Ilang araw na ang nakakalipas, lahat sila busy na sa pagpapractice ng solo stage nila. 2 days ko na ding napapansing hindi pumupunta ng practice room si Blue.
"Chad, parang hindi ko ata nakikita si Blue pumunta ng practice room? May sakit ba siya?" Pag-aalala ko.
"Ah si Blue. Don't worry. He's fine."
"Pero nasaan siya?"
"Namimiss mo na ba?"
Tinignan ko ng matalim si Chad. Nakuha pa talagang mang-asar ng mokong na ito.
"Hahaha. Wag kang magalit. Just trying to tease you, para naman di mo masyadong mamiss si Blue."
"Ewan ko sa'yo."
"Basta, wag kang mag-alala. Blue is fine. I'm sure pinaghahandaan na niya yung solo stage niya."
Everyone is working hard, si Brent may solo dance number siya. Ang ganda ng concept ng choreography niya. I'm so impressed. Siya kasi ang gumawa ng choreo.
While si Clyde, nagprepare ng song number. Medyo upbeat. Just like him, active and happy-go-lucky type of guy.
Si Drake? Isang sexy number and prinepare. Bagay sa kanya. Kayang kaya niya kasi magportray ng seductive look. Pero kahit ganun yung concept, lutang na lutang pa din yung ganda ng voice niya.
Si Keiffer, song number din ang prinepare. Love song. Ang ganda din ng voice niya, super soothing.So ano kaya ang pine-prepare ni Blue? Curious ako. Sa totoo lang, kahit song or dance number iprepare niya, I think will be a very good one. Magaling din kasi siyang sumayaw. He owns the dance floor pag sumayaw na siya. Kumanta? Maganda din boses niya kapag kumakanta siya. Ang lamig ng tone at ang sarap pakinggan.
I'm so proud of these boys. I never once expected na magiging fan nila ako. I never thought na maiintindihan ko ang passion ng mga boy group artists. Dati akala ko, they are just a face, banking on their visual para makilala. But then I discovered, may mga talents sila na maooffer. May mg ambition sila and determined sila to get it, without stepping on anyone.
I'm just like a proud mother. I will always root for them and support them, no matter what.
"Breena, you can dance right?" Tanong ni Brent.
"Yes, I can. Why?"
"I have an idea kasi for my solo stage, kaya lang wala akong makitang female dance na magfi-fit dun sa concept. Ok lang ba sa'yo sumali sa prod ko?"
"Ha? Sigurado ka ba?"
"Oo naman. Noon ko pa gusto isama ka sa mga prod namin. Remember yung sa flashmob? Nagpromise ako na tuturuan kita ng sayaw?"
"Yeah. I remember that. Sige, game ako."
"Great! Tomorrow kita tuturuan ng steps. Konti lang naman and I'm sure di ka mahihirapan."
"Hahaha, don't worry. Hindi ko tinatanggihan ang pagsasayaw. Yan ang forte ko."
"Wow. Does it mean, we're going to see Breena on stage too?"
"Yes Chad. And I will be her choreographer." Proud na sagot ni Brent.
Everyone cheered for me. Lalo tuloy akong naexcite. Ano kaya magiging reaction ni Blue kung andito siya? Nope, dapat tigilan ko muna pag-iisip about Blue. I have to focus at my work right now. Mas kailangan ng team ang presence of mind ko.
The following day, nagstart na akong turuan ni Brent ng dance steps. And Chad, being a good dance choreographer as well, nag-assist kay Brent sa pagtuturo sa akin. Nagtulong sila sa pagcreate ng dance step specifically for me. Masyado akong nag-eenjoy sa ginagawa naming practice. Iba pala ang feeling kapag alam mong kasali ka na sa program at magpeperform ka. Kahit na sabihing 3 minute of fame lang yun, pero nakakaexcite.
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...