35

6 1 0
                                    

Kinalas ko ang mga mga siko ko mula sa pagkakahawak ni Ken at agad na nagtungo kay Franco na halatang nagulat pa din sa nangyari. 

"Franco "

Pagtawag ko ulit sa kanya pero ang tingin niya ay nasa kay  Ken pa din. 

Hinawakan ko siya sa kamay pero hinawi  niya ito.  Matalim pa rin ang titig niya kay Ken. 

"Franco.  I'm sorry.  I didn-"

"Shut up! "

Sigaw niya sa akin. 

"Shut your fucking mouth.  The more lies you will say the more it hurts me.  So shut up! "

Napaatras ako dahil sa pagsigaw niya.  I never thought he could shout at me. 

"Don't shout at her,  dude "

Biglang sabat ni Ken sa likod.  God!  Sana hindi na lang siya nagsalita.  Mali ako!  Kaya deserve ko iyon. Kissing someone else while being in a relationship is completely cheating! 

Hindi ko na napigilan si Franco ng sugurin niya ng suntok si Ken.  Natumba si Ken. 

Agad na bumangon si Ken at umumbang susuntukin din si Franco ng pumagitna ako. 

Magsasalita pa sana ako ng biglang hinablot ni Franco ang damit ni Ken at ginawaran agad ng isang malakas na suntok si Ken. 

"Franco!  Tama na! "

Pakiramdam ko ay matatanggal na ang lalamunan ko dahil sa pagsigaw.  Napatigil sa midair ang kamay ni Franco na susuntok sana kay  Ken. 

Pinakawalan niya si Ken.  He glared at me. Napailing siya na para bang isa akong pagkakamali. 

"I didn't break your heart.  But you break mine. You're so unfair "

Aniya at naglakad palayo.  Gusto ko siyang habulin pero nawalan ako ng lakas ng dahil sa nangyari. 

Napasabunot ako sa sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko.  Naiinis akong hindi ko nakayanang ibalik ang pagmamahal ni  Franco.

Yes. I used him to heal my wounds. Gusto kong magamot ang mga sugat dahil sa nakaraan ko but I ended up giving him a wound he didn't even deserve to have. 

All he did was to love me. He did everything just to make me happy.  And all I did was giving him a heartache. Ang sama ko!

Natapos ang libing ng hindi ko pinapansin si Ken.  Hindi na rin sumipot si Franco.  He must be somewhere cooling his head or mending his heart  or something like that. 

Bakit ang gulo ng tao?  Kung sino pa iyong handang gawin ang lahat para sa atin,  iyon pa ang mga taong pilit natin pinagtutulakan. At pinagsisiksikan natin ang ating mga sarili sa taong alam nating masasaktan lang tayo sa huli.

Is there really a pleasure loving someone who doesn't love you back?  I just don't get it. 

Napatingin ako sa cellphone kong kanina pa nagriring dahil sa tawag ni Ken.  Ayaw kong sagutin.  Una,  dahil baka maibuntong ko sa kanya ang galit ko sa sarili ko.  Pangalawa,  dahil sa kahihiyan.  I did kissed him back.  Nakakahiyang tinugunan ko ang halik niya ganoong tinutulak ko siya palayo nitong mga nakaraang araw. 

At baka malaman niya. Baka malaman niyang tulad ng dati,  ganoon pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya.  Na hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Na nakatago lang ang pagmamahal na iyon sa pinakailalim ng puso ko at nasasapawan ng galit at panghihinayang.

Pangatlo,  iniiwasan ko nga siya kaya hindi ko pweding sagutin ang tawag niya. 

Binalot ko na lamang ang sarili ko sa kumot dahil nilalamig ako dala ng malakas na ulan. 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon