Chapter 22

49 1 0
                                    


"Good morning." 

"Ah, good morning din?" Nagulat ako. Bakit ang aga pumasok ni Blue.

"Hahaha, You look funny."

"Ako? Funny? Anong pinagsasabi mo?"

"Halatang gulat na gulat ka makita ako eh. May tinapos lang ako."

Nakita ko may hawak si Blue na mga music sheet. Hindi kaya tinapos niya na yung song na narinig kong kinakanta niya ng minsan.

"Ahm, Blue, is that the song I heard last time?" Tinuro ko ung music sheet na hawak niya.

I can see Blue hesitated for a second. Hindi niya siguro sure kung sasagutin niya o hindi."Yes, you're right."

"Can I listen to it?" I don't know why bigla kong naisip sabihin yun. Curious ako sa song niya, pero alam ko hindi rin kami ganun ka-close tulad nila ni Chad para parinig niya sa akin yung song.

"Sure." 

What? Pumayag si Blue parinig sakin yung kinompose niyang song? Katapusan na ba ng mundo? Hahaha. Pero wala ng bawian to.

Pinatugtog ni Blue ung recorded niyang kanta sa phone niya. Iniabot niya sa akin yun para pakinggan.

I listened to every words of the song. At hindi ko alam, pero damang dama ko yung kanta. Feeling ko ako yung kinakantahan.

"Thanks Blue. The song is very good. Damang dama ko yung emotions. I must admit, you are a great composer."

Blue smirked. "I can't believe it took you long to realize that."

"My God Blue, how will I know about that, when there was never a song you wrote in your album. Ngayon ka lang naman nagsubmit ng song for your album, diba?"

Blue didn't answer. Kinuha niya phone niya at iniwan ako.

"That's so Blue. Hmph."

"Ang aga-aga mo naman atang nakasimangot."

"Hi Drake, kanina ka pa jan?"

"Nope, kakadating lang namin."

"Huh? Namin? Eh, asan sila?"

"Ayun, dumaan ng food store. Di kasi kami nakapagbreakfast sa dorm, gutom na gutom na sila."

"Eh ikaw?"

"Nagpabili nalang ako sa kanila."

Di ko alam kung bakit, pero ang awkward ng atmosphere sa loob ng studio. Si Blue, Drake at ako lang naman ang andun.

"Hmm, may problema ba kayong dalawa?"

"Drake, what are you saying?" Tanong ni Blue.

Di sumagot si Drake.

Buti nalang dumating na din sila Brent kasama si Chad. "Hay, makakahinga na din ako." Pero bakit nga ba ako nagaalala?

"Hey Breen, this is for you. I know you always need your caffeine."

"Thanks Brent, you're so sweet."

"So we'll be recording the last song in the album today. After nito, dance practice naman ang focus niyo for the comeback."

"Wow, parang katatapos lang ng concert nila, comeback na ulit? Grabe, wala talaga kayong pahinga."

"That's what they call, strike the iron while it's hot." Sagot ni Clyde.

"Pero hindi ba kayo napapagod?"

"Syempre, napapagod din kami, pero this is what we have signed for." Sagot ni Keifer.

"Mas gusto namin na sunod-sunod ang activities namin kesa naman wala kaming mga schedules, cause it means, hindi na interested and mga tao sa amin."

"Tama si Drake.  We've been through that period ng bago palang kami. Ng magdebut kami as an idol, matagal bago kami nagkaroon ng mga tv guestings and our own variety shows." 

Di ko inexpect na sumali si Blue sa usapan namin, much more to share their experiences.

"I remember that time, ng may TV guesting sila sa isang music show. Maiksi lang yung binigay na time slot para sa performance nila. Kaya naman malungkot at masaya kami at the same time. One week bago ulit nasundan yun ng TV guesting. The boys worked hard para mabago ang perception ng tao and audience sa kanila."

"Tama si Chad. That's why we are always thankful for every opportunity given to us para magperform."

"Is that you Brent? Feeling ko ang matured mo in just 30 seconds. Hahaha."

Nagkatawanan ang lahat. Pero at the back of my mind, habang tumatagal na nakakasama ko sila, mas nakikilala ko sila at di ko maiwasang mabilib sa kanila.

"By the way Blue, natapos mo na yung song?"

Nagkatinginan ang lahat.

"May song ulit na ginagawa si Blue? Teka, magdadagdag ba tayo ng song sa album?" Tanong ni Clyde.

"Nope. Reserve lang yan for future purposes. Pwdeng isama sa next album niyo, who knows." Sagot ni Chad.

"Hmm, so pwde na ba namin marinig yung song?" Tanong ni Drake.

"Anong song yun?"

"Hi Alex! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Chad.

"Hey, bakit? Bawal na ba ako pumunta dito?"

"That's not what I mean. I just didn't expect you'll come today. Di ba may mga imemeet kang designers?"

"Hmph. Naku, nacancel. May bigla daw silang kailangan puntahan. Nakakainis nga eh. Nakaset na yung schedule ko for the day. Ayan, nagulo tuloy. Kaya naisip ko pumunta nalang dito para pampalipas ng oras."

"Hahaha. Pampalipas ng oras? Eh kung pumunta ka nalang ng mall at dun ka magpalipas ng oras."

"Ang hard mo naman sa kapatid mo Blue."

"That's okay Clyde. Sanay na ako jan sa cold brother ko. Gusto ko naman sana magmall, kaya lang boring naman kung mag-isa lang ako. Unless samahan ako ni Breen."

"Ah, hehehe. Sorry Alex. Di ako available today. Medyo may kailangan kaming mga ayusin para sa upcoming album nila."

"Don't worry Breen. I understand. Sana sa weekend masamahan mo ulit ako."

"Wow. Mukhang BFFs na kayo ni Alex ah."

"Hahaha, di naman masyado Keifer." Sagot ko.

"By the way, di ko pa pala narinig yung song na kinompose ni Blue. Can I listen to it?"

"Why Breen, you don't have our album?" Tanong ni Clyde.

"Oh. Hindi pa ako binibigyan ng kapatid ko eh."

"Why should I? You should buy it for yourself kung gusto mo talaga marinig." 

"Okay fine, I'll buy it later. Ang damot mo naman sa kapatid mo. Hmph." Pa-ismid na sagot ni Alex. 

As usual, nanood ako habang nagrerecord sila. Gusto ko yung song na nirecord nila ngayon, may pagka R&B na ballad. Sarap pakinggan bago matulog. Bagay na bagay yung boses ni Blue sa song.



Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon