28

5 1 0
                                    

"Sit Ms. Evangelista "
Aning isang panel doon.

Inayos ko ang sarili ko at umupo sa upuang para sa akin.

Nagsimulang mag- interview. Sa lahat ng job interview na nagawa ko ito ang pinakakinabahan ko. 

Kasi andiyan siya.  Andiyan siya at nakatingin sa akin.  Hindi ba chineck ni Caster kung sinu-sino ang nasa kompanyang ito?

Kaba lang ang tanging nararamdaman ko.  Kaba na baka magkamali ako sa harap niya. Wala ng iba, kaba lang. I guess time makes you forget. Forget the feelings, the pain. Yes,  time heals. As long as move along with it.

Life waits nothing. Na kahit gaano ka pa nasaktan kailangan mong mag move on. At ang pagtakbo  ng oras ang tanda na kailangan nating magmove on hindi dahil nawala na ang feelings kundi dahil gusto mong buoin ulit ang sarili mo. And no one will fix you except yourself.

"You're hired"

Napatingin ang lahat sa gawi ni Ken.  Maaring nabigla sila sa biglaan niyang desisyon. 

"You can work starting tomorrow Ms. Evangelista"

Aniya.

Parang gusto ko na tuloy magback out. 

Ang ideyang makakasama ko siya sa trabaho isang kagimbal gimbal para sa akin. Pero hindi naman pwedi dahil kailangan ko ng trabaho. 

Napalunok ako bago magsalita ulit.

"Thank you, sir.  "

Yumuko ako tanda ng pagpaalam sa kanila.

Ng makalabas na ako ay naibuga ko ang hangin na kanina ko pinipigilan sa loob.

Wala na diba?  Wala na.

"Andoon siya "

Nakapangalumbaba kong sabi sa kanila. Nasa coffee shop kami ngayon, sina Caster, Valentine, Cheryl at Chidine.

"Sinong siya?"
Tanong ni Caster habang kumakain ng cupcake. 

"Si Ken. Andoon siya sa sa kompanyang pinasukan ko.  Caster, hindi mo ba alam iyon?  "

Umiling siya. 

"Hindi, ano.  Alam ko namang ayaw mo siyang makita.  Diba nasa Davao iyon? "

"Baka kompanya ng tatay niya.  Diba si Dr. Delvero ang daddy niya? "

Tumango tango ako sa kanila. 

Bumalik sa isipan ko ang nangyari anim na taon na ang nakalipas. Ang pagdedeny sa akin ni Ken.  Ang mga panunuya ni Divine.  May isang sulok sa puso ko ang kumirot.

"Magiging masaya 'to!"

Ani Caster at pumalakpak pa.  Sinamaan ko siya ng tingin kaya napaiwas siya.

"Magiging masaya 'tong milk shake kung may cupcake pa.  Cupcake pa nga, Chid"

Tumayo naman si Chidine para kuhanin ang gusto ng bakla.

"O bakit?  Akala ko ba nakapagmove on ka na sa kanya? Diba dapat wala na siyang epekto sayo?" tanong ni Cheryl habang pinaglalaruan ang milkshake niya. 

"wala na nga.  Kaya lang awkward na kasama ko siya sa trabaho"

"Chandria, kung wala ka ng nararamdaman hindi ka mao- awkward.  Kasi wala na nga diba?  "

Napabuntong hinga na lang ako.  Tama nga naman sila.  So what kung andoon si Ken?  Hindi naman siya ang pinunta ko doon kundi trabaho.  Deadma na lang.

"O ito na " Nilapag ni Chidine ang cupcake sa harap ni Caster.

Ni hindi na ako nakatulog sa kakaisip kung anong mangyayari bukas.  Bahala na.  Kung ano ang mangyayari ay siyang mangyayari. 

Iginaya ako ng kaibigan ni Caster na si Steve sa cubicle na para sa akin.  Maliit lang siya pero andoon ang lahat ng kailangan ko.

"Salamat Steve.  "

Nginitian ko siya bago siya umalis. 

Pinatong ko ang bag ko doon at inisa isang tinignan ang mga gamit. Ang sabi ni Steve ay lagyan ko daw ng bagong password ang computer doon kaya ginawa ko naman.  Inayos ko din ang mga drawer doon.

Makalipas ang ilang minuto ay magdinalang mga papeles sa akin na dapat ko daw ayusin. Napakadami nu'n kaya kailangang madiliin pero dapat tama din ang ginagawa ko. 

Sumakit ang leeg ko dahil sa mahigit dalawang oras na akong nakayuko. 

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito dahil sa mensaheng galing kay Franco.  Walang kabuhay buhay ko iyong binuksan. 

Susunduin daw niya ako mamaya.

Huwag na. Matatagalan ako dahil madaming trabaho.  Busy ako kaya di ako makakapagreply.

Wala pang isang minuto ay nagreply agad siya.

I'll wait for you anyway.  Good luck.  Huwag magpagod. I love you.

Napailing na lang ako sa kakulitan niya. 

May mga taong kahit ipagtulakan mo na palayo pilit silang bumabalik sa'yo. 

True love is unbreakable.  Na kahit magkanda leche leche na ang lahat, 'di ka niya susukuan. He's more than willing to lose his pride than lose you.

Iyon ang minsang sinabi sa akin ni Cheryl.

Minsan naiisip kong paano kaya kung binigyan ko ng chance si Franco. 

You're always shutting me out.  You never give me a chance to prove my love for you.  Paano mo malalaman kung kaya mo din akong mahalin gayong pinagbabawalan mo din ang sarili mommy,  Chandria?  Sinasabi mong hindi ka pa handang magmahal?  Hindi.  Takot ka e. You're afraid to be hurt that's why you distant yourself but you know what?  Dahil sa takot na iyan pinapalampas mo rin ang opportunity na sumaya ulit. Subukan mo lang, Chan. There's no harm in trying.  And I promise I won't hurt you.  Oo, paiiyakin kita pero hindi dahil sa sakit kundi dahil sa sobrang saya. Just give me a chance "

Minsang sinabi ni Franco. 

Biglang pumasok sa isip ko na baka siya na nga.  Baka siya na si Mr.  Right.  Baka siya na ang icing sa ibabaw ng cupcake ko. 

Sobrang tahimik kaya't ang kalabog ng heels ang umingay. Lahat ng tao sa loob ay napatingin sa may ari ng heels na iyon. 

There she is.  Walking stunningly.  As is she's in a runway. Ang pulang damit ang bumabalot sa napakagandang hubog ng kanyang katawan. 

She still have that bitch's look. 

"Is Ken here? "

Nakataas na kilay na tanong niya sa isang katrabaho ko. 

"Nasa opisina niya po ma'am"

Tumalikod siya agad at tinungo ang opisina ni Ken.  Natigil ang paningin niya sa akin.  Parang nagulat siya na andito ako. Pero pinagpatuloy niya agad ang paglalakad.

Of course, Kei Divine Casugod will never be out of the picture. 

Sila na ba ni Ken?  O baka nagpakasal na sila? 

Who knows?  It's been six long years.  At isa pa, first love siya ni Ken.  Hindi malabong magkatuloyan sila. 

 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon