39

11 0 0
                                    

"Chandria "

Hindi ko mapigilang umiyak. Bakit patuloy akong ginugulo ni Theo? 

"Chandria "

Isang yugyog sa aking balikat ang nagpagising sa akin. 

Panaginip? Panaginip lang pala.

Agad kong niyakap si Ken.

"Are you okay?  Masama ba ang panaginip mo? "

Alalang tanong niya.

"Si Theo "

Aniko.  Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. 

"Okay lang 'yan.  Panaginip lang iyan.  " Pag aalo niya sa akin. 

"He keeps on haunting me " Pagsusumbong ko sa kanya.

"Sure ka bang si Theo iyon? Baka ako 'yun. Tinawag mo ba ang pangalan ko? "

Sunod sunod niyang tanong. Umiling ako. 

Alam kong si Theo iyon. Alam na alam ko.  Illusion ko iyon e.  I was once in loved with him. 

Ng mahimasmasan na ako at agad na din naman akong nag ayos para makapagtrabaho na. 

Si Ken na ang nagluto ng breakfast namin dahil maaga pa naman. 

Napangiti ako ng makita kong naka apron siya habang sinasalin ang sunny side up na itlog na kanyang niluto.  Ang ibang pang umagang pagkain ay nakahain na rin.  Bigla tuloy akong inatake ng gutom.

"Kain na. Niluto ko yan with love"

Aniya at naghugas ng kamay at hinubad ang pink na apron.  Umupo ako sa isang silya doon at ganoon din siya. 

Nilagalyan niya ako ng fried rice at bacon sa aking plato.

"Ako na. Kaya ko naman e "

Pag aagaw ko sa kanya  ng ulam.  He shot me a deadly stare. 

"Alam ko.  Gusto ko lang gawin.  "

Kinilig naman ako sa sinabi niya. Hinayaan ko na lang siya at baka masira pa ang magandang atmosphere namin. 

Nasa kotse na kami ng bigla namang pumasok ulit sa isipan ko si Theo.

Bakit nakikita ko na naman siya?  Iyan ang tanong na pilit kong hinahanapan ng sagot.  Pero wala ni isa akong makuha. Nababaliw na naman ba ako?  Nababaliw na naman siguro.  Gusto kong iumpog ang ulo ko para maalis si Theo sa isipan ko.  Ano ba ang dapat kong gawin para hindi na ako gambalain ni Theo?  Ayaw ko na e.  Ayoko na ng ganito. 

"Chan? Are you okay? "

Nabalik ako sa diwa ko dahil sa tanong ni Ken. 

Kanina pa pala siya nagkukwento sa kung ano at wala akong naintindihan sa sinabi niya. 

Isang matipid ang aking ginawad sa kanya. 

"Okay lang "

Aniko.  Nagkamot siya ng kanang kilay niya.

"Iniisip mo pa rin ba ang panaginip mo?"

Tanong niya.  Hindi ako nagsalita.  Napayuko na lamang ako. Nahihiya akong aminin na iniisip ko na naman ang ilusyon ko.

"It's okay. Just show him that you love me more than him "

Aniya at hinawakan ang kamay ko. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. 

Magkahawak kamay kaming pumasok sa kompanya. 

Nararamdaman ko ang pagsunod ng mga mata ng bawat taong nadaanan namin.  Pabalik balik ang kanilang paningin. Kay Ken,  sa akin at sa mga kamay naming magkasaklop. Tinry kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Ken dahil naasiwa ako sa tingin na mga katrabaho ko pero mas lalo lang hinigpitan ni Ken ang pagkakahawak dito.  Taas noo siyang naglalakad na para bang wala siyang pake sa sasabihin ng iba.  Hinayaan ko na lang at sumunod sa kanya.  Kaming dalawa na lang ang natira sa elevator. 

You're My IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon