Chapter 6

14 1 0
                                    

Max Caster Magbanua in multimedia :)

Nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa. Sabay pa silang humakbang palapit sa akin.

"Chan! Bakit mo-"

Napatigil sa pagngangawa si Caster ng nakalabas na siya ng classroom at nakita niyang nasa labas sina Zion Harem.

"Girl? mamatay na ba ako? bakit may mga yummyliciuos na boys na naghihintay sa akin dito?"

Bulong ni Caster sa akin. Siniko ko nga. Malanding bakla 'to.

"Hi Zion! Hi Harem!"

Masiglang bati niya sa dalawa. Hyper na hyper ang bakla dahil sa dalawang nagwa-gwapohang lalaki sa harap namin. Nag hi back naman ang dalawa sa kanya. Napatingin ako kay Valentine. Para siyang hindi mapakali na ewan.

"Chan, Uhmm. The promise you made last time? hang out?"

Sabi ni Harem.

Oo nga pala. Nangako pala ako sa kanya.
Pero teka, anong ginagawa ni Zion dito?

"Uhm. Ano.. Napadaan lang ako. Pupunta akong dance room."

Napatango naman ako sa sinabi ni Zion.

"Pratis lang ako 'tol"

Paalam niya kay Harem. Tumango naman si Harem. Napatingin sa akin si Zion.

Parang may gusto siyang sabihin pero di niya magawa.

"Bye Zion~"
Malandi ang pagkakasabi ni Caster.

Nagsimula ng lumakad palayo si Zion.

"Chan, una na kami. Bye"

Paalam ni Valentine.

Nagbeso sila sa akin at naglakad na din palayo.

Napatingin ako kay Harem.

Ngumiti siya at kinamot ang likod ng ulo niya.

Napatawa ako sa ginawa niya. Ang cute niya.

"Psh. Tara na nga. Saan mo gustong gumala?"

Tanong niya at inakbayan ako. Napatingin ako sa kamay niyang nasa balikat ko. Agad din naman niya itong binawi.

"Sorry"

Sambit niya.

Nginitian ko lang siya at nagsimula na ding maglakad.

"Ikaw, saan mo gusto?"

Pabalik tanong ko sa kanya. Ang totoo'y wala akong maisip na lugar na pupuntahan.

"May bagong amusement park sa di kalayuan. Gusto mong itry?"

Tanong niya sa akin. Tumango naman ako.

Kinuha ko at cellphone ko para itext si Chidine na hindi muna ako ngayon tutulong sa coffee shop. Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag ng magbeep ito. May mensaheng galing kay Zion.

I hope I can be with you too

Napataas ang kilay ko sa text niya.

"Sino yan?"

Naitago ko agad ang phone ko sa bag ng tanungin ako ni Harem. Agad akong umiling.

"Wala. Tinext ko lang si Chidine"

Sagot ko at nginitian siya.

Sumakay kami ng taxi patungong amusement park.

Habang nasa byahe ay ikunwento sa akin ni Harem kung anong nangyari sa kanya sa loob ng dalawang taong nawala ako.

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon