30

13 1 0
                                    

Tambak ang trabaho ko ngayon.  Ewan ko ba, hindi naman ito ganito kadami kaysa noong nakaraang araw.

"Uhm. Chandria , pinapatawag ka ni  Sir. Salvador "

Napatingin ako kay Reina, secretary ni Ken.

"Bakit daw?"

She just shrugged her shoulders. 

Bigla naman akong kinabahan. Magmula ng nagsimula akong magtrabaho dito ay hindi niya ako pinapatawag.

Kahit nagdadalawang isip man ay tumayo ako at tinungo ang opisina niya.

Nagdasal na lang ako na sana'y walang masamang mangyari. 

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang seryosong Ken.  His pair of brown eyes were fixed on the papers he's holding.

Hindi katulad ng dati ay nakaclean cut ang buhok niya ngayon. Mas lalong na depina ang perpektong ukit ng kanyang mukha. His chest became broader. Dahil sa suot niyang business suit ay hindi mo aakalaing napakachildish niya dati. 

Nagkamot siya ng kanang kilay niya.  Habang kunot noong inieksamina ang papel na hawak niya.  He still have that mannerism, ang pagkamot ng kanang kilay niya. 

I didn't notice na nakatitig na pala ako sa kanya sa loob ng ilang minuto.  Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya napatikhim ako.  Agad kong naagaw ang atensyon niya. 

"Tawag niyo daw po ako ,sir "

Mabuti at hindi ako nabulol kahit na naginginig ang labi ko pagkasabi noon. 

"Hand this over to Accounting Department. At may ipapapirmahan kay Ms. Ferrer dito. "

Aniya at itinuro ang ibabang parti ng mga papel.

Bakit ako ang inuutusan niya nito?  Diba may secretary siya? 

Nagirap ako.

"Wala sa job description ko ang pagiging delivery girl. You have your secretary.  Why don't you let her do that? "

At kahit sinabi ni Caster na icontrol ko ang temper ko ay hindi ko lang magawa.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. His mouth was half open. 

"Are you giving me an order Chandria?  I'm your boss here.  Sinuswelduhan kita kaya may karapatan akong utusan ka. Now, if you show me that attitude you better quit this job.  I won't tolerate that. "

Aniya sa seryosong boses. 

Kailangan mo ng trabaho, Chandria! 

My mind keeps on chanting. 

Napabumuga na lamang ako ng hininga.

"I'm sorry.  "

Sabay kuha ng mga papeles na inaabot niya. 

"Is there anything else, Mr. Salvador? "

"I prefer you calling me Ken.  "

Aniya bago pakawalan ang mga papel. 

"Your my boss, right?  And I think napakarude naman po kung tatawagin ko sa first name ang boss ko"

Palusot ko. 

"My second name then. "

Aniya at nginisihan ako. Kahit nagtiim bibig na ako ay hindi ko parin maiwasang hindi ikutin ang mga mata ko patungong ere. 

"I should go.  Marami pa po akong gagawin."

Agad akong tumalikod at lumabas. 

Damn!  Nasa 5th floor ang Accounting Department at ako'y nasa 24th floor. Hassle naman o! 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon