Nakalabas din si Courtney ng Arena after 50 years. Pagdating niya, excited siyang magkwento pero ng sabihin ni Gavin, "Hey Courtney, remember Chad? Yung best friend ko ng elementary?" Nakita kong bigla siyang natigilan at namutla. Almost 30 seconds din ata siyang nag-hang. Finally, "Yes of course, I remember him." She finally spoke.
"Guess what, he's the guy na kasama ni Blue sa Korea, and siya din yung guy na katabi ko sa plane." Ako naman ang excited magkwento sa kanya.
"Ah, talaga?" Walang buhay niyang sagot. "Grabe ka naman Courtney, I can't believe you didn't recognize him. I mean we're talking about Chad here, my 'bestfriend' na kilala mo ng bata pa tayo."
"What do you expect kuya, that's what, almost 9 years ago. And he changed a lot. Look at him."
Tinignan ko si Chad. I can't tell if he really changed a lot para makalimutan niya si Chad. We stayed for a little longer. Ang daming pinagusapan ni Gavin and Chad. Ang dami ko ngang nalaman about those times na di ko pa sila kilala.
"Di mo talaga siya nakilala Courtney?" Nasa sasakyan na kami pauwi kila Courtney. Sa kanila ako magsleepover. While si Chad bumalik na sa loob ng arena. Di ko alam kung bakit pa niya kailangan bumalik sa loob at di nalang siya umuwi.
"Sabing hindi nga eh." Sagot ni bestfriend.
"How can you forget your first love?" What did I just heard? First love ni Courtney si Chad?
"Correction, puppy love lang yun. And kuya, bata pa ako noon. Tignan mo nga ako, ang layo na ng itsura ko ngayon compared ng elementary." Tama si Courtney, I saw her elementary pictures, and I must say, sobrang laki ng difference, or better to say, ng improvements niya.
"Wait Courtney, naging kayo ba ni Chad?" Super nacurious ako eh. Nagkatinginan sila, sabay tumawa ng malakas si Gavin at sumimangot naman si Courtney.
"Ano sa tingin mo Zabrina?" Tanong ni Gavin. Pero di ako sumagot, kasi wala ako talagang idea.
"It's a one sided love, best. Hindi niya alam na gusto ko siya. Tsaka during that time, meron siyang ibang gusto. Plus ang bata ko pa para sa ganung bagay, kaya sabi ko noon, hihintayin ko nalang na umabot kami sa right age, at doon ko nalang sasabihin sa kanya."
"So pwde mo ng gawin yun ngayon." I said.
"Thinking yun ng isang elementary kid. It was 9 years ago, and I forgot about him. Times change, and so are my feelings."
"Pero bakit natulala ka ng makita mo siya kanina?" Bingo! Tinanong din ni Gavin ang isang malaking question mark para sa akin.
"Nabigla lang talaga ako ng makita ko siya. Di ko kasi siya namukhaan. Pwde ba, let's change topic na?" Halatang ayaw pagusapan ni Courtney si Chad, nagkatinginan kami ni Gavin, kaya di na lang kami nagreact pa.Dumating din ang weekend. Finally. Pero di na nga pala ako student, kakagraduate lang namin. Everyday na nga lang pala ako nasa bahay, nakalimutan ko. Actually, kaya ko hinihintay ang weekend, gala mode kami ngayon ng bestfriend ko, Nagmamadali na akong umalis ng bahay, 2pm usapan namin. 30 minutes papunta sa kanila. 1:30 na ako nakaalis ng bahay, si Mama kasi, ang daming ibinibilin. Out of town kasi siya for the whole week, kaya ang daming reminders.
Pagdating ko sa bahay nila Courtney, napansin kong may sasakyang naka-park sa tapat ng bahay nila. Di familiar ang sasakyan,at pansin ko, mamahalin yung kotseng nakaparada. Pinapasok na ako ng kasama nila sa bahay. Nagulat ako ng makita si Chad kausap ni Gavin sa sala nila.
"Hi Zabrina. May lakad ba kayo ni Courtney?"
"Yup. Hi Chad, what are you doing here?"
"Catching up with my bestfriend."
"Oh, I see."
"Zabrina, puntahan mo na nga yung bestfriend mo sa kwarto niya."
"Bakit?"
"Sabi ko kasi sa kanya, bumaba dito after niyang maligo. Tignan mo nga kung hindi pa din siya tapos. Halos one hour na siyang naliligo eh."
"Hay naku Gavin, parang di mo naman kilala kapatid mo eh. Di ba matagal talaga yun maligo lalo na pag may pinaghahandaan." Iniwan ko na sila at umakyat na ako para i-check si Best.
Pagpasok ko ng kwarto ni Courtney, nakita ko siyang nakaupo sa harap ng salamin. "Eh tapos ka na palang maligo, bakit di ka pa bumaba? Hinihintay ka ni Gavin sa baba eh."
"Thank God Breena. Dumating ka din. Let's go. Alis na tayo."
"Teka, ibig mo sabihin hinihintay mo ako dumating kaya di ka pa bumababa? Ano ka ba? Nagtatago ka ba dito?"
"Sinong nagtatago? Ako? Bakit naman? Di pa kasi ako tapos mag-ayos kanina kaya di ako bumababa. Siyempre pinaghahandaan ko yung lakad natin. Malay mo may makita tayong cute guy mamaya."
"Ewan sa'yo. Feeling ko talaga pinagtataguan mo si Chad."
"Bahala ka nga. Halika na. Baka matraffic pa tayo."
Lumabas na kami ng kwarto. Pagbaba namin, halatang medyo natigilan si Courtney. Alam ko namang may effect pa din sa kanya si Chad, ayaw lang niyang aminin.
"Hi Courtney!" Bati ni Chad.
"Hi!" Sagot ni bestfriend. "Ah, siya nga pala alis na kami ni Breena. Baka abutin kasi kami ng traffic, ma-late pa kami dun sa papanoorin naming movie."
"Ha? Movie?" Tinitigan ako ni Courtney. Alam ko na ibig sabihin nun, wag na akong kumontra.
"Eh paano naman kasi, ang tagal mo maligo kaya ayan nagmamadali ka ngayon. Di ka man lang nakakwentuhan ni Chad."
"Oo nga Courtney, may dala pa naman akong cake."
"Ay, okay lang Chad, diet kasi ako."
"Ha? Diet ka? Kailan pa?" Tanong ko kay bes. At katulad kanina, pinanlakihan na naman niya ako ng mata. "Ah, oo nga pala Chad, diet kasi kami nito ni bes. May pinaghahandaan kami. O siya, una na kami sa inyo ha?" Sabay aya ko na kay Courtney, baka kung ano pang pagsisinungaling ang gawin nito eh.
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomantizmWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...