38

2 0 0
                                    

Ilang minuto ang nakalipas ng lumabas ang doktor mula sa delivery room.  Agad kaming tumayo ni Ken at sinalubong siya ng tanong.

"Kamusta po doc? "

Kinalas ng doctor ang kanyang face mask.

"Okay lang naman ako.  Medyo pagod lang "

Aniya.  Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"I mean,  iyong babaeng nanganak?  'yung baby po kamusta? "

Pagkiclear ko sa tanong ko. 

"Ah.  Natural niyang nailabas ang bata.  It's a baby boy.  Kailangan niya lang ng kaunting pahinga. Ililipat na siya ng kwarto. Mauna na ako "

Aniya at tinapik tapik ako sa balikat. 

Nakahinga ako ng maluwag.  Hinawakan ni Ken ang kamay ko. 

"Puntahan na natin siya sa kwarto niya"

Tumango ako sa sinabi niya. 

Isang maligayang ngiti ang iginawad sa amin ng babae ng nadatnan siya namin sa kwarto niya.  Nginitian ko siya pabalik. 

"Salamat "
Aniya.  "Salamat sa tulong niyo. "

"Walang anuman. Kamusta?  "

Aniko.

"Medyo pagod lang.  Pero masaya ako.  Masayang masaya "
"Ano nga pala ang pangalan mo? "

Ngayon ko lang naisipang tanungin ang pangalan niya.

"I'm Selene. "

Aniya at nagpakilala din kami. 

"Nasaan na ang daddy ng baby mo? "

"Paparating na iyon.  Tinawagan ko na.  "

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at inuluwa nito ang nurse na may dalang maliit na bata.

"Hello mommy "

Aniya at ibinigay ang baby kay Selene. 

Ang cute cute noong baby.  Pinkish ang kanyang balat na siguradong paglaki niya ay sobrang puti niya.  Matangos din ang ilong nito at mapupula ang kanyang maliliit na labi.  Nakapikit siya.

Nakaguhit sa mga labi at mata ni Selene kung gaano siya kasaya at kung gaano niya kamahal ang anak niya. 

"His name is Deimos.  His father gave it to him "

Aniya. Biglang itinaas ni baby Deimos ang kanyang maliit na kaliwang kamay kung saan may nakasabit na parang sinusulatan ng pangalan nila.  Baby Aragon.  Iyon ang nakasulat sa kanya. Marahil ay Aragon ang kanyang surname. 

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang lalakeng tanya ko ay kasing edad lang din namin .  Must be the father of baby Deimos. Deimos Aragon.

Dinaluhan niya ang mag ina niya. 

Napangiti ako sa aking nasaksihan.  Isang masayang pamilya na punong puno ng pagmamahalan. 

Naramdaman ko ang pagyakap ni Ken sa akin mula sa likod.  Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking kanang balikat. 

"Someday, we're gonna be like that.  Or more than that "

Aniya sa maliit na boses.  Napangiti ako sa sinabi niya.

Just thinking that me and Ken having a family makes me beyond happy.  Paano pa kaya kapag nagkatotoo na? 

Ipinakilala kami ni Selene sa kanyang asawa na si Daniel Aragon.  Natutuwa pa ako dahil may accent siyang bisaya sa tuwing kinakausap niya kami kaya hindi ko mapigilang ngumiti sa tuwing nagsasalita siya. 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon