Chapter 37

61 2 0
                                    

Monday na kami bumalik ng studio para makapahinga ng 2 days. Hindi pa tapos ang editing ng MV, most likely tomorrow pa daw namin makikita yung initial edits ng MV.

"Blue, ang aga mo ata?" Inabutan ko si Blue na pawis na pawis. Mukhang kanina pa siya nagpa-practice ng sayaw.

"Ano bang pinapraktis mo?

"Wala. Gusto ko lang sumayaw. Kailangan kong magpapawis."

"Sabagay, ilang araw din tayo sa Korea and malamang hindi kayo masyadong nakapag-gym."

Bumalik lang si Blue sa pagsasayaw, at naiwan akong walang kausap at nanonood lang sa kanya.

Ang bilis ng mga pangyayari, pagbalik namin from Korea, suitor ko na si Chad. Nagaalala din ako kay Blue. Although hindi ko alam kung ano ba talaga feelings ni Blue for me. He never said anything about it, kaya tama bang isipin ko pa yun? Baka naman ako lang ang nag-iisip kung kumusta na si Blue.

Nagpahinga ulit si Blue.

"Blue, isasama mo ba sa next album niyo yung song na kinompose mo?"

Tumingin sa'kin si Blue habang nagpupunas ng pawis. "Anong song?"

"Yung aksidenteng narinig ko na kinakanta mo dun s music studio."

"Hindi."

"Bakit naman?"

"It's not for public listening. Hindi ko yun kinompose for our album."

"Sayang naman. Ang ganda pa naman."

"Hindi lahat, dapat ishini-share mo. There are things best to keep to yourself."

"Kung sabagay. Gawa ka nalang ulit ng bago, para may maisama ka ulit sa album niyo. You know you write good songs. Sayang naman kung di yun maririnig ng fans niyo."

Hindi na siya sumagot at bumalik nalang siya sa pagsasayaw niya.

Mabuti nalang dumating na din sila Brent.

"So Breena, anong schedule natin today?"

"May photo shoot kayo para sa album jacket nyo."

"Ay, oo nga pala. Naku, malapit na naman ang comeback namin. Wala na namang pahinga nito."

"Oo nga Brent. Pero nakakaenjoy din kasi magperform ng new songs eh."

"Korek Drake. Excited lagi ako pag may bago tayong song and choreo."

"After nito, concert naman ang paghahandaan niyo."

"Agad agad Chad?"

"Oo Breena." Hindi ko makakalimutan ang first experience ko ng concert nila as part of the team. Nakakastress pero nakaka excite.  First time I learnt about Bea, ang babaeng connected both kay Chad and Blue.

"Breena?"

"Bakit Chad?"

"Bigla ka kasing natahimik. Anong iniisip mo?"

"Ah, wala naman. Naalala ko lang yung first time akong nakasama sa concert ng Chronicles. Hehehe."

"Grabe, bilis ng panahon, no?"

"Oo nga eh."

Pumunta na kami ng salon kung saan may schedule sila ng hair and make-up. Ang galing talaga ng make-up artist nila. Ibang iba ang dating ng mga boys lagi. Iba sa last concept nila. Napapalabas niya ang iba't ibang charisma nila.

"Ah Chad, parang bago itong kinuha nating photographer para sa shoot natin."

"Oo Breena. Referral kasi ng President natin, kaya siya na yung kinuha natin. Anyway, based dun s portfolio niya, magaling talaga siyang photographer."

Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon