaya pala siya dumadalaw sa akin para magkita sila ni Kuya. I felt being betrayed by the whole world.  How can the only person I trust hurt me? How can she broke me into pieces?  "

"From then hindi na kami nagkita. Hanggang sa nakita natin siya sa park.  But you know what?  The pain is not here anymore "

Aniya sabay turo sa dibdib niya. 

"Wala na akong nararamdaman sa kanya.  Kahit galit ay wala.  "

Aniya.  He cupped my face. 

"Hindi mo din naman ako iiwan diba? "

Paghingi niya ng assurance. 

I nod. 

"I won't.  I won't leave you no matter what.  I'll hold to this hand no matter what "

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa mukha niya. 

"Thank you "
Aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. 

"May pasok ka pa diba?"

Tumango ako at sabay kaming tumayo. 

Hinalikan niya ang noo ng mommy niya. 

"Mauna na po kami Ms. Salvador.  Magpagaling po kayo "
Ani ko at kumapit sa braso ni Ken. 

"Pwedi ba tayong dumaan sa bahay?  Nakalimutan ko ang flash drive ko.  May report kami mamaya. "

"Okay "

Pinagbuksan ako ni Ken ng pinto ng kotse niya. 

I slide in.  Umikot siya at umupo sa driver's seat. 

"Nag usap na ba kayo ni Zion? "

Tanong ko sa kanya. Tinapunan niya ako sandali ng tingin at binalik agad iyon sa daan.

Tumango siya. 

"Nasa iisang circle of friends kami kaya hindi maiwasang hindi kami magkita.  Kayo nag usap na?  "

"Hindi.  Pero gusto ko siyang makausap tungkol kay Valentine.  I just can't believe na nangyayari pala sa totoong buhay ang sibling rivalry. Akala ko sa The Vampire Diaries lang iyon "
Natawa siya sa sinabi ko. 

"You're world is full of fiction. Bakit hindi ka maging writer? "

Tanong niya sa akin

"Nah.  I'm not good at writing.  "

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon