Chapter 7

17 1 0
                                    

Chidine Louisse Rivera in multimedia. So fab <3

Chapter 7:

Kahit nakabukas o nakapikit ang aking mga mata ay parang isang clip ng pelikula na biglang magp-play sa utak ko ang eksena kanina sa amusement park.

Ewan ko lang kung si Theo ba o si Ken ang naiisip ko dahil parehing pareho talaga sila.

Paano naging posible ang bagay na iyon?

Madaling araw na akong nakatulog sa kakaisip sa bagay na iyon.

Parang wala din namang silbi ang pagpaparehab ko ng anim na buwan kung ganito lang din naman ang mangyayari.

Kailangan kong pigilan iting nararamdaman ko at baka ang utak ko ay gumawa na naman ng ilusyon. Hindi ako makakapayag.

Nagising ako sa katok sa pinto ng kwarto ko.

"Anak, may bisita ka"

Sabi ni mommy sa kabila. Agad din naman akong bumangon.

Alas sais y media pa lang a. Sino ang bibisita sa akin ng ganito ka aga?

I did my morning routine at bumaba na.

Napakunot ang noo ko ng makita ko si Zion na nakaupo sa sala at nakikipag-usap kay mommy.

Nabaling ang paningin niya sa akin ng maramdaman niya ang presensya ko. Ganoon din si mommy.

"Andito na pala siya. Entertain your visitor. Sa kusina lang ako"

Nginitian ko si mommy at dumiretso na siya ng kusina.

"Anong ginagawa mo dito, Zion?"

Takhang tanong ko.

But instead of answering me ay kinuha niya ang nakalapag na boquet ng bulaklak sa coffee table at binigay iyon sa akin.

"For you"

Kahit confuse ako ay tinanggap ko parin ang bulaklak. Nakakahiya naman kung hindi, diba?

"Nakapagdesisyon na ako, Chan. I'll court you hanggang sa maging akin ka"

Nakangiting sabi nito. Casual lang ang pagkakasabi nito na para bang tinatanong niya lang ako kung nagkape na ba ako.

Pero ako? Leche. Nawala ang hininga ko. Tumigil sa pagtibok ang puso ko.

Ano itong naramdaman ko?

"Zion-"

"Whether you like it or not, Chan. I'll do everything just to make you mine"

That makes me speechless.

Ano ba ang dapat sabihin sa ganitong sitwasyon? may kailangan bang sabihin?

Tango lang ang ibinigay ko kay Zion na siyang nagpalapad ng ngiti nito.

Doon na siya sa bahay nag-almusal kaya sabay kaming pumasok ng eskwelahan.

Ang mga mata ng mga estudyante ay nakatingin sa amin. Parang inaanalisa nila kami.

Ang pakiramdam ko nga ay may sungay ako at buntot kaya ganyan sila makatingin sa akin.

Tumigil si Zion sa paglalakad kaya napatigil din ako.

Nasa tapat na pala kami ng classroom ko.

"Sabay tayong magla-lunch mamaya a"

Sabi niya.

"Kasi ano... Kasama ko sina Caster at Valentine sa lunch. Nakakahiya naman kung iiwan ko sila."

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon