Ang dami na naming napagusapan ni Chad. Parang ang tagal na ng huli kaming nagkausap.
"Breena, ready ka na ba for the shoot tomorrow?"
"Actually, hindi eh. Alam mo bang ayaw na ayaw ko yung pinapa-acting kami ng teacher namin pag may school project?"
"Bakit naman?"
"Ewan ko ba. Nakakahiya kasi eh. Mas ok pa kung pasayawin ako. Pero magdrama, no talaga. Hahaha."
"Di bale, andito lang kami. Kami bahala sa'yo."
"Nakakatakot lang. Baka pag di maayos pag-acting ko, makakailang take, tapos magagalit si direk."
"Don't worry about that. Mabait naman si direk eh. Tsaka siya naman nagsabi na ikaw ang gawing lead actress sa MV eh."
"Sana nga. Teka, anong oras na ba? Napapasarap tayo ng kwentuhan eh."
"Oo nga 'no. Halika na." Unang tumayo si Chad at sumunod nalang ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Wala naman ng bago doon. Sadyang gentleman kasi si Chad.
Nasa labas na kami ng maalala kong naiwan ko yung journal ko sa table namin. Bigla akong napaikot pabalik ng coffee shop ng nagkabanggaan kami ni Chad. Muntik na akong matumba, buti nalang nasalo ako ni Chad. Hindi din sinasadyang magkalapit ang mga mukha namin, Ramdam kong namula ako, dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Medyo ilang seconds din kaming nagkatitigan ng biglang may narininig akong tumawag sa amin. Naitulak ko tuloy si Chad.
"Breena? Anong ginagawa niyo dyan ni Chad?"
"Teka, bakit andito kayo? Akala ko ba nasa hotel kayo?" Napatingin ako kay Drake, umiwas naman siya ng tingin.
"Ang alam ko Drake, si Brent nag-aya sa'yo lumabas, bakit kayo ni Blue ang magkasama?" Tanong ni Chad.
"Ah, di kasi makatulog si Drake, kaya sinamahan ko gumala."
"Anong ako? Hindi ba ikaw yung hindi makatulog?" Sagot ni Drake kay Blue.
"Tumahimik ka nga dyan. Hindi ba ikaw nag-aya sa akin?" Nahalata kong pinanlakihan ni Blue si Drake ng mata kaya naman um-oo nalang ito,
"Breena, bakit pala bigla kang bumalik kanina? May nakalimutan ka ba?"
"Ay, oo nga pala Chad. Nakalimutan ko yung journal ko sa coffee shop. Balikan ko lang ha?"
"Sige, hintayin kita dito."
Mabuti nalang, andun pa sa table yung journal ko. Bakit kaya naisipan lumabas nila Blue. Si Drake, mukhang dapat ko ng kausapin.
Pagbalik ko sa labas, andun pa din sila Blue at Drake. Akala ko aalis na din sila.
"Blue, san ba punta niyo?" Nacurious ako kung san plano pumunta nitong dalawa.
"Wa-wala. Balak lang talaga namin gumala, pang-pa-antok ba."
"Anong pang-pa-antok? Sabi mo hanap tayo ng coffee shop eh." Tinakpan ni Blue bibig ni Drake.
"Anong pinagsasabi mo dyan. Teka, pabalik na ba kayo ng hotel? Sabay na tayo." Aya ni Blue.
"Balik na ba tayo sa hotel Breena?"
"Oo. Medyo inaantok na din ako. Maaga pa tayo bukas."
"Okay. Halika na. Sabay sabay na tayo bumalik ng hotel."
Habang naglalakad kami, pasimpleng lumapit sa akin si Blue.
"Breena, I think this is the right time to talk to Drake."
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...