Chapter 10

13 3 0
                                    

Valentine's POV

Ikinuwento ko kina Caster at Chandria ang nangyari sa akin three years ago.

It all started when nag-ayang maghang out ang isang kabarkada ko, napagdesisyonan naming maligo sa isang resort malapit sa amin.

Sa park kami magkikita kita. Dapat ay alas otso ng umaga ay nandoon na kami. Pero dahil nga filipino time ay hanggang alas nuebe kami 'ng naghintay sa iba naming mga kasama.

Makukulit ang mga kaibigan ko. Iniinis ako ni George kaya ayun, hinahabol ko siya para hampasin ng tsinelas. Tawanan namin ang umalingawngaw sa park.

Natigil ang tawanan na iyon ng may nakabunggo say aking lalake na nakasakay sa skateboard.

Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabunggo niya sa akin ay natumba ako at nagalusan ang tuhod ko. Malaking galos iyon at sobrang sakit. Tinulungan naman ako ng lalake na tumayo. That was Zion. Sisinghalan ko sana siya kaya lang sobrang gwapo niya sa paningin ko. Ang mga mata niyang kasing dilim ng gabi ay nakatingin sa akin. Nawala lahat ng mga words sa vocabulary ko. Wala akong salitang mahagilap sa mga oras na iyon.

"Your knees are bleeding"

Nawala ang magical na feeling ng magsalita siya. I was backed to my senses.

Napatingin ako sa tuhod kung dumudugo.

Umupo siya para maging kalebel ng mukha niya ang tuhod ko.

Napaatras ako ng pinahid niya ang dugong nasa tuhod ko gamit ang itim niyang panyo.

He is gentleman. Iyan ang naisip ko ng mga oras na iyon.

"I'm sorry, hindi kita nakita"

Nagkamot pa siya ng batok niya.

Sasagot sana ako ng hilahin na ako nina George dahil dumating na ang mga kasama namin.

Hindi ako nakaligo sa resort dahil sa masakit ang tuhod ko kapag binabad sa tubig.

So nakatunganga lang ako sa mga kabarkada kong aliw na aliw sa tubig. Zion was clouding my mind that time. All I can think was his pearl black eyes. His narrow nose and divided pinkish lips.

Pagkatapos ng araw na iyon ay palagi na kaming pumupunta sa park kasama sina Divine at Jenny. Hoping na sana andoon si Zion. And fate didn't disappointed me. Andoon nga siya at nag-so-skate kasama ang mga kaibigan niya. Marahil ay naalala niya ako kaya nilapitan niya ako. From then on, naging mas close kami. Tinuruan niya akong gumamit ng skateboard and do some stunts. Nalaman ko din na kasali pala siya sa isang dance crew. Mas lalo akong nainlove sa kanya. He's flawless in my eyes. Everything about him is good. Hanggang sa isang araw he asked me to be his girlfriend. Of course, I said yes. Who wouldn't agree to be Zion's girl, right? He's near to perfect.

Dinadala niya ako sa bahay nila. Doon ko nakilala si Silver. Sobrang kulit ni Silver na plagiarism niyang inaasar si Zion. Pero hindi niya ako pinapansin. Palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin pero nag-iiwas din agad.

I thought Zion was different to other men. Akala ko iba siya sa mga lalakeng manloloko at sinungaling.

I though he's different, but I was wrong. Very wrong.

Nalaman kong pinagpustahan lang pala ako ng mga kaibigan niya.

That broke my heart.
I loved him more than anyone else.

But he played me. He played with my feeling. I cried for how many weeks. Who wouldn't right?

Tao ako at hindi laruan. I have feelings.

Nagsimula ang freshman year ko dito sa Mystic University. Akala ko makakalimutan ko na siya. Akala ko makakahanap na ako ng iba. But I was wrong again. Nalaman ko na lang na andito siya. Kasama ang kapatid niya.

Isang araw Silver approached me. Saying that he was sorry gorgeous his brother at kung pwedi daw siya na lang ang piliin ko.
Like what the heck? I've been wrecked by his brother at sa tingin niya ay ganoon lang kadali iyon?

No, time heals nothing for me. Andoon pa rin ang sakit. Ganoon pa rin kasakit.

Ilang taon na ang lumipas pero ganoon pa rin. But, I must admit, mahal ko pa din si Zion.

I hate myself for loving a jerk like him.

Chandria's POV

Iniayos ko na ang kakailanganin kong gamit para sa camping.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito hudyat ng isang text. Galing iyon kay Harem, asking why I am with Ken daw kanina.  How can I tell to this good man na hindi ko maibibigay sa kanya ang relasyong gusto niya. Mabait si Harem at natatakot akong saktan siya. But then, I got no choice. Masasaktan at masasaktan siya sa huli.

Napabalik ako sa ulirat ko ng tumunog ang  cellphone ko at tumatawag si Harem.

"Hey, are you home? You didn't reply."

"Ah, Ano.. nag-aayos ako ng mga gamit para sa camping bukas. Nasa bahay na ako."

"Are you with Ken kanina?"

Nag ayos ako ng upo sa kama.

"yes. Sinamahan niya ako sa locker room. Is there anything wrong?"

"uhm. Wala. Is he hitting on you? "

"No, we're friends, Har. "

Umiling pa ako.
Narinig ko ang paghinga niya na para bang nabunutan siya ng tinik.

"Har.. we're friends too. "

Nahihirapan kong sabi.

"Chan, alam mong hindi kaibigan ang tingin ko sa iyo. I want more than that. "

Napabuga ako ng hininga sa sinabi niya. I know it, Harem. I know it. It's just that, I can't give it to you.

"I'm sorry, Har"

Ang tanging nasabi ko. Kinain kami ng katahimikan pagkatapos. Nakalagay pa din ang cellphone ko sa tenga ko. Ang hininga ni Harem ang tanging naririnig ko sa kabilang linya.

"Har-"

"Goodnight, Chan"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin na niya ang tawag.

Napabuga ako ng hangin at ginaya si Ken na nagkamot ng kanang kilay.

Damn! That was my way of rejecting Harem.

Kinaumagahan ay maingay sa skwelahan dahil sa mga excited na mga studyante dahil sa camping. Nakahilera ang school bus at isa isang umaakyat Doonesbury ang mga studyante.

Two seater lamang ang bus namin kaya ako ang nahiwalay kina Caster. Parang kambal tuko ang dalawa at hindi mapaghiwalay.

Inayos ko ang mga gamit ko sa lalagyan ng baggage sa ibabaw ng naramdaman kong may umupo sa katabing upuan ko.

Nilingon ko kung sino iyon.

It was Zion.


You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon