"Breena! Breena!" Nagising akong may kumakatok sa pinto ng cabin ko. Anong oras na nga ba? Nakalimutan kong may usapan kaming manood ng sunrise. Nagmadali akong mag-ayos ng sarili.
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.
"How do you see me as your knight in shining armor." Dahil diyan, di ako nakatulog. Nabigla ako sa tanong na yun ni Chad. At dahil dun, di ko din alam kung tama ba sinagot ko.
"Chad, hindi naman mahirap magustuhan ka. You're a perfect boyfriend material. And aminado ako na first time kitang makita, nagka-crush na din ako sa'yo. Pero, for now, let's keep things as is muna. Ayoko magmadali. Enjoy muna natin ang company ng isa't isa, habang kinikilala din natin ang isa't isa. Okay?"
"Okay, fair enough. Mahalaga, aware ka sa feelings ko. And I don't need to hide it anymore."
"Ah, about that. Pwde medyo discreet lang? Ayoko maapektuhan ang mga kids. Baka lagi tayong kulitin or asarin. Medyo, hindi kasi ako sanay sa ganun."
"No problem."
That's was our last conversation bago kami naghiwalay kagabi. Siguro mas ok na din ito. I'm still in the process of sorting my feelings. Ayoko magjump into a relationship na hindi pa ako sigurado. Bukod dun, madami dapat iconsider, yung team, yung Chronicles, and yung work ko.
"Ready?" Si Chad bumungad pag bukas ko ng pinto.
"Sorry, napasarap ako ng tulog."
"Yeah, same here."
"Si Brent?"
"Nauna na sa may shore. Hintayin daw niya tayo dun. Inaayos lang niya yung bangka. Let's go?"
"Ok.""Hi Breena!" Nakasakay na si Brent sa bangka na sasakyan namin. Nakita kong madaming nakagayak na pagkain.
"Wow, Brent. Ang daming pagkain ah."
"Yup, ng malaman ni Mama na mag island hopping tayo, madami siyang pinahandang pagkain. Kagabi pa actually."
"Mukhang mapapalaban tayo sa kain nito Breena ah."
"Hahaha. Oo nga Chad. What's diet after this?"
Natapos ang maghapon na puro island hopping and swimming ang ginawa namin.
"Chad, I didn't know na vacation pala talaga pinunta natin dito. Hahaha."
"Ay, hindi ba Breena? Akala ko vacation leave yung ginawa natin eh."Nagkatawanan kami habang pabalik na kami sa pampang.
"So Brent, sasama ka na ba sa amin tomorrow?""Not yet Breena."
Napansin ni Brent na nagulat at nag-alala kami pareho ni Chad.
"Don't worry. Susunod din ako sa inyo the following day. May kailangan lang akong ayusin bago bumalik ng Manila. Kayo na bahala magexplain sa kanila."
Nakahinga kami ng maluwag ni Chad ng nagconfirm si Brent na babalik na siya ng Manila.
Bumalik muna kami sa kanya kanyang cabin namin para makapag palit. Sa bahay nila Brent ulit kami magdidinner.
Nasa room pa ako ng magring ulit ang phone. Si Blue ulit. "Yes, Blue."
"Ah, Breena, si Kieffer to."
"Oh hi. Bakit hawak mo yung phone ni Blue?"
"Naku, Ayun, kausap pa niya si Alex. Kanina pa sila magkausap eh. Iniwan nya yung phone sa akin, baka daw tumawag kayo."
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...