14

16 2 0
                                    

Nakatulala ako sa kisame at inaalala ang nangyari kanina.
Napahawak ako sa bibig ko. I can still feel the soft lips of Ken.

Ipinilig ko ang ulo ko para alisin ang pangyayaring iyon pero para itong boomerang na bumabalik kahit anong tapon ko palayo.

Nagulat ako ng tumunog ang cellphone kong nasa maliit na lamesa sa gilid ng kama ko tanda ng may dumating na isang text message.

Are you home?

Unregistered number iyon kaya't napakunot ang noo ko.

Who's this?

May isang taong nasa utak ko na maaring siya ito. At tama nga ako ng mabasa ko ang reply nito.

Ken. Are you home?

Napangisi ako ng mabasa ang pangalan niya.

May mga tao lang talaga na kahit pangalan pa lang nila ang marinig o mabasa mo ay may kung anong feeling na ang naihahatid sa sistema mo.

I'm home. Ikaw?

Wala pang tatlumpong segundo ay nagreply na ito.

I'm home too. Anong ginagawa mo?

And our conversation went on.

Madaling araw na kami tumigil sa pagtetext. I usually don't do texting pero dahil kay Ken ay nagawa ko. Hanggang madaling araw pa.

Nagising ako ng nakangiti dahil sa morning message niya.

Sabado ngayon kaya walang pasok. Mabuti na lang dahil tinanghali ako ng gising.

Bumaba ako at nakita si mama na Nag-aayos ng hapagkainan.

Nginitian niya ako ng umupo ako sa hapag.

"Nga pala Chan, pumunta si mommy Shane at Tito Vince mo kanina dito. Pinapasabing isasama ka daw nila ng isang linggo sa bakasyon nila kasama si Cheryl."

Sabi ni mommy habang kumakain.

Si Mommy Shane ang biological mother ko at si Tito Vince naman ang asawa niya. That makes Cheryl as my half sister.

"Saan daw po?"

"Sa Negros daw. Home town ng mommy mo. "

Tumango naman ako. Gagawan naman nila siguro ng paraan ang klase ko.

Pagkatapos kumain ay nag-ayos na ako para pumuntang coffee shop.

"So, anu? Kayo na? "

Pang-iintriga ni Cheryl at Chidine sa akin.

Kahit madami ang mga customers ay pumupuslit sila ng ilang minuto para matanong ako sa nangyari kagabi.

"Hindi. "

"What?! You two kiss tapos hindi pa kayo? "

Hysterical na tanong ni Chidine.

I just shrug my shoulder.

"Hay naku, Chandria. Linawin niyo iyang relasyon niyo. Mahirap mag-assume, ano. Masasaktan ka lang sa huli. "

Tinignan ko si Cheryl na nagpupunas sa kalapit na mesa.

"Ikaw? Anong relasyon niyo ni Harem?"

Natigilan siya sa tanong ko.

Ngayon ko lang naalala na binisita nga din niya pala si Harem sa ospital. Palagay ko ay may hindi ako alam sa kanilang dalawa.

"You mean Harem Gallego?"

Mas lalong namula si Cheryl sa tanong ni Chidine.

"W-wala ano! Masama bang dumalaw sa k-kaibigan?"

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon