Sa isang restaurant sa 5-star hotel ang dinner date namin ni Chad. Thank God, nakapag-ayos naman ako kahit paano.
"Chad, sabi ko sa'yo, inform mo ako agad kung saan tayo kakain, para sana nakapag-prepare ako."
"Bakit? Ang ganda mo kaya tonight."
"Tonight lang?"
"Of course not."
Habang kumakain kami, biglang may nag-appear na notification sa phone ko.
Isang group chat, si Brent ang gumawa. Isa-isa niya kaming in-add. Ako, si Chad, at lahat ng members ng Chronicles.
"Ano na naman kaya itong naiisip ni Brent." Tanong ko kay Chad.
"Hahaha. Alam mo naman yan, ang dami daming naiisip na pakulo."
"Hello guys! Dito tayo magkwentuhan. Hahaha. Bilang kami ay nasa bahay lang, at si Chad, Breena and Blue ay nasa kani-kanilang date. Dito tayo mag-usap usap."
Date. Ako at si Chad. Si Blue and si Danica. Friday nga pala yung alumni homecoming nila.
"Ano ba yan Brent, iniistorbo mo pa yung date nila eh." Pagsasaway ni Clyde.
"Hayaan mo si Brent. Para naman meron tayong real time update sa mga date nila." Reply ni Drake sa GC.
"Breena, let's take a picture together, para isend natin sa GC."
"Ah, sige." Naiilang akong ngumiti. Nakakahiya na binabantayan nila ang date namin ni Chad.
"Eto, kasalukuyan kaming kumakain, kaya lang nanggugulo kayo." Reply ni Chad sa GC, kasama yung selfie pic naming dalawa.
"Wow, ang sarap naman ng food niyo. Dapat Chad, next time, treat mo din kami dyan."
"Sure." Sagot ni Chad. Nakita kong nagta-type din si Blue. Pero hindi niya tinutuloy. Ilang beses siya magta-type at buburahin yun. Hindi siya siguro makapagdecide kung anong sasabihin niya.
"Blue, ikaw naman magshare ng picture mo." Si Drake ang nagsabi ng gusto kong sabihin.
Ang tagal ng reply niya. Nawala na sa pagkain ang focus ko. Hinihintay kong magreply si Blue.
And then comes his reply. Picture of him with Danica. Both enjoying the party and having a drink.
"Oh, eto na yung request nyo." Sagot ni Blue.
"Wow, Blue. First time kitang makita on a date." Reply ni Drake. Hindi pa din nila alam yung about kay Bea. Kami lang nila Brent and Chad ang may alam.
"Kumusta date mo?" Tanong ni Chad. "Ako, I'm having a great time here with Breena."
"Ang bilis sumagot ni Chad. "Of course, I'm having a great time too. Tagal ko ng hindi nakita classmates ko from high school."
Nagsend si Blue ng video nila. Si Danica, nakakapit sa braso ni Blue all through out that video.
"Alam mo Breena, mukhang di tayo makakatapos kumain kakasagot sa GC. Off muna natin yung mga phone natin, what do you think?"
"Great idea." Hindi ako makakafocus kung maya't maya ang dating ng pictures na pinapadala ni Blue.
Madami ng kinukwento si Chad. Pero ni isa dun, wala akong maalala. Hindi ko naaabsorb ang sinasabi niya. Natapos din ang date namin.
"Breena, are you okay? Kanina ko pa napapansin na parang lutang ka? May problema ka ba?"
Tanong ni Chad, habang naglalakad lakad kami sa garden ng hotel.
"Chad, I'm sorry. I don't know what's wrong with me. Pero, I don't think kaya ko i-reciprocate yung feelings mo."
"Breena, why are you saying this suddenly? I thought willing ka na i-open yung heart mo for me? Hindi ba, ita-try muna natin?"
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...