17

8 1 0
                                    

Pinaasa.  Iyon ang salitang kanina pa umiikot sa isipan ko.  How can I be such a stupid believing that Ken is inlove with me? Bobo ko talaga.  Nag- aasume lang pala ako. All this time ako lang pala ang nahulog.  Ako lang.

Napabalik ako sa ulirat ko ng tumunog ang phone kong nasa beside table. 

Natulala ako ng makitang tumatawag si Ken.

Dapat ba akong magpasalamat ngayon dahil tumawag na siya? Dahil sa  wakas  ay  naalala na niyang may pinaasa siyang babae?  O  baka naman  naalala  niya  lang ako kasi hindi na niya kasama si  Divine? 

Nag- aaway  ang  isipan  at  puso  ko.

It's the torn between galit ako sa kanya kaya hindi ko sasagutin o  gusto kong marinig ang boses niya dahil na mimiss ko na siya. 

I choose the latter. 

"Chan"

Mahina  pa  akong napasinghap  ng  inusal niya ang pangalan ko. 

My name sounds good whenever he says it. 

Hindi ako nagsalita dahil baka  may  hindi  akong  maganda  na  masabi. 

Gusto  ko lang marinig ang boses niya. Kahit pati ang paghinga niya. 

"Hey, are you there? "

Nag- aalalang tanong niya. 

"Yeah.  I am "

Malumanay na sagot ko.  Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"Can you go out for a while?  Andito  ako sa labas ng bahay niyo. 

Agad akong dumungaw  sa  bintana.

Andoon nga siya nakahilig sa sasakyan niya. Looking so good. Idagdag pa ang sinag ng buwan  na tumatama sa kanya.  He's so  good to be true. 

Wala  na din akong choice kundi ang bumaba. 

Pagkalabas ko ng gate ay kuntudo ang ngiti niya. 

Gustong gusto kong ngitian siya pabalik pero hindi ko kinaya.  Palaging sumisingit sa isipan ko si  Divine. 

Sumeryoso ang mukha niya ng makita niyang hindi ko man lang siya ginawaran ng ngiti.  Blank face lang ang mukha ko. 

Ng ilang dipa na lang ang layo namin ay  agad  niya  akong niyakap. 

God!  I miss this.  I miss his warm hug.  I miss him.

Pero hindi ko man lang siya nayakap pabalik. 

Nag- aaway ang puso at isip ko.

"I missed you "

Sabi  niya  at  kumalas sa mahigpit niyang yakap.  Mapait na ngiti ang ginawa  ng  mga  labi ko. 

"Hey, are you okay?  May problema ba? "

Takang tanong niya dahil sa mga ekspresyong pinapakita  ko.

Umiling ako. I really want  to  burst out.

"I'm sorry, I forgot to  call you.  "

Hinawakan niya  ang magkabilang siko ko.

"Of course you would forget. Kasama mo  si  Divine eh.  Iyong  old acquaintance mo? "

May pang- uyam sa tinig ko.

Nag-iba ang  expression ng itsura  niya.  Para  siyang naguilty. 

"Look,  I'm sorry.  It's just that, something happened. I can't tell it to you- "

"pero pwedi kay Divine? "

Putol ko sa sinasabi niya. 

"No. That's not what I mean.  Listen, may mga bagay na hindi mo pweding malaman sa ngayon, Chan.  "

Napahalukipkip ako sa sinabi niya. 

"Bumalik ka dito kung gusto mo ng sabihin sakin ang bagay na pilit mong tinatago Ken.  Huwag mo akong kausapin dahil  nagmumukha lang akong tanga!

Akmang tatalikuran  ko na siya ng yakapin niya ako.

"I'm sorry.  Hindi ikaw ang tanga dito kundi ako "

Tama ka.  Nadali mo! Gusto kong sabihin sa kanya pero pagod na ako. Malalim na ang gabi at gusto ko ng magpahinga. Nakakapagod kaya ang masaktan. Nakakapagod intindihin ang bagay na hindi mo maiintindihan kahit anong pilit mo kasi hindi din naman nila pinapaintindi sayo.

Kinalas ko ang yakap niya at tinalikuran na siya. 

Narinig ko  pa  ang  mahina niyang pagtawag ng isinirado ko ang  gate.

Bakit hindi pweding sabihin  sa akin?

Ano ba ang meron kay Divine na wala sa akin? 

Kainis! I've never been so insecure in my whole life.  Ngayon ko lang talaga kinumpara ang  sarili ko  sa  isang babae.  Tangina lang kasi sa tuwing ginagawa ko iyon ay napapaself- pity lang ako.  I hate this!

Pagkadating ko sa kwarto ay bumuhos agad ang luhang limang araw ko ng pinipigilan.  Sa sobrang pigil ko ay dumami na sila.  Nagmistulang talon ang mga mata ko dahil sa mga luhang umaapaw dito.

Bukod  sa  ilusyon kong si  Theo  ay  si  Ken  lang  ang  inayakan  ko  ng  ganito.  Like,  the  hell,  Chandria!? Bakit ka umiiyak? 

"Girl?  Anong nangyari  sa  mga  mata  mo?  Ilang bagahi ang dala mo?"

Birong tanong sa akin ni  Caster ng pumasok ako ng classroom.

Inaantok pa ako. Actually, hindi naman talaga ako nakatulog kagabi kakaiyak.

Inirapan  ko  na  lang si Caster.  Si Valentine sa gilid ay tulala rin.  She's not good this past few days. Marahil ay nafu- frustrates na siya dahil kina Silver at Zion. Mas lalong lumala ang away ng magkakapatid.

"Uy!  Galaw galaw tayo at baka mastroke. Uso pa naman ang  heat stroke ngayon dahil sa pagiging hot ko.  "

"Hay naku bakla.  Mangarap ka pa! "

Usal ni Valentine at sinubsob ang mukha niya sa braso niyang nakapatong sa desk. 

"Girl, nag- usap na ba kayo ni Ken? "

Upon hearing his name ay may kirot akong naramdaman sa isang sulok ng puso ko. 

Iyon bang pangalan pa lang niya nasasaktan ka na. 

Tumango ako

"Sorry talaga girl. Nacurious lang kasi ako sa Divine na iyon. Bakit mas maganda siya sakin at kung anong secret niya.  "

Humugot na lang ako ng hininga.

"okay lang.  "

Nagtigil na lang sa pagsasalita si Caster ng dumating na ang professor namin. 

"Anak! Andito  na sina Cheryl!"

Tinapos ko ang pag- aayos at dali daling bumaba dala ang maliit na maleta ko.

Ngayon na kasi kami aalis nina Mommy Shane, Tito Vince at Cheryl patungo sa home town ni Mommy Shane. 

Isang linggo iyon at mabuti na rin 'to. Para maiwasan ko muna si Ken. 

Sa tingin ko nga ay wala din naman siyang balak magparamdam.  Andiyan  na si Divine eh.  So bakit ako pa ang pipiliin niya kung andiyan naman ang babaeng mas may tiwala siya.  Ang babaeng mas mahal niya. 

Saan pa ako lulugar e may lumugar na sa pwesto ko? 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon