29

8 1 0
                                    

Ilang araw na akong nagtatrabaho pero kahit isang beses ay hindi nagtagpo ang landas namin ni Ken.  Laking pasalamat ko.

"Chandria, hindi muna kita masasamahan sa ospital ngayon.  May lakad kasi kami ni Harem. Pasama ka na lang kay Franco.  "

Sabi ni Cheryl habang inaayos ang sarili niya.

Dapat kasi ay pupunta kami ngayon kay Mommy Janine sa ospital.  Si Mommy Shane kasi ang nagbabantay sa kanya ngayon. 

"Huh?  Saan kayo pupunta? "

Tanong ko.  Nakakahiya naman kay Franco 'pag nagpasama ako. 

"You wouldn't want to know"

Aniya at kinindatan ako. Napailing na lang ako. 

"Fine.  Huwag na si Franco.  Ako na lang mag- isa.  "

"Naitext ko na siya. Maybe by now ay nasa labas na siya ng bahay"

Pagkasabi niya noon ay nakarinig kami ng ingay ng doorbell. 

Si Franco na iyon.  Lokang Cheryl. 

Bumaba ako para pagbuksan si Franco ng pinto. 

"Hi.  Nagtext sakin si Cheryl "

Aniya.  Tumango naman ako at niluwagan ang pagbukas ng pintuan para makapasok siya.

"Maliligo lang ako "

"Hmm. Hihintayin na lang kita dito "

Umupo siya sa couch doon. 

Umakyat na ako at nag- ayos ng sarili. 

Habang nasa byahe ay tahimik lang kami.  Tanging ang tunog sa IPod ang nagbibigay buhay.

Sa daan lang ako nakatingin gayong sa gilid ng aking mata ay nakikita kong tinatapunan ako ng tingin ni Franco. 

Bigla ko tuloy naalala ang iniisip ko kagabi na bigyan siya ng chance.

Tumikhim siya bago nagsalita. 

"Kamusta ang trabaho? "

Napatingin ako sa kanya.

"Okay lang.  Medyo busy kasi madaming kailangang ayusin.  Madami na din akong kilala. "

Ngumiti siya sa sagot ko. 

"Don't stress yourself too much.  Baka magkasakit ka. "

Tumango ako sa kanya. 

"Sana ganito na lang tayo.  Iyong tayong dalawa lang. Nag- uusap tungkol sa mga nangyayari sa atin araw araw. Na kahit maliliit na detalye sa atin ay sinasabi natin sa isa't isa. "

Napayuko ako sa sinabi niya. 

Alam niya  kahit anong gawin niya ay wala siyang pag- asa pero heto parin siya at umaasa. 

"That would be my own version of happiness. You and me. Us."

"I would like to give that a try, Franco.  I want 'us' to try"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Bigla niyang tinigil ang kotse at nilingon ako ng nakangiti. 

"I heard it right, right?  "

Halos hindi niya makapaniwalang tanong. 

Tumango ako. Agad niya akong niyakap ng mahigpit.  Napangiti ako dahil sa ginawa.

"Alam ko talagang hindi masasayang ang tatlong taong paghihintay ko. Thank you for giving me a chance "

"Please don't break my heart "
Sabi ko.  Kinalas niya ang yakap at tinignan ako ng maigi. 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon