We arrived at the hospital. Siguro 30 mins lang andun na kami. Ang bilis magpatakbo ni Blue.
""Dad,what happened?" So, siya pala tatay ni Blue. Kamukha nga niya. Actually, kung papabatain siya, mas gwapo pa siya kay Blue.
Ngumiti ang tatay niya. "Sorry 'nak. Napatakbo ka tuloy ng wala sa oras. Biglang tumaas BP ng lola mo, kaya ayun, sinugod namin bigla sa ospital ng pinsan mo. Pero ok na siya ngayon. Nakakain lang ng bawal. As usual."
Lola? Akala ko ba mother niya yung pupuntahan namin?
"Thank God! Akala ko kung ano ng nangyari kay Mama." Unti-unti ng lumiwanag ang mukha ni Blue. Napatingin silang pareho sakin, at ngumiti lang ako.
Nag-alangan ang tatay niyang tanungin kung sino ako, pero halatang curious siya. Kaya si Blue na nagsalita.
"Dad, this is Breena. PR Manager ng Chronicles. And she's working on our company."
Ngumiti siya kay Blue, then sa akin."
"Good evening po. I'm sorry if nakakaistorbo po ako.""Of course not. It's rare that I got to meet one of Blue's colleagues. Usually ung member lang ng Chronicles and si Chad ang nakikita kong kasama niya. By the way, lalabas na din lola mo maya maya. Medyo hinihintay lang yung effect ng gamut na binigay sa kanya."
"Ah ganun po ba? Mabuti naman. Ihahatid ko muna si Breena. Late na kasi natapos yung practice namin kaya wala na siyang masakyan."
"Sige. Anyway, Blue, invite mo naman si Breena minsan sa Bahay. Matutuwa lola mo mameet siya. And I think magkakasundo sila ng kapatid mong si Alexa."
Pinandilatan ni Blue ang Dad niya. "Dad, nakakahiya naman kay Breena. And besides, magkakilala na sila ni Alex."
"Really? Then much better. Next week birthday ni Alex. We're going to have a small celebration. Why don't you invite Breena, and your members syempre, including Chad?"
Napatingin si Blue sa akin. Halatang nahihiya siya sa sinasabi ng Dad niya.
"I think that would be wonderful po Tito. Pagod po sila lagi sa practice, and a little celebration party will help them unwind." Nasabi ko nalang sa Dad ni Blue. Ayoko namang tanggihan ang offer niya. And chance ko na din makilala ang family ni Blue. Kahit paano curious ako sa background niya.
"Great! Hintayin namin kayo ha?" Sabay kindat sa akin ng Dad ni Blue.
"No problem Tito. I'll make sure na makakarating sila."
Since out of danger na lola ni Blue, umalis na kami ng hospital and hinatid na ako ni Blue sa Bahay.
"Blue, pwde magtanong?"
Tumingin lang siya sa akin. And I took it as a go signal to ask.
"I remember dati nababanggit mo yung mom mo, and kanina, mom din ang sabi mo. So yung tinutukoy mo bang mom mo all the while is your lola?"
"Yes."
Di ko na alam susunod kong tanong. Kasi alam ko naman ng patay na din mother niya.
He looked at me.
"Siya na nagpalaki sa akin ng mamatay mother ko. Sila ng Dad ko ang naging parents ko."
"I-I know,nabanggit sa akin ni Alex before."
"Ano pang sinabi niya sayo?"
"About sa parents mo and sa parents niya."
"Ang daldal talaga niya. So alam mo na pala. Bakit nagtanong ka pa?"
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...