19

12 1 0
                                    

Our eyes are lock up. Damn!  Anong ginagawa niya dito? Bakit siya andito?  Paano niya nalamang andito ako? Tang'na!

Napabaling ang paningin ko sa magkaabay naghahagikhikan sa likod ni Ken na sina mommy Shane at Tito Vince.

"Uy!  Nagkita na pala kayo.  Hinanap ka kasi niyan sa bahay niyo.  Tinuro ng mommy Janine mo dito. Pasok ka hijo at maghahapunan na tayo. "

Ani mommy Shane.

Wala na din naman akong choice kundi ang papasukin siya kahit labag man sa loob.

"Tita,Deniv, si Ken nga pala, kaibigan namin "

Pagpapakilala ko kay Ken.

Nag- aayos na ng hapagkainan si mommy Shane. 

"Hijo, welcome.  Feel at home lang.  "

Masayang sabi ni Tita Shabell at tinulungan na si Mommy.  Ngumiti at tumango lamang si Deniv.

"Andito ka, brad? "

Tanong ni Harem at naghand shake sila. 

"andito ka din? "

Balik na tanong ni Ken. 

Oo nga pala, akala niya nanliligaw pa rin sa akin si Harem. 

"Kain na! "

Tawag ni Tita Shabell.

Naging masigla ang hapunan dahil sa masayang usapan nina Tita Shabell at mommy. 

Pinapagitnaan ako nina Deniv at Ken habang sa kabilang part ng lamesa ay sina Cheryl, Harem at mommy . Sa magkabilang dulo ay si Tito Vince at Tita Shabell. 

"Bakit ka mo nga pala hinahanap si Chandria, Ken? Nagbyahe ka pa patungo rito. "

Nasamid ako sa tanong ni Mommy.  Agad naman akong dinaluhan ng tubig ni Ken.  Ininom ko iyon.

Nagkamot ng kanang kilay si Ken bago magsalita. 

"Gusto ko po kasing magsorry sa kanya personally.  May nagawa po kasi akong kasalanan last week at hindi po ako papatulugin ng konsensya ko kung hindi niya po ako mapapatawad."

Namula ako sa sinabi niya. 

Bakit kailangan  niya pa iyong sabihin?  Sana gumawa na lang siya ng ibang alibi. 

Nag form ng 'O' ang mga bibig nila kaya mas lalo akong namula. 

Binilisan ko na lang ang pagkain para makaalis na agad at baka mahot seat pa ako dito. 

Akala ko ba ay stress free week ako?  Tsk!

Ako na nagprisinta na maghugas ng pinagkainan.

"Ang pogi naman ng kaibigan mo. Grabe! Nag- iinit ako! "

Bulong ni  Deniv sa akin habang nilalagay ang mga plato sa sink kung saan ako naghuhugas. 

"Pero sa tingin ko more than friends kayo.  Hihihi "

Namula ako sa sinabi niya at hinampas siyang sa tiyan. 

Langyang bakla!  May abs! 

"Tigilan mo ako, Deniv ah. Friends lang kami noon "

"Weh?"

Magsasalita pa sana ako ng may tumabi say kabilang gilid ko.

"Oh? Papanhik na ako sa kwarto Chan "

Ani Deniv at kinindatan pa ako. 

"Okay.  Goodnight"

Tinanguan na lamang siya ni Ken. 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon