Chapter 12

15 2 0
                                    

Halos pigil ako sa paghinga. Sobrang lakas ng  pagkabog ang puso ko na parang lalabas na ito sa rib cage ko.

Tanging ang sinag ng bilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa aking daan.

"Theo"

Halos hindi ko marinig ang aking tinig.

Bigla siyang tumakbo papalayo.

"Theo!"

Tawag ko at hinabol siya pero nawala na siya sa paningin ko.

May isang butil ng luha ang lumandas sa aking pisngi.

Alam kong si Theo iyon.

Gusto ko ng bumalik sa camp site pero hindi ako pinayagan ng aking katawan. Pilit nitong hinahanap si Theo.

Umaasang sa pagkakataong ito. Totoo na siya. Nag-eexist na siya hindi lang sa imahinasyon ko.

Huni ng mga kuliglig at kung ano pang mga panggabbing hayop ang naririnig ko.

Sinipat ng ko ang aking mga mata. Umaasang nasa paligid lang si Theo.

Sa 'di kalayuan ay may pigura ng isang pamilyar na lalake. Agad akong napatakbo doon ng makita kong si Theo iyon. Ng isang dipa na lang ang layo namin ay nginitian niya ako. Ang ngiting inibig ko. Kasabay noon ay ang unti-until niyang pagkawala.

Para siyang alikabok na hinipan para mawala. Parang isang panaginip na biglang naglaho.

Sumakit ng husto ang puso ko.

Parang pinupunit ito at ang bawat piraso ay nilalagay sa mainit na apoy.

Bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Para talon ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.

"Theo!!"

Nguwa ko.

Napaupo ako at binaon ang aking mukha sa tuhod ko.

"Tama na! Tama na Theo, ang sakit sakit na!"

Kasabay noon ay ang malalakas na paghikbi ko.

Bakit nagpapakita ulit si Theo?

Tama na. Ang sakit na e.

"Chan"

Napatakip ako ng aking magkabilang tenga ng narinig ko siyang magsalita.

Hindi ko na kaya 'to. Bakit ganito ang nangyayari sa akin. Bakit ang hilig niyang saktan ako.

Fuck illusion!

"Chandria"

Mas lalo kong diniinan ang pagtakip ko sa aking tenga at umiiling iling pa.

Tama na! Ayoko na! Tigilan mo na ako!

Gusto kong isigaw pero puro hikbi lang ang kumakawala sa bibig ko. Wala akong sapat nalakas para sumigaw.

Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata.

Natatakot akong baka pagnakita ko siya ay bigla na naman siyang mawawala. Kasabay ng pagsira ng puso ko.

Naramdaman kong may mainit na mga braso ang yumakap sa akin.

"Chandria, anong nangyayari?"

Gusto kong itulak ang yumayakap sa akin ngayon. Gusto kong tumakbo at magsisigaw pero ang tanging nagawa ko ay ang humikbi.

"Hush now. I'm here, don't worry"

Iyon ang huli kong narinig bago dumilim ang lahat.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.

Pilit kong itinayo ang aking sarili.

"Chan! Kamusta? Okay na ?"

Salubong na tanong sa akin ni Caster.

Kahit medyo pikit pa ang aking mga mata ay tumango ako.

"Theo?"

Usal ko ng nadilat ko ng maayos ang aking mga mata.

"Theo? Sinong Theo?"

Naguguluhan na tanong ni Valentine.

Ipinilig ko ang aking ulo at inalala ang nangyari kagabi.

Nag-iilusyon na naman ako. Bumalik na naman siya. Nakikita ko na naman siya.

Ayoko na nito!

"Anong nangyari? Bakit ako nandito?"

Tanong ko sa kanila.

Nagtinginan silang dalawa bago magsalita si Valentine.

"Bitbit ka ni Ken galing sa kagubatan. Wala kang malay. Nadatnan ka daw niyang umiiyak. Ano bang nangyari? Bakit ka nandoon?"

Should I tell them about my illusion?

"nawala ako. Hindi ko na alam ang daan pabalik. "

I guess I can't tell them. Wala akong lakas ng loob na tanggapin ang maari nilang paghusga sa akin.

Narehab na ako ng six months diba? Bakit ganito pa rin? Wala bang epekto? Ilang taon ba ang kailangan para tuluyang mawala?

Niyakap ako ng dalawa.

"We're glad you're fine. "

Sabi ni Caster. Niyakap ko sila pabalik.

Pinagpahinga nila ako sa clinic ng resort at bumalik naman sila sa camp site. Mas mabuti ng nandito na lang ako. Lipad kasi ang utak ko ngayon dahil sa nangyari.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

I'm tired of this drama of mine.

Napabukas ako ng mga mata ng bumukas ang pinto kasabay ng pigura ng lalakeng kailan man ay hindi ko makakalimutan. Nakangiti siya sa akin.

'Hi?"

Napapikit ako ng marinig ko siyang magsalita. As if he is someone.

"Okay ka na ba? "

Tanong ni Ken at umupo sa gilid ng kama nitong clinic.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko ma alis ang pagdududa kung sino itong nasa harap ko ngayon. Is it Theo or Ken? But I guess it's the latter.

Kinuha niya ang mga kamay ko. Napatingin ako doon.

"may masakit ba sayo?"

Umiling ako sa tanong niya.

Anim na buwan bago ko makilala si Ken ay hindi na rin naman ako binabagabag ng ilusyon ko. Bumalik lamang ito ng makilala ko na si Ken.

Is he the one reminding me about Theo? Is he the one bringing Theo back in my system again?

"I'm fine. Medyo masakit lang ang ulo ko. You should go back to the camp site. Siguradong hinahanap ka na nila doon."

Umiling siya at hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.

"Sinabi ko na kay Prof na pupuntahan kita dito. Bakit ka nandoon sa gitna ng gubat at umiiyak? Who's Theo? You keep on uttering that name kanina. "

Gusto kong bawiin ang kamay ko pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya dito.

"May nakita kasi ako, akala ko kakilala ko, hindi pala, natakot lang ako kaya ako umiyak. Madilim na kasi at takot ako sa dilim"

I became lier nowadays.

"Pahinga ka na ulit. Masakit ang ulo mo diba? Sasabihin ko lang sa nurse"

Tinulungan niya ako sa paghiga. Pati ang kumot ko ay inayos na rin niya sa katawan ko.

My heart thugs. Hindi ko namalayan na habang ginagawa iyon ni Ken ay pinipigil ko ang aking paghinga. Na parang may kung anong dragon ang gumagalaw sa loob ng aking tiyan.

This should not be happening. Hindi pwedi kay Ken. Hindi pwedi sa kamukha ni Theo. Hindi pwedi.

Gugulo lang ang lahat.

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon