Chapter 9

13 1 0
                                    

Nagtinginan kami ni Caster.

Magkasalubong ang makakakapal na kilay niya tanda ng kawalan ng alam sa mga nangyayari.

"Ano iyon, girl?? "

Tanging kibit balikat lamang ang naigawad ko sa kanya. Si Harem naman ay patuloy lang sa pagkain na parang walang nangyari.

Days went fast. Tatlong araw ng hindi pumapasok si Valentine. Kaya ako naman ang pinepeste ni Caster. Tinext ko nga si Valentine at ang sabi niya ay okay lang daw siya at papasok na siya bukas at ikukwento niya sa amin ang lahat. Nagtampo pa si Caster sa kanya dahil sila daw ang magbestfriend pero wala siyang ka-alam alam sa nangyayari kay Valentine.

Tatlong araw din akong iniiwasan ni  Zion. Sa hallway ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero mag-iiwas din. Isang text lang ang natanggap ko mula sa kanya at humihingi siya ng sorry. Sorry for what? Ano ba ang meron sa kanila ni Valentine??

Habang nasa coffee shop ako ay napapatulala ako. Iniisip kung bakit ganoon si Silver. Iyon bang galit na galit siya dahil sumabay sa pagkain samin si Zion.

Naglalakad na kami pauwi ng dumaan kami malapit sa park.

Nahagip ng mga mata ko sina Ken at ang iba pa niyang mga kaibigan na halos magsiliparan sa ginagawang stunts gamit ang skate board.

Hindi ko namalayan na napatigil pala ako sa paglalakad.

"Chan"

Tawag sa akin ni Cheryl.

"He looks like Theo"

Sabi ko sa kanila.

Sinundan nila ang tingin ko.

"OMG! Ganyan ba kagwapo si Theo?!"

Ani Chidine.

"Don't tell us na gusto mo ang lalakeng iyan dahil kamukha siya ng ilusyon mo?"

Nakakunot noong tanong ni Cheryl.

"Hindi a. It's just that, he keeps on reminding me about Theo"

Depensa ko.

Natahimik silang dalawa.

Kinabukasan ay pumasok na nga si Valentine.
Syempre hindi siya nilubayan ni Caster hangga't hindi nasasagot ang mga tanong niya.

"I'm sorry kasi tinago ko ito sa inyo. Nahihiya kasi akong sabihin ito sa inyo. Baka sabihin niyong napakababaw ko. "

Nakayukong sabi matapos ikwento ang nangyari sa kanila ng Francisco brothers.

Kung titignan mo si Valentine ay parang ang saya niyang tao. Happy go lucky kumbaga. Pero may pinagdadaanan din pala siya.

Minsan, kung sino pa itong palaging nakatawa sila pa pala ang mas malungkot kapag nag-iisa.

"Hindi kami ganoon ka judgemental ano. At isa pa, na-iingit nga kaya ako sa iyo. Isipin mo, dalawang hot, gwapo, at yummy na lalake pinag-aagawan ka. Girl, magpapakabit ako ng obaryo kapag iyan ang nangyari sa akin."

OA na pagkakasabi ni Caster.

Nag-iingay na naman silang dalawa. Balik na naman sila sa dati.

Pagkalabas namin ng classroom ay naghihintay sa labas si Silver.

Nilapitan niya agad si Valentine.

"Hi. Sabay na tayong umuwi"

Nakangiti niyang sabi kay Valentine.

"Hindi. Sama ako kina Caster."

Umiling pa si Valentine.

Nag-iba ang expression ni Silver. Napawi ang ngiti sa kanyang labi.

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon