26

8 1 0
                                    

"Ken "

Kahit pangalan niya ay kay hirap bigkasin.  Bakit?  Bakit noong binaggit ko ang pangalan niya ay parang may kung anong tinik ang nasa lalamunan ko. 

He didn't even bother to look at me.  Nakayuko lang siya. 

Nakangiti si Dr. Delvero at Divine.  

"ayan kasi.  Ilusyonada!"

Ani Divine at tumawa pagkatapos.

"Kung ganoon, ano mo siya hijo?"

"Kaibigan ko po "

Nakayukong sagot ni Ken. 

Kaibigan?  Hindi ko inakalang masasaktan ako dahil sa salitang iyan.

How can he deny me in front of his father?  Sa harap ng nanunuyang Divine?  Hindi man lang ito sumagi sa isipan ko.  Never kong naimagine na mangyayari sa akin 'to.

Bakit ang dali dali lang sa kanya na ideny ang sa amin.  Akala ko iba siya, mali ako.  Maling mali.  Mali ako ng taong pinagkatiwalaan.  Mali ako ng taong pinag- alayan ng puso. Mali ako ng taong minahal. 

At least si Theo may rason kung bakit ako nasaktan.  Whether I like it or not ay masasaktan ako.  While Ken, he has the choice to not to hurt me.  Kaya niya akong ipaglaban kung gusto niya.  Pero siguro dahil  laro laro lang naman ito para sa kanya kaya ang dali niyang ideny ang sa amin. O baka nalaman niya ang tungkol sa pagpapamental ko at naduwag siya.  Naduwag siyang ipaglaban ko. 

If this was a movie he would fight for me, for us. But no.  Nasa reyalidad ako. Reyalidad na ang feelings ay pinaglalaruan.  Na ang mga tao ay manloloko. 

"We're just friends "

Pag- uulit niya.

Lumandas ang isang butil ng luha sa aking mga mata. 

Ang puso ko'y nasasaktan.  Parang nilagyan ng asin ang bago kong sugat. Parang nilagay iyon sa kumukulong tubig .

"Chandria,  tara na "

Sabay higit sa akin ni Cheryl.  Isang matalim na titig ang tinapon niya kay Ken bago kami umalis. Nagpatianod na lamang ako.  Ni wala ako lakas para magprotesta. 
Mabuti na lamang at hinala nila ako palayo doon dahil baka sa ngayon ay naglapusay na ako doon sa iyak.

Wala sa sarili lang akong nagpapatianod kina Chidine at Cheryl habang ang dalawa ay pinagmumura ng mahina si Ken. 

Galit sila, nahahalata ko sa pagmumura nila. 

Pinahid ko ng marahas ang luhang kanina pa nagsisiunahan sa pisngi ko.

Mas may lalala pa pala kesa sa malaman kong ilusyon ko lang si Theo.  Ito yon. Ang kaya akong ideny ng taong mahal ko.

"Ang leche na 'yon! Akala mo naman gwapo.  Huwag kang lalapit doon, Chandria "

Pagalit na sabi ni Chidine habang sumasakay kami sa kotse niya. 

"Sinira niya ang araw ko.  "

Mabuti ka at araw mo lang ang nasira niya. Ako?  Pagkatao ko ang nasira niya. He break my heart. No, he shattered it into hundred of pieces. He ripped it out of me and he just don't care if he hurt me.

"Are you okay? "

Tanong ni Cheryl at niyakap ako.  Mas lalo akong naiyak sa balikat niya. 

Ang problema sakin kapag nasasaktan o nalulungkot ako, the more na kinocomfort mo ako the more na iiyak ako.

"I thought he's different,  I was wrong "

I said between my sobs.

"Alam mo kung bakit napakadali ka niyang pakawalan?  Kasi hindi siya ang para sayo. True love is unbreakable.  Na kahit ihawalay mo sila sa magkabilang mundo.  Na kahit magkanda leche leche na ang lahat hindi ka niya susukuan. Mabuti ngang mas maaga mong nalaman na hindi pala siya ang para sayo "

Ani Cheryl. 

Anong pinagkaiba kung maaga kong nalaman o huli?  Nasaktan pa rin naman ako diba.

May ginawa ba akong mali para ganitohin niya ako.

"They have my records in mental"

Napaawang ang mga bibig nila sa sinabi ko. 

"Paanong.. "

Hindi na natapos ni Chidine ang tanong niya.  Napailing ako.

I'm sure Divine did something about this.  She's desperate to get Ken back. 

"Chan.  Kinuwento samin nina Cheryl ang nangyari. Ano,  okay ka lang?  "

Salubong ni Caster sa akin.

Humugot ako ng malalim na hininga ang matamlay na ngumiti sa kanila.

"I'll be fine. "

Umupo na ako sa upuan ko.  Mas pinili ko ang pumasok kesa sa magmukmok sa bahay.  Mas lalo ko lang maaalala si Ken. 

"Makikita talaga ni Ken na yan.  Pagnakita ko siya isisilid ko siya sa sako. At itatapon sa ilog "

Ani Caster. 

Napatingin ako sa upuan ni Ken.  Bakante pa rin iyon sana nga lang ay huwag siyang pumasok dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.  Kung susumbatan ko ba siya dahil sa ginawa niya o papatawarin ko siya. Hindi ko alam. 

Nagsimula ang klase na walang Ken na sumulpot.  Mabuti na rin iyon. 

Ilang araw ang lumipas at ni anino ni Ken ay hindi ko nakita.  Hindi siya nagparamdam kahit tawag o text man lang.  Oo hinihintay ko pa rin ang explanation niya. Naghihintay pa rin ako ng rason niya kung bakit niya iyon nagawa.  Na baka may rason na kaya kong tanggapin. 

Nasaktan niya ako, oo.  Iiyak  ako pero papatawarin ko siya. 

Ganoon ko siya kamahal.
Ganoon ako katanga sa kanya. 

Pero ano? Pinaasa ko na naman ang sarili ko.  Sa tuwing tutunog ang cellphone ko ay natataranta agad ako sa pag- aakalang may mensahe o tawag galing sa kanya pero mali na naman ako. 

"Sir, isang linggo na pong absent si Ken.  Bakit po? "

Tanong ng isa kong kaklase na sa tingin ko ay may crush kay Ken. 

Iyon din ang tanong na gusto kong tanungin pero pinigalan ko ang sarili ko. Kahit ang malalapit niyang kaibigan ay hinahanap din siya sa akin.  Tanging 'hindi ko alam' ang naisasagot ko sa kanila.

Umalis siya na hindi pinapaalam sa lahat kung bakit. 

"Pinabalik na siya sa Davao "

Ani Sir. Nagbulong bulungan ang mga kaklase ko.

Napatingin sina Valentine at Caster sa akin. Matamlay na ngiti ang iginawad ko sa kanila at yumuko. 

I guess this is it.  This the end of us.  Fate force us into a goodbye.

Maaring tama si Cheryl.  Hindi si Ken ang para sa akin. 

Kasi baka nag- iilusyon na naman ako kasi kamukha niya si Theo.  Baka nadala ako ng nararamdaman ko para kay Theo at umaasa akong kay Ken ko mararamdaman iyon.  Pero sa huli nasaktan parin ako. 

In the end, he's still my illusion. 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon