Chapter 25

54 1 0
                                    

After nang ilang oras, nakarating din kami sa resort nila Brent. Maganda yung place nila. Family resort, and malapit na din dito yung family residence nila. Pinapili kami ni Brent if we wanted to stay at their house or sa mga guest rooms nalang nila dito sa resort nila. And we opted to stay in the resort, para mas may privacy pa din yung family ni Brent.

"Hi Brent. How are you?"

"Hi Breena, I'm glad na pumunta ka dito. At least, may makakausap akong iba bukod kay Chad."

"I know Brent, kaya talagang isinama ko si Breena dito, alam kong mas gusto mo yun."

"Thanks Chad. By the way, eto pala ung susi ng rooms niyo. Malapit sa seaside yung cabin niyo. Magkatabi lang yung cabin so don't worry. Di kayo mahihirapan magkita, if ever."

"Thanks! Pwde na siguro natin ilagay muna yung gamit dun sa cabin, Breena."

"Yup."

"Sige, after nyong mag-unpack,isasama ko kayo sa Bahay, para dun kayo magdinner. And para mameet mo na din yung family ko Breena."

"Sure. No problem." Napatingin nalang ako kay Chad. I really don't know what to expect during the dinner. Pero, andyan naman si Chad. Siya na bahala later.

Dinner time. And katulad ng napag-usapan, sa bahay nga nila Brent kami kumain.

"So Breen, kumusta naman ang aking kapatid? Masunurin naman ba?" Si Clint, ang panganay na kapatid ni Brent. Siguro kasing edad din siya ni Chad.


"Naku, super bait and sweet ni Brent. Feeling ko nagkaroon ako ng younger brother in an instant."


"Talaga ba? Kung sabagay, sa kanila naman talagang magkakapatid, si Brent and pinaka sweet. Kaya lang, pinaka matampuhin."


"Talaga ba tita? So far naman po, di ko pa siya nakitang magtampo." Totoo naman. Hindi ko pa siya nakitang magtampo sa kahit sa kanino sa kanila.


"Naku, sobra. Alam mo ba, nung bata pa siya, grabe yung pagtatampo niya kay Papa. Kasi ba naman, nagpromise si Papa na aattend ng graduation niya, kaya lang di naka-attend nun si Papa. Isang linggo di niya kinausap si Papa." Si Alyssa, ate ni Brent, pangalawa sa tatlong magkakapatid.


Nakita kong biglang lumamlam ang mga mata ni Brent sa pagkakabanggit ng Papa niya. Napansin din yun ng mga kapatid niya at ng Mama niya. Medyo tumahimik kami lahat.


"In fairness naman po kay Brent, tingin ko nagmature na siya. Di na siya matampuhin tulad ng mga trainee days namin. Dati, lagi silang  nagaaway ni Blue dahil lagi siyang inaasar ni Blue. Naalala mo Brent, yung tinago niya yung sapatos mo? Kaya umuwi ka ng dorm na naka tsinelas lang?"


Nag-isip ng konti si Brent at biglang tumawa ng malakas. "Oo. Di ko makakalimutan yun. Pano ba naman, nagsasara na yung studio, di ko pa din mahanap sapatos ko. Buti nalang may pinahiram na tsinelas sa akin yung janitor dun, kung hindi, uuwi ako ng nakayapak. Alam mo Mama, pag-uwi ko ng bahay nun, nalaman kong si Blue nagtago ng sapatos ko, hindi siya nakatulog sa kwarto namin ng ilang araw. Hahaha."


"Ginawa mo yun kay Blue?" Tanong ng Mama niya. "Oo." Nagtawanan ang lahat. Napatingin sa akin si Chad at kumindat. Mabuti nalang, nagawa ni Chad mabago ang mood. Kung hindi, ang awkward all through out the dinner.


After ng dinner, naglakad lakad kami sa may tabi ng dagat. Sumama sa amin si Brent.


"Brent, nagstart na silang magpractice ng kahapon." Si Chad ang unang nagsalita.


"Talaga? Hinanap ba nila ako?"


"Syempre naman. Bilin nga sa akin ni Blue, pag nakita kita, sabihin ko daw sayo, lagot ka."

Nanlaki mata ni Brent pagkasabi ko nun. Halatang medyo natakot siya.


"Pero siyempre, biro lang yun ni Blue. Gusto lang nun bumalik ka na."


"Tama si Breen. Pero siyempre, ikaw magdedecide if sasama ka na sa amin pag-uwi or magstay ka pa dito."


"True. Kumusta ka na ba?" Pagtanong ko nun, biglang umiyak si Brent at yumakap sa akin.


"Brent, whatever it is, andito lang kami. Okay? Si Chad, si Blue, ung Chronicles, ako. Basta kailangan mo lang na kausap, alam mo naman yun diba?"


"Oo naman Breen. Alam ko yun. Kaya lang masyado lang akong malungkot ngayon. Biruin mo, yung akala mong perfect family, all of a sudden, malalaman mong hindi pala. Matagal nang may babae si Papa, at hindi lang sinasabi sa amin ni Mama. Kasi, ang mahalaga sa kanya, sa amin pa din naman daw umuuwi si Papa. Kaya lang, umabot na sa point, na wala ng love sa kanila at nagkakasakitan na sila. Di ko yun nakita, kasi sila kuya lang nakakawitness nun. Di naman nila sinasabi sa akin, kasi ayaw nilang magworry ako. I was kept in the dark. Naisip ko tuloy, what if di ako umalis ng Zambales, what if nagstay ako."


"If nagstay ka, do you think it would make a difference? Tingin mo ba mababago nun ang pananaw at isip ng Papa mo?" Tanong ni Chad.


"I know. My presence won't make a difference. At some point naisip ko na din na, kahit ano pa naging desisyon ko sa buhay, these are bound to happen. Kasi desisyon nila ito, hindi sakin. Pero mahirap pa din tanggapin. Naawa kasi ako kay Mama. Ang tagal na pala niyang pinagtitiisan ang set-up na yun. Para lang sa amin."


"Mahal kasi kayo ng Mama niyo, kaya ayaw niya kayong masaktan. Kaya wag mong pagsisihan ang ginawang iyon ng Mama mo. Kasi para sa kanya, that time, yun ang alam niyang tama niyang gawin. Be thankful nalang din, kasi natapos na ang phase na yun. Mas makakahinga na ng maluwag ang Mama mo. Although alam natin, malulungkot pa din siya, kasi alam niyang tuluyan na silang naghiwalay ng Papa mo. I think, this is the time, your mother needs you the most, kayong magkakapatid."


"Thanks Breena."


"You're welcome Brent."


"Brent!" May lalaking lumapit sa amin at tinawag si Brent. Lumapit siya dito para tanunging kung bakit. Pag balik ni Brent sa amin, sinabi niyang kailangan niyang bumalik bahay, may mga dumating daw silang kamag-anak at hinahanap siya.

"Sige lang Brent. Go on. Alam naman na namin ang pabalik sa cabin namin." I told Brent.

"Sige, tomorrow, sunduin ko kayo ha. Mamasyal tayo sa may katabing isla. Maganda dun magabang ng sunrise."

"Ha? Anong oras mo kami susunduin?" Nagalala ako, kasi kung sunset yun, ibig sabihin, dapat maaga ang gising namin.

"Siguro by 5:30 or 6am, malapit lang naman ung isla. Tapos dun na din tayo magbreakfast."

"Ok. Kaya naman pala. Akala ko sobrang aga. See you tomorrow. Goodnight."

"Goodnight din sa inyo."

"Masarap yung simoy ng hangin sa tabi ng dagat. Kung maglakad lakad muna tayo bago bumalik ng cabin?"

Pumayag ako. Matagal tagal na din kasi yung last kong punta ng beach. And nakakamiss talaga yung ganito.





Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon