32

9 1 0
                                    

Gusto kong umupo pero hindi mapanatag ang loob ko. 

Pabalik balik ang tanging nagawa ko sa labas ng emergency room. 

"Chandria! "

Napalingon ako sa mga bagong dating.  Sina Caster, Valentine at Cheryl. Wala kasi akong ibang alam na mahihingan ng tulong kaya si Caster ang napili kong tawagan at sa palagay ko ay dinala niya ang dalawa. 

"Kamust?  Anong nangyari?"

Alalang tanong ni Caster.

"Ewan.  May malalim na sugat sa kamay niya. Tapos nawalan siya ng malay. "

Kinain kami ng katahimikan makalipas ang ilang minuto. Lahat ay Naka abang sa pinto ng emergency room para sa doctor na lalabas.  Bigla akong napatayo ng biglang lumabas ang doctor doon.  Ganoon din si April.

"Okay na siya. Kaunting dugo lang naman ang nawala.  Kailangan niya lang na magpahinga.  Ililipat na siya sa isang kwarto.  Mauna na ako. "

"Salamat, doc "

Para akong nabunutan ng tinik.  Akala ko kung ano na ang nangyari.  Mabuti na lang at okay lang siya. 

Nasa ditong ospital din si mommy Janine.  Pupuntahan ko na lang siya mamaya kapag naayos na si Ken. 

Nasa loob na kami ng kwarto pinaglipatan kay Ken.

Andoon lang siya at nakahiga.  Ang sabi ng doctor ay baka magising na siya maya maya. 

"Ah,  guys, si April nga pala.  Katrabaho ko.  Pril,  sina Caster, Valentine at Cheryl "

Ngayon lang pumasok sa isipan ko na ipakilala sila.  Masyado kasi akong preoccupied kanina sa situation ni Ken. 

Nag usap usap sila. Habang ako ay nasa ibang planeta.  Hindi ko kasi maiwasang isipin kung bakit ganoon ang ginawa ni Ken.  Kung minahal niya ba akong tunay noon at bakit ganito lang siya kung makapag react ngayon. 

"Chan.  Chandria "

Nanlaki ang mga mata ko ng tinatawag ni Ken ang pangalan ko at parang binabangungot siya. 

Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kamay niya. 

"Ssshh.  I'm here.  Just rest "

Unti unti niyang dinilat ang kanyang mga mata.  Sumilay ang isang mapait na ngiti sa kanyang labi ng maaninag niya ako. 

"Andito ka"He stated. 

"Ken Axel!  Ang tagal kitang hindi nakita!  Payakap! "

Sinugod siya ng yakap ni Caster.  Hahaha. Ang bakla para paraan lang para makatyansing.

"Ano ba.  Lumayo ka nga,Caster! "
Mangiyak ngiyak na kumalas ang bakla. 

"Mabuti naman at hindi mo nakakalimutan ang kagandahan ko "

Napairap kaming lahat sa sinabi niya. 

"Ken! "

Sabay naming nilingon ang bagong dating. 

"Divine? "

Pagsisigurado ni Caster sa bagong dating at nanlaki ang mata niya ng makompirma niyang ito nga. 

"Excuse me "

Ani Divine at bahagyang tinulak si Valentine na nasa daanan niya.  Nakita kong umambang susugurin siya ni Valentine ng hawakan ni Cheryl si Valentine. 

"How are you? God!  I'm so worried "

Aniya pagkalapit kay Ken.  Umusog ako sa gilid para makausap niya ng maayos si Ken.

Baliw ka talaga Chandria. Paano mo nakalimutang may Divine na mag aalaga kay Ken? 

Lumabas ako ng silid na iyon. Naramdaman ko pang sinundan nila ako ng tingin. 

"Chan?  Anong meron sa inyo ni Sir Ken? "

Nagulat ako na sinundan pala ako ni April.

"He's my ex " pag aamin ko.  Oo, kahit na nagawa akong ideny ni Ken sa harap ng ama niya at ni Divine naramdaman ko pa rin kung paano naging boyfriend ang isang Ken Axel Salvador. He's childish yet sweet.  He really likes hugging me from behind.  He calls every night just to know if I'm okay.  He can make me smile through his morning messages. Ganyan siya noon.  Ganyan kami noon. 

"Kaya pala hinintay ka niya noong nag overtime ka sabi ni Ronald. Napag usapan kasi namin iyon noong isang araw. "

Tumango ako.  Hindi ko naisip na pinag uusapan pala nila kami. 

"Baka gusto niya pang makipagbalikan sayo, Chan "

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. 

"May boyfriend na ako. At isa pa, andyan si Divine.  Divine can take care of him. Pupuntahan ko muna si Mommy Janine.  Balikan mo muna siya doon.  "

Tinahak ko ang daan patungo sa kwarto ni mommy. 

Ano ba Chandria?  Hindi mo dapat pinoproblema si Ken.  Walang epekto dapat ang ginagawa at sinasabi niya sayo.  You have your boyfriend for goodness sake!

Nagulat ako ng buksan ko ang pinto ng kwarto ni mommy at nandoon si Franco. 

"I didn't know you're here"

Lumapit ako sa kanya.  Nakaupo siya doon sa isang upuan sa gilid ng kama na hinihigaan ni mommy.

Isang matipid na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. 

"Kamusta ang boss mo?  Okay na ba siya?"
Alam niya? 

"Caster told me "

Ang bunganga talaga ng baklang iyon!

"He's fine."

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.  Ngumiti ako at nilagay ang kamay ko doon.  Hinila niya ako paupo sa lap niya.  Sinunod ko naman siya.  Nakakandong ako ngayon sa kanya. 

Ipinatong niya ang chin niya sa kanang balikat ko at pinulupot ang kamay niya sa kamay ko.  Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.  Nararamdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.  Yes,  it sents shiver down to my spine pero hindi ganoon kalakas ang epekto kapag niyayakap ako ni Ken. May iba sa yakap ni Ken na wala sa yakap ni Franco. 

Now, I feel like I'm cheating on Franco thinking about Ken.

Ken is illegal for me!  Every bit of him!

"Did you forgive him? "

Tanong ni Franco.  Halos bulong na iyon pero rinig ko pa din dahil sobrang tahimik ng kwarto. 

Did I forgave Ken? Siguro oo,  noong nalaman kong nasaktan din pala siya sa pag iwan sa akin.  Hindi ko nga lang alam kung bakit niya ako iniwan. Hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako ng sagot. Pero dapat ay hindi ko na hanapin ang sagot doon. Nangyari na kaya move on na lang.

"yes, I forgave him.  Kasi kung hindi patuloy akong makukulong sa nakaraan namin.  Pinatawad ko siya hindi lang para maibsan ang kasalanan niya, pinatawad ko siya kasi gusto ko ding pakawalan ang sarili ko.  People forgive to free themselves from painful past.  "

"You're smart.  I'm so lucky you're mine "

Aniya at binigyan ng maliliit na halik ang leeg ko.

"I'm so lucky I have you.  Napaka understanding mo.  Mabait. "

Hinarap ko siya at nginitian. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya. 

"I love you "

Aniya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

" I promise I won't leave you. I won't break your heart.  You're my reason to live.  You're my pain and pleasure.  You're my everything. "

Napangiti ako sa sinabi niya. 

"I won't leave you too."

"Promise? " Parang bata niyang tanong.  Napangiti ako lalo. 

"Promise "

And we sealed our promise. He kiss me gently. 

Pero may kulang. May iba.  Iyan na naman ang pumasok sa isipan ko.

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon