Chapter 31

72 2 0
                                    

Ang tagal bumaba ni Blue. Medyo inaantok na din ako. Konti lang nainom ko, pero dahil hindi naman ako heavy drinker,mabiliis din akong tamaan.

After 20 minutes, sa wakas bumaba na din si Blue.

"Nasaan si Chad?"

"Ayun, kausap ni Alex. May paparinig daw siyang music na kinompose niya. Gusto daw niya, self composition yung gagamitin once natuloy yung fashion show para sa new collection niya."

"Ah."

Umupo si Blue sa tabi niya.

"San pala room ko Blue?"

"Bakit di mo masagot yung tanong ni Alex kanina?"

"Yun ba? Ayoko ng sagutin yun. I don't think na it's important to answer it."

"Pero kung tatanungin kita ngayon, sino pipiliin mo sa aming lima? You can be honest with me, tutal naman madami na din tayong pinagsamahan."

Oo nga naman. I can be honest with Blue. Siya ang unang nakapansin about my feelings with Chad. Can I really be honest with Blue? Pero, alam ko din ba talaga sagot sa tanong na yun?

"Tinanong ka din ni Drake kanina, hindi ba?"

Nagulat ako. So narinig talaga niya yun. Malamang pati din si Chad.

"Pati ba yun, di mo din kayang sagutin?"

"Di ba nga sabi ko, wala akong pipiliin, kasi work ang focus ko ngayon?"

"Ibig kong sabihin yung isa niyang tanong."

Inisip ko ulit yung conversation namin ni Drake.

"I like you."

Seryoso ba talaga si Drake dun? Hindi ko ineexpect na possible palang magkagusto siya sa akin.

"Blue, I don't think Drake's serious."

"He is."

"But,"

"But, you don't like him?"

Tumango lang ako.

"Then you should tell him. Hindi magandang iwasan mo yung issue na ito. The more na di mo siya sagutin, aasa siya na pwdeng magkagusto ka din sa kanya, na alam nating hindi mangyayari."

Napatingin ako sa kanya. "Pano kung magalit siya sa akin?"

"That will never happen. I know Drake. Hindi siya nagagalit or nagtatampo ng matagal. Maiintindihan niya. At madali ding maka-move on ang mokong na yun."

Tinitigan ko siya then said, "Thanks!"

"Welcome. Pero may isa ka pang utang sa akin."

"Ano yun? Wala akong maalala eh." Wala naman talaga akong maalalang utang sa kanya.

"Yung bagay na dapat mo i-sort out, na sort out mo na ba?"

Di ako sumagot. Alam ko na kung ano yung sinasabi niya.

"Hanggang ngayon ba, hindi ka pa din sigurado? Or iniiwasan mo lang pag-usapan?"

"Blue, if sabihin ko sa'yo na gusto ko si Chad, will it make a difference kung wala naman akong planong sabihin sa kanya?"

Napansin kong walang kibo si Blue. Hindi siya nagulat or nang-asar katulad ng madalas niyang gawin.

"Bakit ayaw mong sabihin sa kanya?"

"I just don't feel it's the right time. Hindi pa ako ready for a relationship. Masaya kasi ako ng ganito lng, na kinikilig pag nakikita siya."

"Baka naman crush lang yan?"

Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon