Chapter 3

18 1 0
                                    

You're My Illusion

Chapter 3

"Ito si Zion Rey Francisco. Dancer ng school. Heart throb at higit sa lahat akin yan."

Pinakita sa akin ni Caster ang isang picture ng lalaking may kaputian. Gwapo ito. Pero mas gwapo si Theo- I mean Ken.

"Gaga! Asan titulo mo? Maka 'akin' ka diyan"

Binatukan na naman siya ni Valentine.

Pang ilang batok na ba ang natanggap ng baklang to sa araw na 'to?

"Akin siya! Kasi, alam mo ng isang gabi, napanagipan kong nirerape niya ako! Omg! "

Napairap na lang kami ni Valentine sa kanya.

"Ito si Harem Gallego."

Halos ilapit ko sa mukha ko ng makita ko ang picture ni Harem.

"Hindi pa siya nakagraduate? "

Tanong ko sa kanila.

"Hindi. Pero senior na siya ngayon. Balita kasing may hinanap siyang babae last last year kaya hindi siya nakapag-aral. Ewan lang kung sinong babae iyon pero sa tingin ko ay sobrang mahal niya iyon."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Valentine.

"Kasama din siya sa Dance crew nina Zion."

"Sumasayaw siya?"

Tanong ko sa kanila. Hindi ko pa siya nakitang sumayaw. Sa tingin ko ay malaki ang pagbabago ni Harem. Speaking of Harem, hindi ko pa siya nakikita dito sa school.

"Ay! hindi girl, Kumakanta siya. Ang dance crew kasi samin dito ay grupo ng mga kumakanta. Hindi siya sumasayaw. Hindi talaga"

Sarcastic na sabi ni Caster.

Napairap na lang ako.

"Yan. Siya si Silver Francisco. Kapatid ni Zion at-"

Pinutol ng bakla ang sasabihin niya at tumingin kay Valentine. Dumaing naman si Valentine sa pagkadisgusto.

"Matagal na manliligaw yan ni Valentine"

"Bakit di mo sinagot?"

Tanong ko kay Valentine.

"Parang sinasabi mong magboyfriend ako ng abnormal"

Bad trip na sagot niya. Gwapo naman si Silver ah. Ayun sa picture na pinakita ni Caster.

Nahagip ng mata ko ang Zion na sinasabi ni Caster. Naglalakad ito sa hallway. May dala siyang skateboard.

Nakablack loose shirt siya at jagger pants. Nahiya ang balat ko sa kaputian niya.

Nakasuot ito ng head phones at parang sumasayaw siya habang naglalakad. Masasabi kong magaling siyang sumayaw kahit sa mga simpleng galaw lang niya.

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon