31

18 1 1
                                    

My body became motionless the moment na sunod sunod na ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang mga mata. 

May isang sulok sa aking puso ang biglang kumirot.

"This may sound cliché but I denyed you because there's a reason.  "

Aniya.

"Yeah.  You have a reason.  Hindi mo ako kayang ipaglaban sa tatay mo at kay Divine.  At alam kong alam mo ang tungkol sa pagpasok ko sa mental hospital.  You left me because of that. I know all your reasons. No need to elaborate them.  "

Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa wrist ko.

"Your hurt?  Well, you deserve it anyway"

Pagkasabi ko ay tinalikuran ko siya at pumasok sa loob ng kotse. 

"Tara na "

Sabi ko kay Franco.  Agad din naman niyang pinatakbo ang kotse. 

Nasa daan lang ang tingin ko.

Biglang nagsibalikan ang masasayang alaala namin ni Ken.  May kung anong bukol ang nabuo sa lalamunan ko at uminit ang gilid ng aking mga mata.  Tumingala ako at kumisap ng ilang beses para hindi tuluyang mahulog ang mga luha ko. 

Good memories, sometimes they hurt.  They hurt to the extent na gusto mo na itong kalimutan pero hindi mo magawa kasi ang hirap ilet go.

"You can cry if you want "

Ani Franco matapos ang mahabang katahimikan. 

Nilingon ko siya. Matamlay niya akong nginitian. 

"Bakit kasi hinayaan mo akong kausapin ko iyon? "

Now I'm blaming him.  Stupid Chandria!

"He wants closure. I want you to give it to him.  Para makalet go ka na din. Siya ang dahilan kung bakit pinagbabawalan mo ang sarili mo na mainlove.  At gusto kong malaman mo na kaya kong magtiwala sayo.  ayaw ko ding masakal ka sa akin.  Do what you want,  Chan. I'm just here to support you.  "

Kinapa ng isang kamay niya ang mga kamay na nakapatong sa hita ko at hinawakan iyon. Letting me feel his sincerity habang ang isang kamay niya ay nagdadrive. 

Humugot ako ng malalim na hininga at pilit na ginuhit ang isang tipid na ngiti sa aking mga labi.

"Thank you "

Hinalikan niya ang likod ng akong ng kamay.

Noong gabi ding iyon ay nakatanggap ako ng mensahe galing sa unregistered number. Isang "I'm sorry" ang nakalagay doon. Iisang tao lang ang nahinuha ko na maaring siya iyon. 

Kahit ayaw kong pumasok dahil baka magkita na naman kami ni Ken ay wala pa din akong nagawa kundi ang tapusin ang trabaho ko.

Kumaunti ang mga ginagawa ko hindi katulad kahapon na halos mags mistulang stock room itong cubicle ko sa dami ng nakapatong na mga papel. 

Nasa cafeteria ako at kumakain ng lunch kasama sina April at iba ko pang workmates.

Kanya kanyang topic habang kumakain since iyon lang din ang time para makipagkwentuhan kami.

Ang topic ay umiikot sa trabaho at sa mga pamilya nila at kung ano ano pa.

"Baka may sakit "

Biglang sabi ni April kay Reina. Nasa iisang lamesa lang kasi kami. 

"Ewan.  Naglasing daw kagabi sa isang bar e.  May sinuntok pa yata.  Pero hindi naman iyon umaabsent kahit kailan. "

Ani Reina at sinubo ang pagkain niya.

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon