Chapter 1

39 1 0
                                    

Ken Axel Salvador in the multimedia :)

Enjoy reading :)

You're My Illusion

Chapter 1

Nilanghap ko ang hangin pagkadating namin sa airport.

Namiss ko ang lugar na ito.

"Welcome back, Chan"

Agad akong sinalubong ng yakap nina Cheryl at Chidine. Cheryl Evangelista is my half sister and Chidine Louisse Rivera is my bestfriend ever since the world began.

"Mabuti naman at naisipan niyo ng umuwi"

Usal ni Chidine.

"Syempre naman ano. Nandito kayo e. Atsaka nababagot na ako sa probinsiya. Wala man lang gwapo doon. Wala tuloy akong crush"

Nagtawanan sila sa sinabi ko.

"Girls, nandito na ang sasakyan. Tara na!"

Sabay naming nilingon si Mommy Janine, my adopted mother.

Tinulungan ako ng dalawa sa mga bagahe namin ni mommy at sabay naming tinungo ang sasakyan ni Tito Vince.

"Welcome back, Chan"

Napangiti ako kay Tito Vince na nasa driver seat.

"Thanks 'to"

Hindi ko na nagawang dumiretso ng bahay dahil kinaladkad na ako ni Chidine patungong Coffee shop niya na binabrag niya sa akin sa tuwing nags-skype kami.

Pagpasok namin sa loob ng coffee shop niya ay sumalabong agad sa ilong ko ay napakagaan sa pakiramdam ng aroma. Nakakarelax ang amoy ng kape.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makitang may isang malaking bookshelf na puno ng mga libro sa isang sulok ng shop. May mga qoutations ng mga sikat na manunulat ang nakakabit sa dingding. Nagmukha siyang modern na library. Hindi nakakabagot tignan. Talagang pinasadya ang coffee shop na ito para sa mga bibliophile na gaya ko.

May mga table sa kabilang dulo kung saan makikita mo ang nasa labas. May iilang customers ang nandoon.

May second floor ang shop niya. Glass wall ito kaya kita ang magandang tanawin. May maliliit na bookshelves na punong puno ng mga libro sa second floor.

Bukod sa napakasarap na kape ay may iba pa silang siniserve gaya ng fruit drinks, breads, cookies, cakes and such.

"Ano sa tingin mo?"

Excited na tanong ni Chidine.

"It's amazing."

Nakangiting sagot ko habang nililibot pa din ang palagid.

Malapit ang coffee shop na ito sa park. Masasabi kong isang napakagandang pwesto ang nakuha ni Chidine.

Kita mula sa second floor ang park. May mga nagse-skate board nga doon ngayon.

"So? Gusto mo bang maging partners tayo?"

Excited na tanong niya.

Tumango naman ako kaagad since iyon din naman ang napagplanuhan namin kamakailan.

Mabuti na iyong bukod sa school ay may pagkakaabalahan ako.

Pagkatapos sa shop ay sinamahan ako ni Chidine sa Mystic University para mag-enroll this first semester.
Third year parin ako since nagstop ako ng dalawang taon. Nakagraduate na si Chidine last school year. Same as Cheryl. Ako na lang yata ang naiwan.

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon