Chapter 1

339 11 0
                                    


"Eeee, Breena si Blue!"

Ha? Sino daw? Sino ba itong tinitilian ng bestfriend ko? Nilingon ko kung saan siya nakaturo.

"Best, si Blue! Yung idol crush ko." Naalala ko na, yung super crush ni Courtney. Matagal na din siyang fan ng group nila na sikat na sikat ngayon sa Pilipinas.

"Sigurado ka ba? Baka naman kamukha lang niya. Tignan mo wala namang pumapansin sa kanya." Palibhasa, di ko siya masyadong kilala kaya hindi ko din sigurado kung siya nga yun.

"Ano ka ba Best, nasa Korea tayo. Wala naman tayo sa Philippines. Malamang walang nakakakilala sa kanya dito, maliban nalang sa atin."

Hinila ako ni Courtney para habulin ang kanyang crush. Halos magkahiwalay na kami sa dami ng tao sa Myeongdong. Di ko nga alam kung nasusundan nga ba namin siya. Basta sumusunod nalang ako sa paghatak niya sa akin.

"Ayon! Ayon siya. Pumasok siya sa Starbucks. Sundan natin, dali." Patiling sabi ng mahal kong bestfriend na walang pakialam sa itsura ko habang hinahatak ako.

Pagpasok namin sa Starbucks, agad niyang hinanap kung nasaan si Blue. "Best, ayun siya o, nasa may tabi ng bintana." Tinanaw ko ang lalaking tinuturo niya. Sa tagal naming magkaibigan ni Courtney, ngayon ko lang nakita sa personal si Blue. Di kasi ako sumasama sa kanya pagpumupunta ito sa concert nila or sa mga mall tour. Ayoko ngang makipagsiksikan sa dami ng mga taong nanonood. "Cute din naman pala siya sa personal," naisip ko.

"Ahm Breena, pwedeng favor? Ikaw na bumili ng coffee natin. Hahanap na ako ng pwesto malapit sa kanila."

"Sure. May choice ba ako?" Ngumiti lang ang mahal kong bestfriend. Kaya hinanda ko na ang aking konting nalalamang Korean para maka-order n gaming kape.

"Ne, annyeonghaseyo!" Bati sa akin ng barista. "Ne,annyeonghaseyo. Cafe latte,frappe, hana. Kurigo, green tea latte, frappe, hana."

Lumingon ulit ako para tignan si Courtney at si Blue. Nakita kong may kasama pala si Blue. Di ako sure kung kasama niya sa group nila or kaibigan lang niya. Ilang minutes lang,nakuha ko na din order ko. "Kamsahamnida." Haha, yun lang alam kong Korean eh.

Bumalik na ako sa upuan namin. "Ang tagal mo naman Breena."

"Bakit? Ayaw mo nun, matagal mo siyang matitigan."

"Hinihintay kita para ikaw magpicture sa amin."

"Ha? Ano ka ba, bakit magpapapicture ka pa sa kanya? Nakakahiya kaya. Baka supladuhan ka lang niyan. Balita ko suplado yan eh."

"Wag kang mag-alala, ako bahala." Biglang tumayo si Courtney. Nawalan na ako ng pagkakataon para tumanggi o pigilan siya. Agad siyang lumapit kay Blue. Di ko na narinig kung ano sinabi niya kay Blue. Basta tumango ito at tumingin sila sa akin.

"Breena, pumayag na siya. Eto oh, picturan mo na kami." Agad naman nagpose si Courtney sa tabi ni Blue. Wala na ako magawa kundi magala-paparazzi at kunan sila ng picture.

"Ikaw, di ka ba magpapicture?" Ano daw? Tinatanong ako ni Blue kung magpapicture din ako sa kanya? "Ah hindi na. Tama na yung bestfriend ko. Salamat."

"Ano ka ba Breena, minsan lang to noh, sige na picturan ko na kayo." Pabulong ni Courtney habang tinutulak ako palapit kay Blue.

Ngumiti si Blue tsaka umakbay sa akin."Pakipot ka pa." Pabulong na pangaasar ni Blue.

Anong sinasabi ng mokong na to? Ako daw, pakipot? Batukan ko kaya, nang siya ang matauhan. Biglang nagflash yung camera, kaya di na ako nakasagot.

"Halika na nga Courtney, alis na tayo." Sa inis ko, inaya ko agad si Courtney, gusto kong magwalk out sa harap ng lalaking ito. Kaya lang, bago pa namin makuha yung mga gamit namin sa table, una ng nakatayo si Blue at yung kasama niya. Aba, naunahan pa ako sa plano kong gawin. Kami ang iniwanan.

Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon