40

9 1 0
                                    

Ikunwento ko kay Ken ang tungkol sa panaginip ko.

Nakatuwang isipin na nalampasan mo ang bagay na kinakatakutan mo. That you let your demons out of your system. 

Ilang gabi na akong nanaginip at sa bawat panaginip ko ay si Ken ang kasama ko. 

Pero hanggang panaginip lang. Tatlong araw na kasi siyang nasa California.  Inaayos niya ang branch na itatayo nila doon.  At tatlong araw ko na ring hindi naririnig ang boses niya. Ni hindi man lang siya tumawag o text o chat.  Napaka high tech na ngayon pero bakit hindi man lang niya ako nakuhang kontakin?  Kahit mga messages ko sa kanya sa facebook ay hindi man lang niya nababasa.  Ganoon ba siya kabusy na kahit iopen ang cellphone niya ay hindi niya magawa?  Nakakainis!  I miss him. 

Dahil day off ko naman ngayon ay naisipan kong pumunta na lang sa coffee shop ni Chidine. Matagal tagal na rin akong hindi nakapunta doon. 

Pagkadating ko ay nagulat akong kompleto ang barkada doon.  Sina Valentine, Caster, Silver, Zion, Harem, Cheryl at Chidine. 

"Chan! "

Anila at sinunggaban ako nina Caster at Valentine ng yakap.  Natawa ako. 

"Anong meron?  Kompleto tayo a?  Zion?  Akala ko ba nasa Korea ka? "

Nagkamot si Zion ng batok. 

"Dito na ako magtatrabaho.  Nag apply ako bilang dance instructor sa isang kilalang school.  "

Tumango tango ako. 

"Ang sabihin mo, ayaw mong malayo kay Valentine "

Nagkamot siya ulit ng batok.  Natawa kami at tinutukso silang magpakasal na.  Anila'y may mauuna daw bago sila.  Sino?  Sina Cheryl at Harem?  At itong dalawang lovey dovey naman ay halos hindi na alam ang salitang personal space sa sobrang paglalandian.  Napailing na lang ako.

"Bakit walang customers? "

Aniko ng mapansing wala customers dito. 

"Magpipicnic tayo.  Hindi ka ba nainform? "

Tanong ni Valentine.  Napanguso ako. 

"Balak niyo yatang pumicnic ng wala ako e.  Nakakatampo naman " Pag iinarte ko. 

"Ganoon na nga. Pero dahil nandito ka na rin lang.  Sumama ka na.  "

Sabi ni Chidine habang inaayos ang mga pagkain sa picnic basket.  Tumulong na din ako. 

Sabay na kaming lahat sa Van na dala ni Zion. 

Ang gulo gulo nila.  Namiss ko ang kakulitan nila.  Lalong lalo na ang ingay ni Caster. 

Habang nasa byahe ay napapatingin ako sa cellphone ko bawat minuto.  Nagbabaka sakaling may mensahe o tawag akong makuha galing kay Ken.  Pero wala.  Nadidisappoint lang ako. 

Tignan mo tong tukmol na to.  Matapos akong pakiligin bigla bigla na lang nang iiwan. 

Baka hindi na siya babalik sa akin? Tulad ng dati. Biglang hindi na siya nagparamdam?

"Mahal ka n'on"

Napakunot ang noo ko ng biglang nagsalita ang nasa tabi kong si Silver. 

"Kung sino man iyang iniisip mo.  Siguradong mahal ka no'n "

Mahal nga ba ako ni Ken?  Hays.  Ayan na naman ako e.  Magparamdam ka na kasi Ken!  Sobrang miss na kita! 

"Asan girlfriend mo? Silver? "

Pag iiba ko ng usapan.  Mapakla siyang ngumiti. 

"Hindi ko pa siya nakikita e. "

Hinawakan ko ang kamay niya.

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon