34

12 1 1
                                    

Nang sumunod na araw ay naging busy ako dahil sa pag aayos ng libing ni mommy Janine.  Ilang mga kaibigan ang dumalaw sa mortuary na pinaglalamayan niya.  Bawat isa ay nagkukwento ng mga karanasan nila kasama si mommy Janine. Nakakatuwang isipin na madami pala ang natulungan ni mommy.  Isa talaga siyang mabuting tao. Napakswerte kong naging ina ko siya. 

Mabuti at pinayagan ako ni Ken na mag leave muna.  Hindi din naman ako makakapagtrabaho ng tama.  Lalo na't sa tuwing nag iisa ako ay lulimilipad sa kung saan ang isipan ko. 

Nakaupo ako sa pinakaharap na upuan na nakahilera sa loob ng mortuary.  Nakatingin ako sa bangang nasa harapan kung nasaan si mommy Janine. 

Napalingon ako sa ingay na nanggaling sa pintuan. 

Pumasok sina Caster at Valentine kasama sina Silver at Zion.

Nakakatuwang isipin na sa paglipas ng panahon ay kaya nating patawarin ang isa't isa. 

Valentine and Zion ended up together pero nagtatrabaho si Zion bilang choreographer sa isang kpop boy band sa Korea.  Silver learned to let go.  Tanggap niya na daw na hindi siya ang para kay Valentine. 

"Chan "

Niyakap nila ako isa isa. 

"Nakikiramay kami "

Ani Zion. 

"Salamat"

Niyakap ko siya pabalik.  Niyakap din ako pagkatapos ni Silver. 
Naging tahimik ang mga sumunod na minuto. 

Nakatitig lamang kami doon sa bangang isinidlan kay mommy Janine. 

"Natatakot ba kayong mamatay?"

Basag ni Caster sa katahimikan.

Lahat kami ay napatingin sa kanya.  Nangangapa ng sagot sa biglaan niyang tanong. 

Bigla akong napaisip na tama ang sinabi ni Ken.  Mas masakit ang mang iwan. 

"Nakakatakot ang mamatay " Sagot ni Zion at kinuha ang kamay ni Valentine.  He filled the spaces between Valentine's fingers.

"But what's more scary than death?  Is being forgotten.  Nakakatakot na baka makalimutan tayo sa paglipas ng panahon. " Humigpit ang hawak niya kay Valentine. 

"At mas nakakatakot mamatay ng may pinagsisisihan.  Na puno ng "What ifs" ang huli. Pero ako?  Hindi ako takot mamatay.  Kasi alam kong lumipas man ang panahon ay nakatatak pa din ako sa puso ng mga taong nagmamahal sa akin.  At masasabi kong wala na akong pinagsisisihan.  Now,  that I have Valentine.  I won't ask for anything more.  "

Isang ngiti ang ginawad niya kay Valentine.  Pero isang batok ang binalik ni Valentine.  Natawa kaming lahat dahil parang lilipad na ang ulo ni Zion dahil sa pagkakabatok ni Valentine. 

"Mamatay ka na ba?!  Tss!  Bumalik ka na nga lang ng Korea! "

Singhal sa kanya ni Valentine at kinalas ang pagkakahawak niya dito.  Napatawa kami sa sinabi ni Valentine. 

"Hindi.  Ano ka ba?  Sinasabi ko lang sa kanila na gain nila ang gusto nilang gawin para wala silang pagsisihan sa huli.  Ito naman,  honey,  Sorry na "

Pag aalo ni Zion. 

Napailing kami. 

"Zion! Kung ayaw na niya sayo, sakin ka na lang!  Iingatan ko ang puso mo!  Pati atay,balunbalunan at apdo mo iingatan ko "

Binatukan ni Valentine si Caster dahil sa sinabi ng bakla.

Nakakutawang isipin na kahit lumipas na ang mga panahon ay ganoon pa rin kami.  Buo pa din ang barkada.  Friendship goal mga dre!

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon