Chapter 6

78 2 0
                                    


8:00 A.M. palang nasa office na ako. Ang schedule ng Chronicles mamaya pang 10:00 A.M. ang umpisa, kaya tumambay muna ako sa dance studio nila. Naisip kong umidlip muna habang naghihintay sa kanila. I decided to put my headphones and play on music. Dahil hindi ako mahilig sa music, konti lang laman ng phone ko. And thanks to my bestfriend,ng malaman niyang I'll be working for Black Knight Entertainment, nilagyan niya ng music ang phone ko, yun nga lang, puro kanta ng Chronicles nilagay niya.

Nakatulog ako at hindi ko na namalayan kung gaano katagal. Maya-maya naramdaman kong may nagtakip ng cap sa mukha ko. Nagulat ako. Nahagis ko yung cap.

"Ano ba?"

"Haha. Mukhang puyat na puyat ka ah. Ano bang ginawa mo kagabi?"

Tinignan ko kung sino itong nanggugulo ng tulog ko. Si Drake pala.

"Ano ka ba? Nakita mong natutulog yung tao eh, bakit ginugulo mo?"

"First of all, nasa office ka, kaya hindi ka dapat natutulog. Second, nasa dance studio ka, kaya any moment from now eh magdadatingan ang mga tao. Pasalamat ka pa nga, ginising kita bago sila dumating. And lastly, hindi ko naman intention na guluhin ka. Tinakpan ko pa nga yung mukha mo habang natutulog, nakakadistract kasi eh. Haha!"

Sa inis ko, di ko napigilang batukan siya. "So dapat pa ako magpasalamat sa'yo? Nakakadistract pala ha."

"Teka nga, 2nd day mo palang sa work today, kung makabatok ka na ah. Bakit, close na ba tayo? Kung sabagay, siguro kagabi wala kang ibang ginawa kundi ii-stalk ako sa instagram no?"

"Anong pinagsasabi mo dyan?" Naalala ko tuloy bigla, last night, tinitignan ko ang instagram niya, pero di ko naman siya inii-stalk. Kaya bakit naman niya nasabi yun? Tsaka pano naman niya nalaman?

Inabot niya sa akin yung phone niya.

"Ano naman gagawin ko dito? Hinihingi mo ba number ko?" Tanong ko sa kanya.

"The nerve. Bakit ko naman hihingin number mo?"

"Malay ko ba? Baka kailangan mo dahil sa work ko."

"Tignan mo. Ang daming notification na lumabas sa Instagram ko, and can you guess why?"

Tinignan ko yung phone niya. OMG, yung notifications, ang daming naglilike sa photos niya. Pero siyempre anong bago doon, eh sikat na singer siya. Bakit ba pinapakita pa niya yun sa akin. Pero ng tinignan ko ulit yung notifications niya, napansin ko ang isang pamilyar na id, @blueshadow. Tinitigan ko ulit, Instagram ID ko yun ah. At hindi lang isang picture niya ang ni-like ko. Binilang ko, mahigit ata sa sampung posts niya ang ni-like ko. Mukha nga ata akong stalker sa lagay na'to.

Hinabol ko siya, i-eexplain ko. Ayokong isipin niyang inii-stalk ko siya.

"So Ms. Zabrina, kaya ka ba napuyat?"

"Wait, I was just checking your individual instagram, everyone from Chronicles. I need to know you guys a little. Hindi ko namalayan, siguro ng nakatulog ako, napipindot ko yung like button. But that doesn't mean inii-stalk ko kayo. I'm just doing my job."

"Whatever you say."

Biglang dumating si Blue at iba pang members ng Chronicles.

"Wow, ang aga ah. Excited ka na bang makita kami?" Ngumiti lang si Drake. Yung ngiting nakakaasar.

Ayos, dumagdag na naman si Blue sa pang-aasar sa akin.

"Hi Zabrina, ready ka na ba for today's schedule? I hope nakapagpahinga ka ng maayos kagabi. Mejo magiging jampacked ang araw today."

Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon