20

10 1 0
                                    

Malalim na ang gabi pero gising na gising pa ang diwa ko. 

Malamig sa labas diba?  Kahit nga dito sa loob malamig.  Makakatulog kaya siya ng maayos doon?  Unan lang ang dala niya diba?  Tss!  Bakit ko ba siya iniisip?  Bahala siya! Kasalanan niya din naman ito.  Hindi niya ako kailangang sundan dito.  Ang tigas ng ulo niya.  Bahala siyang manigas sa lamig doon!  Hindi ko kailangang makonsensya ano. It's his choice. 

Bumuntong hininga na lang ako at nagbilang ng one to one thousand. 

"Magkumot ka!  Maaga ka pang babyahe bukas. Babalikan mo pa si Divine kaya matulog ka na "

Binigay ko kay Ken ang dala kong kumot.  Oo na,  hindi ko na siya matiis.

Alalang alala ako tapos madadatnan ko lang siya dito sa salas na prenteng prente na nakahiga sa couch. 

Kinuha niya din iyon pero agad din niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. 

Napalunok ako ng wala sa oras.

"Thank you "

He said smiling widely. 

Tss!  May gana pa siyang ngumiti. 

Umupo siya sabay hila ng sa akin kaya napaupo ako sa lap niya.  He lock his hands around my waist. 

Bigla akong tinuyuan ng lalamunan. Hindi magkamayaw sa pag-indak ang puso ko.  Kahit paghinga ko ay pinipigilan ko na. 

Anong ginagawa niya?

I tried escaping from him but I just can't. Hindi ko kaya o baka naman pinagkanulo na ako ng sarili kong katawan.  Damn!

"Pag- uwi natin sasabihin ko sayo ang lahat.  May kailangan kang makita bago ko sabihin iyon.  At hindi ako babalik bukas para kay Divine.  Hindi kita iiwan dito. Sabay tayong uuwi. "

Aniya at ngumiti.

Walang salita akong nahagilap.  All I can do is to stare at his pair of brown eyes. 

Titig na titig siya sa akin na para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isipan ko. 

"Goodnight. "

Mabilisan niyang dinampi ang nalambot niyang mga labi sa aking labi. That was just a smack kiss.  A short but savory kiss. 

Nabalik ako sa diwa ko ng may tumikhim sa likuran namin.

Nakangising aso na si Deniv ang sumalubong sa akin.

Agad akong tumayo.

"Matutulog na ako "

Nakayuko kong sabi at nagmarcha patungong kwarto ng hindi sila nililingon. 

Agad kong tinampal ang sarili ko ng tuluyan akong makapasok sa kwarto at nilock iyon.

"Chandria.  Ano ba?  Nababaliw ka na naman ba?  Bakit ka nakangiti? "

Tanong ko sa sarili ko. 

I bit my lower lip to stop from smiling pero wala e.  Para akong baliw na inlove na nakangiting humiga sa kama.  

Maingay na katok ang gumising sa akin. 

Tamad akong bumangon at binuksan ang pinto. 

"Hindi ka pa nakakapag- ayos?  Aalis na tayo.  "

Bungad sa akin ni Deniv. 

Agad agad naman akong nagtungo sa banyo para mag ayos. 

Pupunta kasi kami ngayon ng natures park.

Nagmistulang family reunion ito dahil sa dami namin. Mga pinsan ko at mga kapatid ni mommy ang sumama.

Nasa likuran ko nakasunod si Ken dala ang isang picnic basket. 

Sa gilid ko ay si Deniv na tinatanungan ko ng mga bagay bagay na nakikita ko sa daan.

"Ano yun?  "

Tinuro ko ang isang puno na hitik sa bulaklak na color yellow na parang ball gown.  Ang ganda. Parang nagsasayawan na mga prinsesa ang mga ito sa paningin ko.

"Angel's trumphet iyan.  It takes three to four months para lumaki at mamulaklak.  "

Tango lang ako ng tango sa bawat sinasabi ni Deniv .

Iba't ibang bulaklak ang nadaanan namin.  Iba't ibang kulay.

I'm wearing rash guard at cycling shorts  since malamig dito.

"Tara na!  Chan!  Doon tayo. Mas malamig doon "

Tinuro pa ni Deniv ang part kung saan nalalaglag ang tubig galing sa taas. 

Magiliw akong lumangoy patungo doon. 

Napatili ako. Ang sakit pala ng impact ng tubig galing sa taas. 

Tawa ng tawa ang bakla.  Naisahan niya ako doon ah. 

"Walang hiya ka!  Halika dito! "

Lumangoy naman siya palayo. Ang sakit ng ulo, batok at balikat ko.

Bumalik na lang ako doon sa nilatag nilang tela sa napakalaking bato kung nasaan ang mga pagkain namin.

"Ate Chan,  ayaw mo ng maligo?"

Tanong ni Sandy , pinsan ko, habang kumakain ng nachos

"Pinagtitripan ako ni  Deniv doon e.  "

Sumbong ko at kumuha din ng nachos para kainin. 

Naramdaman kong may umupo sa gilid ko. 

Nakasimangot na Ken ang sumalubong sa akin. 

Problema nito? 

"Hindi ka maliligo? "  Tanong kong sa kanya.  Nilingon niya ako ng nakasimangot. 

"Tapos ka ng makipaglandian sa pinsan mo? "

Giit niya.

Natigilan ako sa tanong niya.  Anong logic meron ang lalaking to at ganito kung makapag- isip? 

"Anong landian?  Magpinsan kami diba?  "

Napatingin ako kina Sandy at sa dalawa ko pang kaibigan na biglang umalis at lumusong sa tubig.  Kaming dalawa na lang ang natira.

Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.  Na para bang may ginawa akong hindi niya nagustuhan.

"iyon na nga.  Magpinsan kayo pero kung makaasta kayo para kayong magjowa.  "

Humugot ako ng malalim na hininga at baka masapak ko tong kaharap ko. 

Tss' hindi nga pala niya alam na bakla si Deniv. 

"So anong gusto mong gawin ko?  Layuan ko siya?  We're cousins for goodness sake.  "

I say out of frustration.

Hindi niya ako sinagot.  Nagtiim bagang lang siya at tinapunan ng matatalim si Deniv na masayang naliligo kasama nina Cheryl.

Tsk.  Kawawang bakla. Wala siyang kaalam alam na ilang beses na siyang pinatay ni Ken sa isipan nito.

"Gusto mong maligo? "

Aya ko sa kanya.  Ayaw ko ng inaaway siya.  Ayaw ko ng lumayo sa kanya.  After the kiss kagabi I realized that maybe I should give a second chance.

"Tara na! "

Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya patayo pero sadya niya yatang binigatan ang sarili niya para hindi ko siya mapatayo.  Nasa mga pagkain lang ang tingin niya. 

"Uy, Ken! Tara na "

Nilingon niya ako.  His expression is blank.  Even his eyes. 

"Ayaw ko "

Malamig niyang sabi. 

Tignan mo 'to. Ngayong gusto kong ng makipag- ayos sa kanya siya naman itong magtatampo. 

I guess this is us.  This is us falling in love in a foolish way. 

Para kaming mga baliw. 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon