Chapter 4

17 1 0
                                    

Zion Rey Francisco in multimedia :)

You're My Illusion

Chapter 4

"OMG! magkakilala kayo? close kayo?"

Napakalas ako ng yakap kay Harem ng magsalita si Caster.

"Hmm. We're like... partners"

Sagot ni Harem.

"Sa project. Noong second year kami"

Dugtong ko at nginitian sila.

"Ah! Nga pala, Harem, Ito si Caster at Valentine, mga kaibigan ko."

Pagpapakilala ko. Ngumiti naman ang bakla at si Valentine.

"Kilala ko sila. Sila yung maiingay"

Sagot ni Harem. Napangiwi naman ang dalawa.

"Mauna na kami, Chan. Magpapaanak pa kasi itong si Caster ng baboy ng kapitbahay nila"

Paalam ni Valentine at hinatak na palayo si Caster.

"Wala namang baboy ang kapitbahay namin. At hindi ako marunong magpaanak ng baboy. Sa ganda kong 'to"

Salita ni Caster habang nagpapatianod sa hatak ni Valentine.

Nilingon ko si Harem at nahuli ko siyang titig na titig sa akin. Bigla naman siyang umiwas ng tingin.

He cleared his throath bago magsalita.

"Ang tagal mong nawala. Dapat mo akong ilibre!"

Sabi niya. Hindi pa din siya nakatingin sa akin.

"Lumipat kasi kami ni mommy sa probinsiya"

Ewan ko kung bakit ako nag-eexpain sa kanya. I mean, I think he have a right naman since he's my friend.

Pero wala din naman sa plano ko ang sabihin kong na-mental-hospital ako ng anim na bwan.

Ayaw kong malaman nila.

Nakita kong ngumiti siya ng mapait.

"Kaya pati number mo binago mo?"

"Nawala ang phone ko."

Okay. I lied. Ang totoo ay sadya kong binago ang phone at number ko dahil may alaala ako kay Theo doon.

Napatingin siya agad sakin.

"sorry"

Usal niya. Nginitian ko na lang siya.

Pinipilit niya talaga akong ilibre ko siya. I guess, ang pagkapilyo niya ang hindi nagbago.

Wala na din naman akong nagawa kaya ililibre ko na siya.

"Sumasayaw ka pala?"

Tanong ko sa kanya habang naglalakad patungong canteen.

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon