16

12 1 0
                                    

Para  akong  tanga  na  nakatunganga lang  doon  sa  harap  ng  pinto  ng  classroom. 

Ni  hindi  magsink in sa  utak  ko  ang  nangyari. 

OA  man  pero  gusto  kong umiyak.

Gustong  gusto  kong  habulin  si  Ken  at  tanungin  kung  ganoon  ba  siya  kadaling  makalimot.

"Uy! Galaw  galaw  at  baka  mastroke"

Nabalik  ako  sa  ulirat  ko  ng  nagsnap  ng  kamay  sa  harap  ko  si  Caster. 

"Sino yun? "
Tanong ni Valentine.

"Divine daw eh.dating kaibigan"

Wala sa sarili kong sagot.

"Akala ko ba nanliligaw si Ken sayo? "

Takang tanong ni Caster.

Tinignan ko silang dalawa na parehong nakatitig sa akin. Sa paraan ng pagkakatitig nila sa akin ay parang gusto nila akong basahin.

"Baka hindi na niya itutuloy"

Kibit balikat kong sagot at nagsimulang maglakad patungong cafeteria.

Kunyari wala akong pakealam. Kunyari okay lang sa akin para  kunyari hindi ako nasasaktan.

Lutang na ako buong hapon. Hindi  na rin naman pumasok si Ken. Siguro namasyal kasama  ang  old acquaintance niya.

Hindi  dapat  ganito  ang  epekto  sa  akin ni Ken.  Pero bakit ako nagkakaganito? Iyong tipong sarap ng sabanutan ang Divine na iyon! Naiinis ako kay Ken kasi parang isang araw lang hinihila niya ako papalapit sa kanya. At ngayong lumapit na ako bigla na lang siyang mawawala.  Alam niyo 'yun? Na Bongbong Marcos ako. Pagkagising ko napalitan na pala ako.  At higit sa lahat, naiinis ako sa sarili ko.  Nag- assume kasi akong baka ako. 

Ni hindi ko nga alam kung nanligaw ba siya o kami na.  All I know is that we kissed.  Damn that kiss making me fall harder!

Ilang araw  na  hindi pumasok si Ken.  Ilang araw din akong naghintay ng tawag o kahit text man lang sa kanya.  Pero binibigo ko lang ang sarili ko.

Nalate na ako ng pasok dahil sa pag- iisip kay Ken at hindi  na ako makatulog ng maayos kaya tinanghali na ako ng gising.

Naglalakad ako patungong classroom ng mahagip ng mga mata ko sina Zion at Valentine na  nag- uusap  sa  gilid  ng  gym. 

Umiling ng bahagya si Valentine at  akmang aalis ng yakapin siya ni Zion mula sa likod. Binaon ni Zion ang ulo niya sa  balikat  ni Valentine  at  nakita  ko ang  pagyugyog  ng  baga  ni  Zion.  Kahit  na  malayo  ako  ay  naaninag  ko  din  ang  mga  luhang  dumadaloy  sa  pisngi  ni  Valentine.  Mahigpit  ang  yakap ni Zion kay Valentine. 

Kinalas  ni  Valentine ang yakap ni Zion at agad na tumakbo palayo. Tinawag siya  ni Zion pero hindi niya man lang ito nililingon. Takbo lang siya ng takbo habang pinapahid ng marahas ang mga luha sa kanyang pisngi.

Nahagip  ako  ng  mga  mata  ni  Zion. Yumuko  siya  at nagsimulang maglakad din palayo.

Sinundan ko si Valentine.

Pumasok siya sa CR. 

"Tayn"
Nilingon  niya  ako. 

Bigla  niya  akong niyakap at humagulgol siya ng iyak sa balikat ko.

"Gago siya! Balak na naman ba niya akong saktan? "

She said between her sobs. 

Hinagod ko  ang likod  niya. 

"Pinaglaruan  niya  ako dati.  At  hindi  ako  ganon katanga para magpaloko sa kanya ulit.  "

"Binitawan niya ako at hindi na ako babalik pa sa kanya.I'm  not  that  gullible girl anymore. "

"Tama.  Kung  ayaw  mong masaktan. Umiwas ka.  Hindi  nga  natin  makokontrol  ang  love.  Pero  makokontrol  natin  ang  sarili  natin.  Para  lang  iyang  pagsakay  sa  eroplano.  Hindi  mo  kontrolado kung  saan  ito  patungo. May  sarili itong  direksyon  napupuntahan.  Kung  hindi  mo  gusto  ang  patutunguhan  nito  ay  huwag  kang  sumakay.  Kasi  kapag  sumakay  ka mag iinvest  ka  lang  ng  time,  effort  at  pera  sa  mali.  Ang  kailangang ayusin  ay  ang  mga  sarili  natin.  We should  see  the  signs where  we want to go.  Para  hindi tayo mag- iinvest  sa  wala.  "

Nagstay  kami  ng  dalawampung  minuto sa  CR  bago  lumabas.

Nanlaki  ang  mga  mata  namin  ni  valentine  ng  makitang  may  nagkakagulo  sa  harap  ng  classroom  namin.

Nakahawak  si  Silver  sa  kwelyo  ni  Zion. 

"Kung  hindi mo siya kayang mahalin at least huwag mo siyang saktan! "

Inambahan  ng  suntok  ni  Silver  si  Zion  ng  sumigaw  si  Valentine. 

"Silver  tama  na! "

Napatigil  ang kamao  ni  Silver  sa  midair. 

"Valentine "
Pagtawag  ni  Zion

Umiling  si  Valentine 

"Hindi lahat  ng  binibitawan bumabalik, Zey "

Hinila  na  palayo  ni  Valentine  si  Silver. 

Naupo  si  Zion  at  hinilamos  ang  mukha niya  sa  kamay  niya. 

Nagsialisan  na  din  ang  mga nanonood. 

This day  is  a blur to us.  Lalo na kay Valentine.  Nakatulala lang  siya  palagi.  Hays.  Anu  bang  nangyayari?  Una  si  ken. Ngayon naman si  Zion.

Boys  and  their unfathomable mind. 

"Anong porn  na  naman  ang  pinapanood  mo ,Caster? "

Super  tago  kasi  siya  ng  tablet niya.

"Ah?  Heheh.  Hindi ka  dapat nanonood nito Chan kaya huwag mo  ng  problemahin.  Hehehe. Alam  ko  namang  mabait  kang  bata.  "

Ngumiti  siya  ng  peke. 

Napakunot  ang  noo  ko  sa  ginawa  niya.

Parang  may  tinatago  siyang ayaw  niyang  ipaalam  sa  akin.  Feeling  ko  hindi lang  iyon  porn  movie. 

Inagaw  ko  ang  tablet  niya

"Chandria! "

Pagtili  niya. At  pilit na inaagaw ang tablet.  Pero huli na.  Nakita ko na.

Nakaopen ang  facebook  app noon  at  nasa  profile  ito  ng  isang  Kei  Divine  Casugod.

Picture  ni  Divine na  hinalikan  ni  Ken  sa  pisngin  ang  sumalubong  sa  akin. 

May  caption  doon  na

Love  is  for  those  who  are  fools.  Damn!  Both  of  us  are  fools,  Baby!

Parang  may  kung  anong  bilog  na  nabuo  sa  lalamunan  ko  at  kay  hirap  nitong  lunukin.  Nag- init ang gilid ng aking mga mata. 

"Chan "

Pagtawag sa akin ni Caster. 

Mas lalong dumikit sakin si Valentine para makita ang nasa tablet. 

"Oh  my gosh! "

Usal  nito na nagtakip pa ng bibig. 

"Ex? "

Hindi ko alam kung sa akin ba tinanong iyon ni Valentine o baka sa sarili niya. 

Nilapag ko ang tablet at sinukbit ang bag ko.

"Uwi ka na,Chan? "

Tumango na lamang ako at nauna sa kanila.

Eh ano ngayon kung ex niya iyon.  Dapat wala lang sa akin 'to diba?

Dapat hindi ganito ang reaksyon  ko. 

Dapat hindi ako nasasaktan. 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon