25

9 1 0
                                    

Buong araw ang mga sinabi ni Divine ang umikot sa isipan ko. 

Hindi dapat ako maapektuhan ng ganito.  May tiwala ako kay Ken. Hindi siya ganoon. Sa kanya ako maniniwal at hindi sa ibang tao. 

I must trust in our relationship.  Maaring hindi pa kami ganoon katagal pero naniniwala akong hindi ito basta basta mabubuwag.

"Okay ka lang? "

Tanong ni Ken ng ihatid niya ako sa bahay. 

"Huh?  Okay lang. Pagod lang ako "

Nginitian ko siya giving him assurance. 

"Magpahinga ka agad.  "

Aniya.  Tumango naman ako. 

"May lakad pala kami nina Chidine at Cheryl bukas hindi ako makakasabay sa iyo "

Napasimangot siya sa sinabi ko.
Napangiti ako dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Para siyang batang inagawan ng kendi.

Humugot siya ng malalim na hininga bago magsalita.

"Fine.  Just be careful. Saan kayo? "

"Depende sa kanila. Mataggal na din kasi kaming hindi nakabonding dahil may klase ako at busy sila sa coffee shop.  "

"Sama na lang ako "
Masigla siyang nakangisi.  Para bang sure na siya na papayag ako sa suhestiyon niya. 

"All girls iyon "

Napanguso naman siya sa sinabi ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sobrang cute niya tignan.

Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi para magtigil siya sa pagngunguso niya.

Biglang sumeryoso ang mukha niya kaya napawi din ang ngiti ko.  Nakatitig lang ako sa mukha niya.  Nakatiim bagang siya.  Ang makakapal niyang kilay ay magkasalubong.  Damn!  That makes him more handsome. 

"Don't tease me "

Aniya at inatake ako ng halik.  A soft and gentle kiss. As if my lips are fragile and he's afraid that he might break it.

Nakahawak ang isa niyang kamay sa panga ko.

Parang tumigil sa pag inog ang mundo.  Feeling ko nga nagra- running man challenge itong puso ko. 

His kisses has this effect on me.  As if it is always the first.  Para akong dinuduyan sa ulap.

I open my eyes the moment our lips parted. 

"I love you "
He said almost whispering. Napangiti ako. 

"I love you too. "

Sinundo na ako nina Chidine at Cheryl sa bahay.  Maaga raw kami dahil may book signing sa malapit na mall ang crush na  writer ni Chidine.  If I remember it correctly, Luke Isaac ang pangalan noon.  Genesis ang pen name. Pero lungkot lungkotan si Chidine kasi isang araw ay dinala daw ni Isaac ang girlfriend niya sa coffee shop.  Maganda naman daw ang babae.  Maputi at petite kaya ang self esteem ni Chidine ay biglang bumaba.

Mga babae talaga, nakakita lang ng mas maganda sa kanila ay nawawalan na ng tiwala sa sarili.  Beauty is not the measurement of something we are capable of.  It's the heart and mind.  Face and body is just a bonus. 

"ano iyang dala mo? "

Kunot noo kong tinuro ang maliit na box na dala ni Chidine. 

Bigla siyang namula at nahihiyang ngumiti.

"Pan cake.  Ibibigay ko kay Isaac"

Aniya. 

"Naku.  May girlfriend na iyon,  Chidine. Baka nakakalimutan mo "

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon