Chapter 36

47 2 0
                                    

Nagising ako sa doorbell sa pinto ng kwarto ko. Sino ba naman kasi ito na ang aga aga manggising.

Pagbukas ko ng pinto, walang tao. Except for a cup of hot coffee sa sahig. May kasamang note, "Good morning. Enjoy the bitter sweet taste of this coffee."

Wow, kanino naman kaya ito galing? Don't tell me my secret admirer ako? O posible naman na namali ng pinto yung nagbigay. Akala niya siguro sa tamang pinto niya nabigay yung coffee. Sinilip ko yung hallway ng hotel, just in case maabutan ko pa yung naglagay ng coffee. Pero walang tao. I went back inside with the coffee in my hand. Sorry siya kung mali siya ng pinagbigyan, ako na owner nito. Pero bigla ko ding naisip, pano kung may lason pala yun? Pero ok lang. I don't think may gagawa ng kalokohan sa hotel na to. Kaya ininom ko na din yung coffee. It made my day, actually.

Today is our 3rd shooting day. Kahapon, puro individual shots and shoot ng choreography nila. Kaya nasa likod lang kami ng camera ni Chad. Ngayon ang shooting namin sa Nami Island.

Pumunta na kami sa Insadong. Doon kasi ang pick-up point ng bus na maghahatid sa amin sa terminal na papuntang Nami Island. According to the tour guide, siguro aabutin kami ng 2 hours sa byahe. Kaya naman maaga ang call time namin. Para maaga ding makarating ng Nami Island.

Habang nagba-byahe kami, I decided to check on SNS again. Nasumpungan ko na naman ang IG ni Blue. May isang picture na nakatag siya. Isang girl and si Blue. Mukhang kuha ito last night. If my guess is right, siya yung girl na kinukwento ni Clyde.

"Thanks for last night." Ang caption sa picture. And it's the same girl na nagcomment sa post ni Blue, si Danica.

"Thanks also for the quick catch-up." Comment ni Blue sa picture.

Wow. I can't imagine Blue having this side of him. Hindi kasi siya mahilig magpost ng picture or magleave ng comments sa IG, kahit nga dun sa official account nila.

Pagdating namin ng Gapyeong Wharf, sumakay na kami ng ferry. Mga 15 minutes lng siguro ung ferry ride namin papunta ng Nami Island.

"Excited ka na Breena?"

"Yup. Hehehe. Yung last kasing punta namin nila Courtney, di kami nakapunta dito. Naubusan kami ng time."

"Ah, mabuti pala kasama ito sa location natin. At least, makakapunta ka pa rin."

"True, Chad. Mabuti nalang napili nila direk itong location."

Madaming scenes namin ni Chad ang dito kinuhanan. Puro sweet moments. According to the script, eto ang favorite and memorable place for the 2 lead characters. Kaya naman, iba't ibang scene na kunyari from iba't ibang time yung shinoot namin dito. Around 4pm, natapos din kami ng shoot, kaya we were allowed to stroll around. We only have until 9pm, para maabutan din namin yung last trip pabalik ng Gapyeong Wharf kung saan naghihintay yung coaster namin.

Si Brent ang kasama ko mag-ikot. Madami akong nakitang mga animals, like ostrich and squirrel. Madami ding mga sculpture displays. And siyempre yung famous lined tree na ang gandang tignan since full bloom ang mga bulaklang ngayon.

Pumunta muna kami ni Brent sa part ng Island na maraming mabibilhan ng pagkain. Madaming choices, kaya naman nahirapan kaming mamili. Ending, bumili akong fish cake,  grilled corn and coffee. Si Brent naman, may nakitang fried chicken with fish cakes, and meron din siyang nakitang nilagang kamote.

"Brent, baka naman mag labas ka ng hangin mamaya diyan sa pagkain mo."

"Hahaha. Okay lang yun Breena, di na yun maaamoy dito."

"Hahaha."

Nagrent kami ng bike para mas madaling makaikot. Masyadong malawak yung island and nakakapagod maglakad.

Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon